Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang kahangahangang gawa ng Panginoon ng dahil sa Israel.
105 Oh magpasalamat kayo (A)sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan;
(B)Ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan.
2 Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri;
(C)Salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa.
3 Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan:
Mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon.
4 Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan;
(D)Hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man.
5 Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa:
Ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig;
6 Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod,
Ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang.
7 Siya ang Panginoon nating Dios: Ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa buong lupa.
8 Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man,
Ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali't saling lahi;
9 (E)Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham,
At ang kaniyang sumpa kay Isaac;
10 At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan,
Sa Israel na pinakawalang hanggang tipan:
11 Na sinasabi, Sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan,
Ang kapalaran na iyong mana;
37 (A)At kaniyang inilabas sila na may pilak at ginto:
At hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi.
38 Natuwa ang Egipto nang sila'y magsialis;
(B)Sapagka't ang takot sa kanila ay nahulog sa kanila.
39 (C)Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong;
At apoy upang magbigay liwanag sa gabi,
40 (D)Sila'y nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo,
At binusog niya sila ng (E)pagkain na mula sa langit.
41 (F)Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig;
Nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog.
42 Sapagka't kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita,
(G)At si Abraham na kaniyang lingkod.
43 At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan,
At ang kaniyang hirang na may awitan.
44 (H)At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa;
At kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari:
45 (I)Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan,
At sundin ang kaniyang mga kautusan.
Purihin ninyo ang Panginoon.
12 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang iyong sakit ay (A)walang kagamutan, at ang iyong sugat ay mabigat.
13 Walang makipaglaban ng iyong usapin upang ikaw ay mapagaling: ikaw ay walang mga panggamot na nakagagaling.
14 (B)Nilimot ka ng lahat na mangingibig sa iyo; hindi ka nila hinahanap: sapagka't sinugatan kita ng sugat (C)ng kaaway, ng parusa ng mabagsik; dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan, sapagka't ang iyong mga kasalanan ay dumami.
15 Bakit ka humihiyaw ng dahil sa iyong sakit? ang iyong hirap ay walang kagamutan: dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan, sapagka't ang iyong mga kasalanan ay dumami, aking ginawa ang mga bagay na ito sa iyo.
16 Kaya't silang lahat na nagsisilamon sa iyo ay (D)mangalalamon; at lahat ng iyong kaaway, bawa't isa sa kanila'y magsisipasok sa pagkabihag; at silang nagsisisamsam sa iyo ay magiging samsam, at lahat ng nagsisihuli sa iyo ay aking ibibigay na huli.
17 Sapagka't (E)pagiginhawahin kita, at pagagalingin kita sa iyong mga sugat, sabi ng Panginoon; kanilang tinawag ka na (F)tapon, na sinasabi, Ito ang Sion, na hindi hinahanap ng sinoman.
18 Ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, (G)aking ibabalik uli mula sa pagkabihag ang mga tolda ng Jacob, at pakukundanganan ko ang (H)kaniyang mga tahanang dako; at ang bayan ay matatayo sa kaniyang sariling bunton, at ang bahay-hari ay tatahanan ng ayon sa ayos niyaon.
19 At mula sa kanila (I)magmumula ang pagpapasalamat, at ang tinig ng nangagsasaya: (J)at aking pararamihin sila, at sila'y hindi magiging kaunti; akin ding luluwalhatiin sila, at sila'y hindi magiging maliit.
20 Ang kanilang mga anak naman ay magiging (K)gaya nang una, at ang kanilang kapisanan ay matatatag sa harap ko, at aking parurusahan yaong lahat na nagsisipighati sa kanila.
21 At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang (L)puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.
22 At kayo'y (M)magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios.
36 Samantalang nasa inyo ang ilaw, ay magsisampalataya kayo sa ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng ilaw.
Ang mga bagay na ito'y sinalita ni Jesus, at (A)siya'y umalis at nagtago sa kanila.
37 Nguni't bagaman gumawa siya sa harap nila ng gayon maraming mga tanda, gayon ma'y hindi sila nagsisampalataya sa kaniya:
38 Upang maganap ang salita ng propeta Isaias, na kaniyang sinalita,
(B)Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita?
At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?
39 Dahil dito'y hindi sila makapaniwala, sapagka't muling sinabi ni Isaias,
40 Binulag niya ang kanilang mga mata, (C)at pinatigas niya ang kanilang mga puso;
Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakaunawa ng kanilang puso
At mangagbalik-loob,
At sila'y mapagaling ko.
41 Ang mga bagay na ito'y sinabi ni Isaias, (D)sapagka't nakita niya ang kaniyang kaluwalhatian; at siya'y nagsalita ng tungkol sa kaniya.
42 Gayon man (E)maging sa mga pinuno ay maraming nagsisampalataya sa kaniya; datapuwa't (F)dahil sa mga Fariseo ay hindi nila ipinahayag, baka sila'y mapalayas sa sinagoga:
43 Sapagka't iniibig nila ng higit ang kaluwalhatian sa mga tao kay sa kaluwalhatian sa Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978