Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang gawa at salita ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
19 Ang (A)kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios;
(B)At ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay.
2 Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita,
At sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman.
3 Walang pananalita o wika man;
Ang kanilang tinig ay hindi marinig.
4 (C)Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa,
At ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan.
Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw,
5 Na gaya ng kasintahang lalake na lumalabas mula sa kaniyang silid.
(D)At nagagalak na gaya ng malakas na tao na tatakbo ng kaniyang takbo.
6 Ang kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit,
At ang kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon:
At walang bagay na nakukubli sa pagiinit niyaon.
7 Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa:
Ang (E)patotoo ng Panginoon ay tunay, (F)na nagpapapantas sa hangal.
8 Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso:
(G)Ang utos ng Panginoon ay dalisay, (H)na nagpapaliwanag ng mga mata.
9 Ang takot sa Panginoon ay malinis, na nananatili magpakailan man:
Ang mga kahatulan ng Panginoon ay katotohanan, at lubos na matuwid.
10 (I)Mga pinipitang higit kay sa ginto, oo, higit kay sa maraming dalisay na ginto:
(J)Lalong mainam kay sa pulot, at sa pulot-pukyutan.
11 Higit dito'y sa pamamagitan ng mga iyo'y mapagpapaunahan ang iyong lingkod:
(K)Sa pagiingat ng mga yaon ay may dakilang ganting-pala.
12 Sinong makasisiyasat (L)ng kaniyang mga kamalian?
(M)Paliwanagan mo ako (N)sa mga kubling kamalian.
13 (O)Italikod mo rin ang iyong lingkod sa mga kapalaluang sala:
(P)Huwag mong papagtaglayin ang mga yaon ng kapangyarihan sa akin: kung magkagayo'y magiging matuwid ako,
At magiging malinis ako sa malaking pagsalangsang.
14 (Q)Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin,
Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking (R)manunubos.
Ang Israel sa Sinai. Si Moises ay tinawag ng Panginoon sa bundok.
19 Sa ikatlong buwan, pagkatapos na ang mga anak ni Israel ay makaalis sa lupain ng Egipto, ay (A)dumating sila ng araw ding yaon sa ilang ng Sinai.
2 At nang sila'y umalis sa (B)Rephidim, at dumating sa ilang ng Sinai, ay humantong sila sa ilang; at doo'y humantong ang Israel (C)sa harap ng bundok.
3 At si Moises ay lumapit sa Dios, (D)at tinawag ng Panginoon siya mula sa bundok, na sinasabi, Ganito mo sasabihin sa sangbahayan ni Jacob, at sasaysayin sa mga anak ni Israel.
4 Inyong nakita ang aking ginawa sa mga Egipcio, (E)at kung paanong dinala ko kayo sa mga pakpak ng agila, at kayo'y inilapit ko sa akin din.
5 (F)Kaya't ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig, at iingatan ang aking tipan, (G)ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa akin, na higit sa lahat ng bayan: sapagka't ang buong lupa ay akin;
6 At kayo'y magiging isang (H)kaharian ng mga saserdote sa akin, at isang (I)banal na bansa. Ito ang mga salita na inyong sasalitaan sa mga anak ni Israel.
7 At dumating si Moises at tinawag ang mga matanda sa bayan, at ipinahayag sa harap nila ang lahat ng salitang ito na iniutos ng Panginoon sa kaniya.
8 At (J)ang buong bayan ay sumagot na magkakaisa, at nagsabi, Yaong lahat na sinalita ng Panginoon ay aming gagawin. At ipinagbigay alam ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon.
9 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito (K)ako'y naparirito sa iyo sa isang salimuot na ulap upang marinig ng bayan pagka ako'y magsasalita sa iyo, at paniwalaan ka rin naman nila magpakailan man. At sinalita ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon.
4 Na kayo'y magsilapit sa kaniya, na isang batong buhay, na sa katotohana'y (A)itinakuwil ng mga tao, datapuwa't sa Dios ay hirang, mahalaga,
5 Kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay, ay (B)natatayong (C)bahay na ukol sa espiritu, (D)upang maging pagkasaserdoteng banal, (E)upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, (F)na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo.
6 Sapagka't ito ang nilalaman ng kasulatan,
(G)Narito, aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo, hirang mahalaga:
At ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.
7 Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga: datapuwa't sa hindi nangananampalataya,
(H)Ang batong itinakuwil ng nagsisipagtayo ng bahay
Siyang naging pangulo sa panulok;
8 At,
Batong katitisuran, (I)at bato na pangbuwal;
Sapagka't sila ay natitisod sa salita, palibhasa'y mga suwail: (J)na dito rin naman sila itinalaga,
9 Datapuwa't kayo'y (K)isang lahing hirang, isang makaharing (L)pagkasaserdote, (M)bansang banal, bayang pagaaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo (N)mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan:
10 Na (O)nang nakaraang panahon ay hindi bayan, datapuwa't ngayo'y bayan ng Dios: na hindi nagsipagkamit ng awa, datapuwa't ngayo'y nagsipagkamit ng awa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978