Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
22 At tumindig si Pablo sa gitna ng Areopago, at sinabi,
Kayong mga lalaking taga Atenas, sa lahat ng mga bagay ay napapansin kong kayo'y lubhang relihioso.
23 Sapagka't sa aking pagdaraan, at sa pagmamasid ng mga bagay na inyong sinasamba, ay nakasumpong din naman ako ng isang dambana na may sulat na ganito, SA ISANG DIOS NA HINDI KILALA. Yaon ngang inyong sinasamba sa hindi pagkakilala, siya ang sa inyo'y ibinabalita ko.
24 (A)Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa'y Panginoon ng langit at ng lupa, (B)ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay;
25 Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao, (C)na para bagang siya'y nangangailangan ng anomang bagay, yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng (D)buhay, at ng hininga, at ng lahat ng mga bagay;
26 At ginawa niya sa isa ang bawa't bansa ng mga tao upang magsipanahan sa balat ng buong lupa, na itinakda ang kanilang talagang ayos ng mga kapanahunan at (E)ang mga hangganan ng kanilang tahanan;
27 Upang kanilang hanapin ang Dios baka sakaling maapuhap nila siya at siya'y masumpungan, bagaman (F)hindi siya malayo sa bawa't isa sa atin:
28 Sapagka't (G)sa kaniya tayo'y nangabubuhay, at nagsisikilos, at mayroon tayong pagkatao: (H)na gaya naman ng sinabi ng ilan sa inyong sariling mga manunula,
Sapagka't tayo nama'y sa kaniyang lahi.
29 Yamang tayo nga'y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao.
30 Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng (I)Dios; datapuwa't ngayo'y (J)ipinag-uutos niya sa mga tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako:
31 Sapagka't siya'y nagtakda ng isang araw na kaniyang (K)ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga; na ito'y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao, (L)nang siya'y buhayin niyang maguli sa mga patay.
8 Oh purihin ninyo ang ating Dios, ninyong mga bayan,
At iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan:
9 Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay,
At hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa.
10 Sapagka't (A)ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami:
(B)Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak.
11 Iyong isinuot kami sa silo;
Ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang.
12 Iyong pinasakay (C)ang mga tao sa aming mga ulo;
(D)Kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig;
Nguni't dinala mo kami sa saganang dako.
13 (E)Ako'y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin,
Aking babayaran sa iyo ang mga panata ko,
14 Na sinambit ng aking mga labi,
At sinalita ng aking bibig, (F)nang ako'y nasa kadalamhatian.
15 Ako'y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin,
Na may haing mga tupa;
Ako'y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing. (Selah)
16 (G)Kayo'y magsiparito at dinggin ninyo, ninyong lahat na nangatatakot sa Dios,
At ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa.
17 Ako'y dumaing sa kaniya ng aking bibig,
At siya'y ibinunyi ng aking dila.
18 (H)Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso,
Hindi ako didinggin ng Panginoon:
19 Nguni't katotohanang dininig ako ng Dios;
Kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin.
20 Purihin ang Dios,
Na hindi iniwaksi ang aking dalangin,
Ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin.
13 At sino ang sa inyo ay aapi, kung kayo'y mapagmalasakit sa mabuti?
14 Datapuwa't (A)kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran (B)ay mapapalad kayo: at (C)huwag kayong mangatakot sa kanilang pangtakot, o (D)huwag kayong mangagulo;
15 Kundi (E)inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: (F)na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa (G)kaamuan at (H)takot:
16 Na taglay (I)ang mabuting budhi; (J)upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay mangapahiya ang (K)nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng (L)pamumuhay kay Cristo.
17 Sapagka't lalong magaling, kung gayon ang iniibig ng kalooban ng Dios na kayo'y mangagbata dahil sa paggawa ng mabuti kay sa dahil sa paggawa ng masama.
18 Sapagka't si Cristo man ay (M)nagbata ring (N)minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, (O)upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay (P)sa laman, nguni't (Q)binuhay (R)sa espiritu;
19 Na iyan din ang kaniyang iniyaon at (S)nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan,
20 Na nang unang panahon ay mga suwail, (T)na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang (U)inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig:
21 Na ayon sa tunay (V)na kahawig ngayo'y nagligtas, sa makatuwid baga'y (W)ang bautismo, hindi sa pagaalis (X)ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng (Y)isang mabuting budhi sa Dios, (Z)sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo;
22 Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya sa langit; na (AA)ipinasakop (AB)sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.
15 Kung ako'y inyong iniibig, (A)ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
16 At ako'y dadalangin sa Ama, at (B)kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,
17 Sa makatuwid baga'y ang Espiritu (C)ng katotohanan: (D)na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.
18 Hindi ko kayo iiwang (E)magisa: ako'y paririto sa inyo.
19 Kaunti pang panahon, at hindi na ako makikita ng sanglibutan; nguni't (F)inyong makikita ako: (G)sapagka't ako'y nabubuhay, ay mangabubuhay rin naman kayo.
20 (H)Sa araw na yao'y makikilala ninyong ako'y nasa aking Ama, at kayo'y nasa akin, at ako'y nasa inyo.
21 Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978