Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 66:8-20

Oh purihin ninyo ang ating Dios, ninyong mga bayan,
At iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan:
Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay,
At hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa.
10 Sapagka't (A)ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami:
(B)Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak.
11 Iyong isinuot kami sa silo;
Ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang.
12 Iyong pinasakay (C)ang mga tao sa aming mga ulo;
(D)Kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig;
Nguni't dinala mo kami sa saganang dako.
13 (E)Ako'y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin,
Aking babayaran sa iyo ang mga panata ko,
14 Na sinambit ng aking mga labi,
At sinalita ng aking bibig, (F)nang ako'y nasa kadalamhatian.
15 Ako'y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin,
Na may haing mga tupa;
Ako'y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing. (Selah)
16 (G)Kayo'y magsiparito at dinggin ninyo, ninyong lahat na nangatatakot sa Dios,
At ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa.
17 Ako'y dumaing sa kaniya ng aking bibig,
At siya'y ibinunyi ng aking dila.
18 (H)Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso,
Hindi ako didinggin ng Panginoon:
19 Nguni't katotohanang dininig ako ng Dios;
Kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin.
20 Purihin ang Dios,
Na hindi iniwaksi ang aking dalangin,
Ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin.

Genesis 7

At sinabi ng Panginoon kay Noe, (A)Lumulan ka at ang iyong buong sangbahayan sa sasakyan; (B)sapagka't ikaw ay aking nakitang matuwid sa harap ko sa panahong ito.

Sa bawa't malinis na (C)hayop ay kukuha ka ng tigpipito, ng lalake at ng kaniyang babae; at sa mga hayop na hindi malinis ay dalawa, ng lalake at ng kaniyang babae;

Gayon din naman sa mga ibon sa himpapawid tigpipito, ng lalake at ng babae; upang ingatang binhing buhay sa ibabaw ng buong lupa.

Sapagka't pitong araw pa, at pauulanan ko na ang ibabaw ng lupa ng (D)apat na pung araw at apat na pung gabi, at aking lilipulin ang lahat ng may buhay na aking nilikha sa balat ng lupa.

(E)At ginawa ni Noe ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Panginoon.

Pagsakay sa Daong.

At may anim na raang taon si Noe nang ang baha ng tubig ay dumagsa sa ibabaw ng lupa.

At lumulan sa sasakyan si Noe at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang asawa, at ang mga asawa ng kaniyang mga anak, dahil sa tubig ng baha.

Sa mga hayop na malinis, at sa mga hayop na hindi malinis, at sa mga ibon at sa bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa,

Ay dalawa't dalawang dumating kay Noe sa sasakyan, na lalake at babae ayon sa iniutos ng Dios kay Noe.

Pagbuhos ng Baha.

10 At nangyari na pagkaraan ng pitong araw, na ang tubig ng baha ay umapaw sa ibabaw ng lupa.

11 Sa ikaanim na raang taon ng buhay ni Noe, nang ikalawang buwan, sa ikalabing pitong araw ng buwan, nang araw ding yaon, ay nangasira ang (F)lahat ng bukal ng lubhang kalaliman, at ang mga (G)durungawan ng langit ay nabuksan.

12 At umulan sa ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi.

13 Nang araw ding yaon, ay lumulan sa sasakyan si Noe, at si Sem, at si Cham, at si Japhet, na mga anak ni Noe, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kaniyang mga anak na kasama nila;

14 Sila, at ang bawa't hayop gubat ayon sa kanikanilang uri, at lahat ng hayop na maamo ayon sa kanikanilang uri, at bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikanilang uri, at bawa't ibon ayon sa kanikanilang uri, lahat ng sarisaring ibon.

15 (H)At nagsidating kay Noe sa sasakyan na dalawa't dalawa, ang lahat ng hayop na may hinga ng buhay.

16 At ang mga nagsilulan, ay lumulang lalake at babae, ng lahat na laman, (I)gaya ng iniutos sa kaniya ng Dios: at kinulong siya ng Panginoon.

17 (J)At tumagal ang baha ng apat na pung araw sa ibabaw ng lupa; at lumaki ang tubig at lumutang ang sasakyan, at nataas sa ibabaw ng lupa.

18 At dumagsa ang tubig at lumaking mainam sa ibabaw ng lupa; at lumutang ang sasakyan sa ibabaw ng tubig.

19 At dumagsang lubha ang tubig sa ibabaw ng lupa: at inapawan ang lahat na mataas na bundok na nasa silong ng buong langit.

20 Labing limang siko ang lalim na idinagsa ng tubig; at inapawan ang mga bundok.

21 (K)At namatay ang lahat ng lamang gumagalaw sa ibabaw ng lupa, ang mga ibon at gayon din ang hayop, at ang hayop gubat, at ang bawa't nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa, at ang bawa't tao.

22 Ang bawa't may (L)hinga ng diwa ng buhay sa kanilang ilong, lahat na nasa lupang tuyo ay namatay.

23 At nilipol ang bawa't may buhay na nasa ibabaw ng lupa, ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; at sila'y nalipol sa lupa: (M)at ang natira lamang, ay si Noe at ang mga kasama niya sa sasakyan.

24 At tumagal ang tubig sa ibabaw ng lupa, ng isang daan at limang pung araw.

Mga Gawa 27:13-38

13 At nang marahang humihihip ang hanging timugan na inaakalang maisasagawa nila ang kanilang nasa, itinaas nila ang sinepete at namaybay sa baybayin ng Creta.

14 Datapuwa't hindi nalaon at humampas na galing doon ang maunos na hangin, na tinatawag na Euraclidon:

15 At nang ipadpad ang daong, at hindi makasalungat sa hangin, ay nangagpabaya na kami, at kami'y ipinadpad.

16 At sa pagtakbo ng daong na nanganganlong sa isang maliit na pulo na tinatawag na Clauda, ay may kahirapan naming maitaas ang bangka:

17 At nang maitaas na ito, ay nagsigamit sila ng mga lubid, na tinalian ang ibaba ng daong; at, sa takot na baka mapapadpad sa Sirte, ay ibinaba nila ang mga layag, at sa gayo'y napaanod sila.

18 At sapagka't lubhang nakikipaglaban kami sa bagyo, nang sumunod na araw ay (A)nangagsimula silang magtapon ng lulan sa dagat;

19 At nang ikatlong araw ay kanilang ipinagtatapon ng kanilang sariling mga kamay ang mga kasangkapan ng daong.

20 At nang hindi sumisikat sa amin ang araw ni ang mga bituin man nang maraming mga araw, at sumasa ibabaw namin ang isang hindi munting bagyo, ay nawala ang buong pagasa na kami'y makaliligtas.

21 At nang maluwat nang hindi sila nagsisikain, ay tumayo nga si Pablo sa gitna nila, at sinabi, Mga ginoo, nangakinig sana kayo sa akin, at hindi umalis sa Creta, at nailagan ang kapinsalaang ito at kapahamakan.

22 At ngayon ay ipinamamanhik ko sa inyo na inyong laksan ang inyong loob; sapagka't walang buhay na mapapahamak sa inyo, kundi ang daong lamang.

23 Sapagka't (B)nang gabing ito ay tumayo sa tabi ko ang anghel ng Dios na may-ari sa akin, (C)at siya ko namang pinaglilingkuran,

24 Na nagsabi, Huwag kang matakot, Pablo; kailangang ikaw ay humarap kay Cesar: at narito, ipinagkaloob sa iyo ng Dios ang lahat ng kasama mo sa paglalayag.

25 Kaya nga, mga ginoo, laksan ninyo ang inyong loob: (D)sapagka't ako'y sumasampalataya sa Dios, na mangyayari ayon sa sinalita sa akin.

26 Datapuwa't tayo'y (E)kailangang mapapadpad sa isang pulo.

27 Datapuwa't nang dumating ang ikalabingapat na gabi, samantalang kami'y ipinapadpad ng hangin sa magkabikabila ng Dagat ng Adriatico, nang maghahating gabi na ay sinasapantaha ng mga mangdaragat na sila'y nangalalapit na sa isang lupain.

28 At kanilang tinarok, at nasumpungang may dalawangpung dipa; at pagkasulongsulong ng kaunti, ay tinarok nilang muli at nasumpungang may labinglimang dipa.

29 At sa takot naming mapapadpad sa batuhan, ay nangaghulog sila ng apat na sinepete sa hulihan, at iniibig magumaga na.

30 At sa pagpipilit ng mga mangdaragat na mangagtanan sa daong, at nang maibaba na (F)ang bangka sa dagat, na ang dinadahilan ay mangaghuhulog sila ng mga sinepete sa unahan,

31 Ay sinabi ni Pablo sa senturion at sa mga kawal, Maliban na magsipanatili ang mga ito sa daong, kayo'y hindi mangakaliligtas.

32 Nang magkagayo'y pinutol ng mga kawal ang mga lubid ng bangka, at pinabayaang mahulog.

33 At samantalang naguumaga, ay ipinamanhik ni Pablo sa lahat na magsikain, na sinasabi, Ang araw na ito ang ikalabingapat na araw na kayo'y nangaghihintay at nangagpapatuloy sa hindi pagkain, na walang kinakaing anoman.

34 Kaya nga ipinamamanhik ko sa inyo na kayo'y magsikain: sapagka't ito'y sa ikaliligtas ninyo: sapagka't hindi mawawala (G)kahit isang buhok sa ulo ng sinoman sa inyo.

35 At nang masabi na niya ito, at makadampot ng tinapay, ay (H)nagpasalamat siya sa Dios sa harapan ng lahat; at kaniyang pinagputolputol, at pinasimulang kumain.

36 Nang magkagayo'y nagsilakas ang loob ng lahat, at sila nama'y pawang nagsikain din.

37 At kaming lahat na nangasa daong ay dalawang daan at pitongpu't anim na kaluluwa.

38 At nang mangabusog na sila, ay pinagaan nila ang daong, na ipinagtatapon sa dagat ang trigo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978