Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 110:1-4

Awit ni David.

110 (A)Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon,
Umupo ka (B)sa aking kanan,
(C)Hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
Pararatingin ng Panginoon (D)ang setro ng iyong kalakasan (E)mula sa Sion:
Magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.
Ang bayan mo'y naghahandog na kusa
Sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan:
Mula sa bukang liwayway ng umaga,
Ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan.
(F)Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi,
(G)Ikaw ay (H)saserdote (I)magpakailan man
Ayon sa pagkasaserdote ni (J)Melchisedech.

Exodo 19:7-25

At dumating si Moises at tinawag ang mga matanda sa bayan, at ipinahayag sa harap nila ang lahat ng salitang ito na iniutos ng Panginoon sa kaniya.

At (A)ang buong bayan ay sumagot na magkakaisa, at nagsabi, Yaong lahat na sinalita ng Panginoon ay aming gagawin. At ipinagbigay alam ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon.

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito (B)ako'y naparirito sa iyo sa isang salimuot na ulap upang marinig ng bayan pagka ako'y magsasalita sa iyo, at paniwalaan ka rin naman nila magpakailan man. At sinalita ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon.

10 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pumaroon ka sa bayan at papagbanalin mo sila ngayon at bukas (C)at labhan nila ang kanilang mga damit,

11 At humanda sa ikatlong araw: (D)sapagka't sa ikatlong araw ay bababa ang Panginoon sa paningin ng buong bayan sa ibabaw ng bundok ng Sinai.

12 At lalagyan mo ng mga hangganan ang bayan sa palibot, na iyong sasabihin, Magingat kayo, na kayo'y huwag sumampa sa bundok, o sumalang sa hangganan: (E)sinomang sumalang sa bundok ay papatayin na walang pagsala:

13 Walang kamay na hihipo sa kaniya, kundi, siya'y tunay na babatuhin, o papanain; maging hayop o tao ay hindi mabubuhay: pagka ang pakakak ay tumunog ng maluwat ay sasampa sila sa bundok.

14 At (F)bumaba si Moises sa bayan mula sa bundok, at pinakabanal ang bayan, at sila'y naglaba ng kanilang mga damit.

15 At kaniyang sinabi sa bayan, (G)humanda kayo sa ikatlong araw; huwag kayong sumiping sa babae.

16 At nangyari ng ikatlong araw, ng umaga, na (H)kumulog at kumidlat, at may isang salimuot na ulap sa ibabaw ng bundok, at ang (I)tunog ng pakakak ay napakalakas; (J)at ang buong bayan na nasa kampamento ay nanginig.

17 (K)At inilabas ni Moises ang bayan sa kampamento upang salubungin ang Dios; at sila'y tumayo sa paanan ng bundok.

18 At ang buong bundok ng Sinai ay umuusok, sapagka't ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw niyaon na (L)nasa apoy: (M)at ang usok niyaon ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno, (N)at ang buong bundok ay umuugang mainam.

19 At nang lumalakas ng lumalakas ang tunog ng pakakak ay nagsasalita si Moises, (O)at sinasagot siya ng Dios sa pamamagitan ng tinig.

20 At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai, sa taluktok ng bundok; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok; at si Moises ay sumampa.

21 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumaba ka, pagbilinan mo ang bayan, baka sila'y lumagpas (P)upang makita ang Panginoon, at mamatay ang karamihan sa kanila.

22 At gayon din ang mga saserdote, na lumalapit sa Panginoon (Q)ay papagbanalin mo, (R)baka ang Panginoon ay hindi makapagpigil sa kanila.

23 At sinabi ni Moises sa Panginoon, Ang baya'y hindi makasasampa sa bundok ng Sinai: sapagka't iyong pinagbilinan kami, na iyong sinabi, (S)lagyan mo ng hangganan sa palibot ang bundok, at iyong ariing banal.

24 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Yumaon ka, bumaba ka; at ikaw ay sasampa, ikaw at si Aaron na iyong kasama: nguni't ang mga saserdote at ang bayan ay huwag lumampas sa mga hangganan upang lumapit sa Panginoon, baka siya ay hindi makapagpigil sa kanila.

25 Sa gayo'y bumaba si Moises sa bayan at isinaysay sa kanila.

Mga Hebreo 2:1-4

Kaya't nararapat nating pagkatantuin ang mga bagay na narinig, baka sakaling tayo'y makahagpos.

Sapagka't kung ang ipinangusap na salita (A)sa pamamagitan ng mga anghel ay nagtibay, at ang bawa't pagsalangsang at pagsuway ay tumanggap ng matuwid na parusa na kabayaran;

Paanong makatatanan (B)tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan? (C)na ipinangusap ng Panginoon noong una ay (D)pinatunayan sa atin sa pamamagitan ng mga nakarinig;

Na pawang sinasaksihan naman ng Dios na kasama nila, sa pamamagitan ng (E)mga tanda at mga kababalaghan, at ng saganang (F)kapangyarihan, at (G)ng mga kaloob ng Espiritu Santo, ayon sa kaniyang sariling kalooban.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978