Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
23 (A)Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya:
Kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya;
At magsitayong may takot sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel.
24 Sapagka't hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati;
Ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya;
Kundi (B)nang siya'y dumaing sa kaniya, ay kaniyang dininig.
25 (C)Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan:
Aking tutuparin ang (D)aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya.
26 (E)Ang maamo ay kakain at mabubusog:
Kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya;
Mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man.
27 Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala, at (F)magsisipanumbalik sa Panginoon:
At lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo.
28 (G)Sapagka't ang kaharian ay sa Panginoon:
At siya ang puno sa mga bansa.
29 Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain, at magsisisamba:
Silang lahat na nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya,
Sa makatuwid baga'y ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa.
30 Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya,
Sasaysayin ang Panginoon sa susunod na salin ng lahi,
31 (H)Sila'y magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang katuwiran,
Sa bayan na ipanganganak ay ibabalita, yaong kaniyang ginawa.
Ang pangako ng Dios kay Abram.
15 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa pangitain na nagsasabi, (A)Huwag kang matakot, Abram: ako ang iyong (B)kalasag, at ang iyong (C)ganting pala na lubhang dakila.
2 At sinabi ni Abram, Oh Panginoong Dios, anong ibibigay mo sa akin, kung ako'y nabubuhay na walang anak at ang magaari ng aking bahay ay itong taga Damascong si Eliezer?
3 At sinabi ni Abram, Narito, hindi mo ako binigyan ng anak (D)at, narito't isang ipinanganak sa aking bahay ang siyang tagapagmana ko.
4 At, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsabi, Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo; kundi (E)lalabas sa iyong sariling katawan ang magiging tagapagmana mo.
5 At siya'y inilabas at sinabi, Tumingala ka ngayon sa langit, (F)at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo: at sa kaniya'y sinabi, Magiging (G)ganiyan ang iyong binhi.
6 (H)At sumampalataya siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kaniya.
12 At nang lulubog na ang araw, ay (A)nakatulog si Abram ng mahimbing; at, narito, ang isang kasindaksindak na malaking kadiliman ay sumakaniya.
13 At sinabi ng Dios kay Abram, Tunay na pakatalastasin mo, (B)na ang iyong binhi ay magiging taga ibang bayan sa lupaing hindi kanila, at mangaglilingkod (C)sa mga yaon; at pahihirapang apat na raang taon.
14 At yaon namang bansang kanilang paglilingkuran ay aking hahatulan: (D)at pagkatapos ay aalis silang may malaking pagaari.
15 (E)Datapuwa't ikaw ay payapang pasa sa (F)iyong mga magulang; (G)at ikaw ay malilibing sa mabuting katandaan.
16 At sa ikaapat na salin ng iyong binhi, ay magsisipagbalik rito: (H)sapagka't hindi pa nalulubos ang katampalasanan ng mga (I)Amorrheo.
17 At nangyari, na paglubog ng araw, at pagdilim, na narito, ang isang hurnong umuusok, at ang isang tanglaw na nagniningas na dumaan sa gitna ng mga hinating hayop.
18 Nang araw na yaon, ang Panginoon ay (J)nakipagtipan kay Abram, na nagsabi, (K)Sa iyong binhi ibinigay ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Egipto hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates.
21 Datapuwa't ngayon (A)bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta;
22 Sa makatuwid baga'y ang katuwiran ng Dios (B)sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya; sapagka't (C)walang pagkakaiba;
23 Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;
24 Palibhasa'y inaring-ganap na walang bayad (D)ng kaniyang biyaya (E)sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus:
25 Na siyang inilagay ng Dios (F)na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa (G)kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga (H)kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios;
26 Sa pagpapakilala'y aking sinasabi, ng kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang siya'y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo.
27 (I)Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito'y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya.
28 Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay inaaring-ganap sa pananampalataya (J)na hiwalay sa mga gawa ng kautusan.
29 O ang Dios baga ay Dios ng mga Judio lamang? hindi baga siya ang Dios din ng mga Gentil? Oo, ng mga Gentil din naman:
30 Kung gayon (K)nga na iisa ang Dios, at kaniyang aariing-ganap ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang di pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya.
31 Niwawalan kaya nating kabuluhan ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari: kundi (L)pinagtitibay pa nga natin ang kautusan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978