Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
17 At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, (A)Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat (B)lumakad ka sa harapan ko, at (C)magpakasakdal ka.
2 At ako'y makikipagtipan sa iyo (D)at ikaw ay aking pararamihing mainam.
3 (E)At nagpatirapa si Abram: at ang Dios ay nakipagusap sa kaniya, na sinasabi,
4 Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang (F)magiging ama ng maraming bansa.
5 At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, (G)kundi Abraham ang magiging iyong pangalan; (H)sapagka't ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa.
6 At ikaw ay aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin ko sa iyo ang mga (I)bansa; (J)at magbubuhat sa iyo ang mga hari.
7 (K)At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y (L)magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo.
Ang panganganak kay Isaac ay ipinangako.
15 At sinabi ng Dios kay Abraham, Tungkol kay Sarai na iyong asawa, ay huwag mo nang tatawagin ang kaniyang pangalang Sarai, kundi Sara[a] ang magiging kaniyang pangalan.
16 At akin siyang pagpapalain, (A)at saka sa kaniya'y bibigyan kita ng anak: oo, siya'y aking pagpapalain, (B)at magiging ina ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kaniya.
23 (A)Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya:
Kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya;
At magsitayong may takot sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel.
24 Sapagka't hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati;
Ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya;
Kundi (B)nang siya'y dumaing sa kaniya, ay kaniyang dininig.
25 (C)Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan:
Aking tutuparin ang (D)aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya.
26 (E)Ang maamo ay kakain at mabubusog:
Kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya;
Mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man.
27 Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala, at (F)magsisipanumbalik sa Panginoon:
At lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo.
28 (G)Sapagka't ang kaharian ay sa Panginoon:
At siya ang puno sa mga bansa.
29 Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain, at magsisisamba:
Silang lahat na nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya,
Sa makatuwid baga'y ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa.
30 Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya,
Sasaysayin ang Panginoon sa susunod na salin ng lahi,
31 (H)Sila'y magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang katuwiran,
Sa bayan na ipanganganak ay ibabalita, yaong kaniyang ginawa.
13 Sapagka't hindi sa pamamagitan ng kautusan ginawa (A)ang pangako kay Abraham o sa kaniyang binhi na siyang magmamana ng sanglibutan, kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya.
14 Sapagka't (B)kung silang nangasa kautusan ay siyang mga tagapagmana, ay walang kabuluhan ang pananampalataya, at nawawalang kabuluhan ang pangako:
15 Sapagka't (C)ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa't kung (D)saan walang kautusan ay wala ring pagsalangsang.
16 Dahil dito'y sa pananampalataya, upang maging ayon (E)sa biyaya; upang ang pangako ay lumagi sa lahat ng binhi; hindi lamang sa nasa kautusan, kundi pati naman sa nasa pananampalataya ni Abraham, (F)na ama nating lahat.
17 (Gaya ng nasusulat, (G)Ginawa kitang ama ng maraming bansa) sa harapan niyaong kaniyang pinanampalatayanan, sa makatuwid baga'y ang Dios, (H)na nagbibigay ng buhay sa mga patay, at tumatawag sa (I)mga bagay na hindi pa hayag na tila hayag na.
18 Siya na sumampalataya na nasa pagasa laban sa pagasa, upang maging ama ng maraming bansa ayon sa sabi, (J)Magiging gayon ang iyong binhi.
19 At hindi humina sa pananampalataya (K)na ipinalagay man ang kaniyang katawang tulad sa patay na (gayon siya'y may mga isang daang taon na), at ang pagkabaog ng bahay-bata ni Sara;
20 Kundi, sa pagtingin niya sa pangako ng Dios, ay hindi nagalinlangan sa pamamagitan ng di pananampalataya, kundi lumakas ng lumakas sa pamamagitan ng pananampalataya, na niluluwalhati ang Dios,
21 At lubos nanalig na ang Dios na nangako (L)ay may kapangyarihang makagawa noon.
22 Dahil dito'y ibinilang naman na katuwiran sa kaniya.
23 Ngayo'y (M)hindi lamang dahil sa kaniya isinulat, na sa kaniya'y ibinilang;
24 Kundi dahil din naman sa atin, na ibibilang sa ating mga nagsisisampalataya (N)sa kaniya na bumuhay na maguli sa mga patay, kay Jesus na ating Panginoon,
25 Na ibinigay (O)dahil sa ating mga kasuwayan, at binuhay na maguli sa (P)ikaaaring-ganap natin.
31 At (A)siya'y nagpasimulang magturo sa kanila, na ang Anak ng tao ay kinakailangang magbata na maraming mga bagay, at itakuwil ng matatanda, at ng mga pangulong saserdote, at ng mga eskriba, at patayin, at pagkaraan ng tatlong araw ay muling magbangon.
32 At hayag na sinabi niya ang pananalitang ito. At isinama siya ni Pedro, at pinasimulang siya'y pagwikaan.
33 Datapuwa't paglingap niya sa palibot, at pagtingin sa kaniyang mga alagad, ay pinagwikaan si Pedro, at sinabi, Lumagay ka sa likuran ko, Satanas; sapagka't hindi mo pinagiisip ang mga bagay na ukol sa Dios, kundi ang mga bagay na ukol sa mga tao.
34 At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan pati ng kaniyang mga alagad, at sa kanila'y sinabi, (B)Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.
35 Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin at sa evangelio ay maililigtas yaon.
36 Sapagka't ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanglibutan, at mapapahamak ang kaniyang buhay?
37 Sapagka't anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?
38 Sapagka't ang (C)sinomang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita sa lahing ito na mapangalunya at makasalanan, ay ikahihiya rin naman siya ng Anak ng tao, pagparito niyang nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na (D)kasama ng mga banal na anghel.
2 At pagkaraan ng anim na araw, ay (A)isinama ni Jesus si Pedro, at si Santiago, at si Juan, at sila'y dinalang bukod sa isang mataas na bundok: at siya'y nagbagong-anyo sa harap nila;
3 At ang kaniyang mga damit ay nangagningning, na nagsiputing maigi, na ano pa't sinomang magpapaputi sa lupa ay hindi makapagpapaputi ng gayon.
4 At doo'y napakita sa kanila si Elias na kasama si Moises: at sila'y nakikipagusap kay Jesus.
5 At sumagot si Pedro at sinabi kay Jesus, Rabi, mabuti sa atin ang tayo'y dumito: at magsigawa kami ng tatlong tabernakulo; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias.
6 (B)Sapagka't hindi niya nalalaman kung ano ang isasagot; sapagka't sila'y lubhang nangatakot.
7 At dumating ang isang alapaap na sa kanila'y lumilim: at may isang tinig na nanggaling sa alapaap, Ito ang sinisinta kong Anak; siya ang inyong pakinggan.
8 At karakaraka'y sa biglang paglingap nila sa palibotlibot, ay wala silang nakitang sinoman, kundi si Jesus lamang na kasama nila.
9 (C)At habang nagsisibaba sila sa bundok, ay ipinagbilin niya sa kanila na sa kanino man ay huwag nilang sabihin ang kanilang nakita, maliban na pagka ang Anak ng tao ay magbangong maguli sa mga patay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978