Genesis 7:7
Ang Biblia (1978)
7 At lumulan sa sasakyan si Noe at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang asawa, at ang mga asawa ng kaniyang mga anak, dahil sa tubig ng baha.
Read full chapter
Genesis 7:13
Ang Biblia (1978)
13 Nang araw ding yaon, ay lumulan sa sasakyan si Noe, at si Sem, at si Cham, at si Japhet, na mga anak ni Noe, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kaniyang mga anak na kasama nila;
Read full chapter
Mateo 24:38
Ang Biblia (1978)
38 Sapagka't gaya ng mga araw (A)bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong,
Read full chapter
Lucas 17:26-27
Ang Biblia (1978)
26 At kung paano ang nangyari (A)sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao.
27 Sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nangagaasawa, at sila'y pinapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat.
Read full chapter
Mga Hebreo 11:7
Ang Biblia (1978)
7 Sa pananampalataya si Noe, (A)nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong (B)sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay (C)hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng (D)katuwiran na ayon sa pananampalataya.
Read full chapter
1 Pedro 3:20
Ang Biblia (1978)
20 Na nang unang panahon ay mga suwail, (A)na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang (B)inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig:
Read full chapter
2 Pedro 2:5
Ang Biblia (1978)
5 At ang dating sanglibutan ay (A)hindi pinatawad, datapuwa't (B)iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa, noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978