Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang kaluwalhatian ng Panginoon at ang karangalan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni David.
8 Oh Panginoon, aming Panginoon,
(A)Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
(B)Na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.
2 (C)Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan,
Dahil sa iyong mga kaaway,
Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
3 (D)Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri,
Ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;
4 (E)Ano ang tao upang iyong alalahanin siya?
At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
5 Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios,
At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
6 (F)Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay;
(G)Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
7 Lahat na tupa at baka,
Oo, at ang mga hayop sa parang;
8 Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat,
Anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
9 (H)Oh Panginoon, aming Panginoon,
Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
Ipinakita ng Panginoon ang pagkawalang malay ni Job sa liwanag, sa nieve, sa granizo, sa ulan, sa hielo, at sa leon.
38 Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job (A)mula sa ipoipo, at nagsabi,
2 Sino ito na nagpapadilim ng payo.
Sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman?
3 Bigkisan mo (B)ngayon ang iyong mga balakang na parang lalake:
Sapagka't tatanungin kita at magpapahayag ka sa akin.
4 Saan ka nandoon (C)nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa?
Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa.
5 Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman?
O sinong nagunat ng panukat diyan?
6 Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan?
O sinong naglagay ng batong panulok niyaon;
7 Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga.
At ang lahat ng mga anak ng Dios ay (D)naghihiyawan sa kagalakan?
8 (E)O sinong nagsara ng mga pinto sa dagat,
Nang magpumiglas na gaya ng pagpiglas mula sa bahay-bata;
9 Nang gawin ko ang alapaap na bihisan niyaon,
At ang salimuot na (F)kadiliman na pinakabalot niyaon,
10 At aking (G)itinatag doon ang aking pasiya,
At nilagyan ko ng mga halang at mga pinto,
11 At aking sinabi, Hanggang dito ay darating ka, nguni't hindi ka na lalagpas:
At dito'y (H)titigil ang iyong mga palalong alon?
8 (A)Huwag mo ngang ikahiya (B)ang pagpapatotoo sa ating Panginoon, ni ako na bilanggo niya: (C)kundi magtiis ka ng mga kahirapan dahil sa evangelio ayon sa kapangyarihan ng Dios;
9 Na siyang sa atin ay nagligtas, at sa atin ay (D)tumawag ng isang banal na (E)pagtawag, (F)hindi ayon sa ating mga gawa, kundi (G)ayon sa kaniyang sariling akala at (H)biyaya, na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus (I)buhat pa ng mga panahong walang hanggan.
10 Nguni't (J)ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus, (K)na siyang nagalis ng kamatayan, at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio,
11 Na sa bagay na ito ay ako'y itinalaga na (L)tagapangaral, at apostol at guro.
12 Dahil dito'y nagtiis (M)din ako ng mga bagay na ito: gayon ma'y (N)hindi ako nahihiya; (O)sapagka't nakikilala ko yaong aking sinampalatayanan, at lubos akong naniniwalang siya'y makapagiingat ng aking ipinagkatiwala sa kaniya (P)hanggang sa araw na yaon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978