Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ng mga anak ni Core.
84 Kay (A)iinam ng iyong mga tabernakulo,
Oh Panginoon ng mga hukbo!
2 (B)Ang kaluluwa ko'y aasamasam, oo, nanglulupaypay sa mga looban ng Panginoon;
Ang puso ko't laman ay dumadaing sa buháy na Dios.
3 Oo, (C)ang maya ay nakasumpong ng bahay,
At ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya, na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay,
Sa makatuwid baga'y iyong mga dambana, Oh Panginoon ng mga hukbo,
Hari ko, at Dios ko.
4 (D)Mapalad silang nagsisitahan sa iyong bahay:
Kanilang pupurihin kang (E)palagi. (Selah)
5 Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo;
Na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion.
6 Na nagdaraan sa libis ng Iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal;
Oo, tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan.
7 (F)Sila'y nagsisiyaon sa kalakasa't kalakasan,
Bawa't isa sa kanila ay (G)napakikita sa harap ng Dios sa Sion.
8 Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, dinggin mo ang aking dalangin:
Pakinggan mo, Oh Dios ni Jacob. (Selah)
9 Masdan mo, (H)Oh Dios na aming kalasag,
At tingnan mo ang mukha ng (I)iyong pinahiran ng langis.
10 Sapagka't isang araw sa iyong mga looban ay mabuti kay sa isang libo.
Aking minagaling na maging tagatanod-pinto sa bahay ng aking Dios,
Kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan.
11 Sapagka't ang Panginoong Dios (J)ay araw at kalasag:
Ang Panginoo'y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian:
(K)Hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid.
12 Oh Panginoon ng mga hukbo,
(L)Mapalad ang tao na tumitiwala sa iyo.
Naghari si Ezechias.
29 Si Ezechias ay nagpasimulang maghari (A)nang siya'y dalawangpu't limang taon: at siya'y naghari na dalawangpu't siyam na taon sa Jerusalem, at ang pangalan ng kaniyang ina ay Abia na anak ni Zacharias.
2 At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ni David na kaniyang magulang.
3 Siya'y (B)nagbukas sa unang taon ng kaniyang paghahari, na unang buwan, ng mga pinto ng bahay ng Panginoon, at mga hinusay.
4 At kaniyang ipinasok ang mga saserdote at mga Levita, at pinisan sila sa maluwang na dako sa silanganan,
5 At sinabi sa kanila, Dinggin ninyo ako, ninyong mga Levita; ngayo'y mangagpakabanal kayo, at italaga ninyo ang bahay ng Panginoon, ang Dios ng inyong mga magulang, at ilabas ninyo ang dumi mula sa dakong banal.
6 Sapagka't ang ating mga magulang ay nagsisalangsang, at nagsigawa ng masama sa paningin ng Panginoon nating Dios, at pinabayaan siya, at itinalikod ang kanilang mga mukha sa tahanan ng Panginoon, at nagsitalikod.
7 (C)Kanila ring isinara ang mga pinto ng portiko, at pinatay ang mga ilawan, at hindi nagsipagsunog ng kamangyan ni nagsipaghandog man ng mga handog na susunugin sa dakong banal sa Dios ng Israel.
8 Kaya't ang pagiinit ng Panginoon ay dumating sa Juda at Jerusalem, at ibinigay niya sila upang hamakin saa't saan man, upang maging katigilan, at kasutsutan, gaya ng inyong nakikita ng inyong mga mata.
9 Sapagka't narito, ang (D)ating mga magulang ay nangabuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang ating mga anak na lalake at babae at ang ating mga asawa ay nangasa pagkabihag dahil dito.
10 (E)Nasa akin ngang puso na makipagtipan sa Panginoon, sa Dios ng Israel, upang ang kaniyang malaking galit ay maalis sa atin.
11 Mga anak ko, huwag kayong mangagpabaya: sapagka't (F)pinili kayo ng Panginoon upang magsitayo sa harap niya, upang magsipangasiwa sa kaniya, at kayo'y maging kaniyang mga tagapangasiwa, at mangagsunog kayo ng kamangyan.
16 At ang mga saserdote ay nagsipasok sa pinakaloob ng bahay ng Panginoon, upang linisin, at inilabas ang lahat na dumi na kanilang nasumpungan sa templo ng Panginoon. At kinuha ng mga Levita upang ilabas sa (A)batis ng Cedron.
17 Sila nga'y nagpasimula na mangagpakabanal nang unang araw ng unang buwan, at nang ikawalong araw ng buwan ay nagsiparoon sila sa portiko ng Panginoon; at kanilang itinalaga ang bahay ng Panginoon sa walong araw; at sa ikalabing anim na araw ng unang buwan ay kanilang niwakasan.
18 Nang magkagayo'y kanilang pinasok si Ezechias na hari, sa loob ng palasio, at kanilang sinabi, Aming nilinis ang buong bahay ng Panginoon, at ang dambana ng handog na susunugin, pati ng lahat na kasangkapan niyaon, at ang dulang ng tinapay na handog, pati ng lahat na kasangkapan niyaon.
19 Bukod dito'y (B)lahat na kasangkapan, na inihagis ng haring Achaz sa kaniyang paghahari, nang siya'y sumalangsang, aming inihanda at itinalaga, at, narito, nangasa harap ng dambana ng Panginoon.
23 Kinakailangan nga na (A)ang mga anyo ng mga bagay sa sangkalangitan ay linisin ng mga ito; nguni't ang mga bagay ring ito sa sangkalangitan ay linisin ng lalong mabubuting handog kay sa rito.
24 Sapagka't hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang (B)ng tunay; kundi (C)sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Dios (D)dahil sa atin:
25 At siya'y hindi rin naman kailangang ihandog na madalas pa ang kaniyang sarili, na (E)gaya ng dakilang saserdote na pumapasok sa dakong banal (F)taon-taon na may dalang dugo na hindi niya sarili;
26 Sa ibang paraan ay kailangan na siya'y magbatang madalas mula nang itatag ang sanglibutan: datapuwa't ngayon ay (G)minsan siya'y nahayag (H)sa katapusan ng mga panahon (I)upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili.
27 At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;
28 Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan (J)upang dalhin ang mga kasalanan (K)ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas (L)ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978