Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Panalangin sa pagiingat. Pagbabantay, at patawad. Awit ni David.
25 Sa iyo, (A)Oh Panginoon, iginagawad ko ang aking kaluluwa.
2 Oh Dios ko (B)sa iyo'y tumiwala ako,
(C)Huwag nawa akong mapahiya;
Huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway.
3 Oo, (D)walang naghihintay sa iyo na mapapahiya;
Sila'y mangapapahiya na nagsisigawa ng karayaan ng walang kadahilanan,
4 (E)Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon;
Ituro mo sa akin ang iyong mga landas.
5 Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin;
Sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan;
Sa iyo'y naghihintay ako buong araw.
6 Iyong alalahanin, Oh Panginoon, ang iyong malumanay na mga kaawaan, at ang iyong mga kagandahang-loob;
(F)Sapagka't magpakailan man mula ng una.
7 (G)Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsalangsang:
Ayon sa iyong kagandahangloob ay alalahanin mo ako, Dahil sa iyong kabutihan, Oh Panginoon.
8 Mabuti at matuwid ang Panginoon:
Kaya't tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan.
9 Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan:
At ituturo niya sa maamo ang daan niya.
10 Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan
Sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo.
Ang masusing panalangin ni Daniel dahil sa kaniyang bayan.
9 (A)Nang unang taon (B)ni Dario na anak ni Assuero, sa lahi ng mga taga Media, na ginawang hari sa kaharian ng mga taga Caldea;
2 Nang unang taon ng kaniyang paghahari akong si Daniel ay nakaunawa sa pamamagitan ng mga aklat, ng bilang ng mga taon, na sinalita ng Panginoon kay Jeremias na (C)propeta, dahil sa pagkaganap ng pagkasira ng Jerusalem, pitong pung taon.
3 At aking itiningin ang aking mukha (D)sa Panginoong Dios upang humanap sa pamamagitan ng panalangin at ng mga samo, ng pagaayuno, at pananamit ng magaspang, at ng mga abo.
4 (E)At ako'y nanalangin sa Panginoon kong Dios, at ako'y nagpahayag ng kasalanan, at nagsabi, Oh Panginoon, Dios na dakila at kakilakilabot, na nagiingat ng tipan at kaawaan sa nagsisiibig sa iyo at nangagiingat ng iyong mga utos,
5 Kami ay nangagkasala, at nangagasal ng kasuwalian, at nagsigawang may kasamaan, at nanganghimagsik, sa makatuwid baga'y nagsitalikod sa iyong mga utos at sa iyong mga kahatulan;
6 Na hindi man kami nangakinig (F)sa iyong mga lingkod na mga propeta, na nangagsalita sa iyong pangalan sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga magulang, at sa buong bayan ng lupain.
7 Oh Panginoon, katuwira'y ukol sa iyo, nguni't sa amin ay pagkagulo ng mukha gaya sa araw na ito; sa mga tao ng Juda, at sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa buong Israel, (G)na malapit, at malayo, sa lahat na lupain na iyong pinagtabuyan dahil sa kanilang pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa iyo.
8 Oh Panginoon, sa amin nauukol ang pagkagulo ng mukha, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga magulang, sapagka't kami ay nangagkasala laban sa iyo.
9 Sa Panginoon naming Dios (H)ukol ang kaawaan at kapatawaran; sapagka't kami ay nanganghimagsik laban sa kaniya;
10 Ni hindi man namin tinalima ang tinig ng Panginoon naming Dios, upang lumakad ng ayon sa kaniyang mga kautusan, na kaniyang inilagay sa harap namin sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na propeta.
11 (I)Oo, buong Israel ay sumalangsang ng iyong kautusan, sa pagtalikod, upang huwag nilang talimahin ang iyong tinig: kaya't ang sumpa ay nabuhos sa amin, at ang sumpa na nakasulat (J)sa kautusan ni Moises na (K)lingkod ng Dios; sapagka't kami ay nangagkasala laban sa kaniya.
12 At kaniyang pinagtibay ang kaniyang mga salita, na kaniyang sinalita laban sa amin, at laban sa aming mga (L)hukom na nagsihatol sa amin, (M)sa pagbabagsak sa amin ng malaking kasamaan; sapagka't sa silong ng buong langit ay hindi ginawa ang gaya ng ginawa sa Jerusalem.
13 Kung ano ang nasusulat sa kautusan ni Moises, lahat ng kasamaang ito'y nagsidating sa amin: gayon ma'y hindi namin idinalangin ang biyaya ng Panginoon naming Dios, upang aming talikuran ang aming mga kasamaan, at gunitain ang iyong katotohanan.
14 (N)Kaya't iniingatan ng Panginoon ang kasamaan, at ibinagsak sa amin; sapagka't ang Panginoon naming Dios ay matuwid sa lahat ng kaniyang mga gawa na kaniyang ginagawa, at hindi namin dininig ang kaniyang tinig.
3 Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at (A)tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo:
4 At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat, (B)upang ang ating kagalakan ay malubos.
5 At (C)ito ang pasabing aming narinig sa kaniya at sa inyo'y aming ibinabalita, (D)na ang Dios ay ilaw, at sa kaniya'y walang anomang kadiliman.
6 Kung sinasabi nating (E)tayo'y may pakikisama sa kaniya at (F)nagsisilakad tayo sa kadiliman, ay nangagbubulaan tayo, at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan:
7 Nguni't kung tayo'y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis (G)tayo (H)ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.
8 Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay (I)wala sa atin.
9 Kung ipinahahayag natin ang (J)ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.
10 Kung sinasabi nating tayo'y hindi nangagkasala, (K)ay ating ginagawang sinungaling siya, at ang kaniyang salita ay wala sa atin.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978