Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang Panginoon ang hahatol sa matuwid at sa masama. (A)Awit ni Asaph.
50 Ang makapangyarihang Dios, ang Dios na Panginoon, ay nagsalita,
At tinawag ang lupa (B)mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon.
2 Mula sa Sion na (C)kasakdalan ng kagandahan,
(D)Sumilang ang Dios.
3 Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik;
(E)Isang apoy na mamumugnaw sa harap niya,
At magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya.
4 (F)Siya'y tatawag sa langit sa itaas,
At sa lupa upang mahatulan niya ang kaniyang bayan:
5 Pisanin mo ang (G)aking mga banal sa akin;
(H)Yaong nangakikipagtipan sa akin sa pamamagitan ng hain.
6 At (I)ipahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran;
Sapagka't ang Dios ay siyang hukom. (Selah)
Ang hula ni Ahias laban kay Jeroboam.
14 Nang panahong yaon si Abias na anak ni Jeroboam ay nagkasakit.
2 At sinabi ni Jeroboam sa kaniyang asawa, Bumangon ka, isinasamo ko sa iyo at magpakunwari kang iba upang huwag kang makilala na asawa ni Jeroboam; at pumaroon ka sa Silo; narito, naroon si Ahias na propeta na nagsalita tungkol sa akin, na ako'y (A)magiging hari sa bayang ito.
3 (B)At magdala ka ng sangpung tinapay, at mga munting tinapay, at isang bangang pulot, at paroon ka sa kaniya: kaniyang sasaysayin sa iyo kung ano ang mangyayari sa bata.
4 At ginawang gayon ng asawa ni Jeroboam at bumangon, at naparoon sa Silo, at naparoon sa bahay ni Ahias. Si Ahias nga ay di na makakita; sapagka't ang kaniyang mga mata'y malabo na, dahil sa kaniyang gulang.
5 At sinabi ng Panginoon kay Ahias, Narito, ang asawa ni Jeroboam ay naparirito na tinatanong ka tungkol sa kaniyang anak; sapagka't siya'y may sakit: ganito't ganito ang iyong sasabihin sa kaniya: sapagka't mangyayari, pagka siya'y pumasok, na siya'y magpapakunwari na ibang babae.
6 At nagkagayon, nang marinig ni Ahias ang ingay ng kaniyang mga paa, pagpasok niya sa pintuan, na sinabi niya, Pumasok ka, ikaw, na asawa ni Jeroboam; bakit ka nagpapakunwaring iba? sapagka't ako'y sinugo sa iyo na may masamang balita.
7 Ikaw ay yumaon na saysayin mo kay Jeroboam, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (C)Yamang kita'y itinaas sa gitna ng bayan, at ginawa kitang pangulo sa aking bayang Israel,
8 (D)At inagaw ang kaharian mula sa sangbahayan ni David, at ibinigay sa iyo: at gayon ma'y ikaw ay hindi naging gaya ng lingkod kong si David, (E)na nagingat ng aking mga utos, at sumunod sa akin ng kaniyang buong puso, upang gawin ang matuwid lamang sa harap ng aking mga mata;
9 Kundi ikaw ay gumawa ng masama na higit kay sa lahat ng nauna sa iyo, (F)at ikaw ay yumaon, at gumawa ka sa ganang iyo ng mga ibang dios, at mga larawang (G)binubo upang mungkahiin mo ako sa galit, at inihagis mo (H)ako sa iyong likuran;
10 Kaya't, narito (I)ako'y magdadala ng kasamaan sa sangbahayan ni Jeroboam, at aking ihihiwalay kay Jeroboam ang bawa't lalake (J)ang nakukulong, at ang naiwan sa kaluwangan sa Israel, at aking lubos na (K)papalisin ang sangbahayan ni Jeroboam, kung paanong pinapalis ng isang tao ang dumi, hanggang sa mapaalis.
11 (L)Ang mamatay kay Jeroboam sa bayan ay kakanin ng mga aso; at ang mamatay sa parang ay kakanin ng mga ibon sa himpapawid: sapagka't sinalita ng Panginoon.
12 Tumindig ka nga, umuwi ka sa iyong bahay: pagpasok ng iyong mga paa sa bayan ay mamamatay ang bata.
13 At tatangisan siya ng buong Israel, at ililibing siya; sapagka't siya lamang ang kay Jeroboam na darating sa libingan: sapagka't siya'y kinasumpungan sa sangbahayan ni Jeroboam, ng bagay na mabuti sa Panginoon, sa Dios ng Israel.
14 (M)Bukod dito'y magtitindig ang Panginoon ng isang hari sa Israel, na siyang maghihiwalay ng sangbahayan ni Jeroboam sa araw na yaon; nguni't ano? ngayon din.
15 Sapagka't sasaktan ng Panginoon ang Israel ng gaya ng isang tambo na gumagalaw sa tubig; at (N)kaniyang bubunutin ang Israel dito sa (O)mabuting lupa na ibinigay sa kanilang mga magulang, at pangangalatin sila (P)sa dako roon ng ilog; (Q)dahil sa kanilang ginawa ang kanilang mga Asera, na minungkahi ang Panginoon sa galit.
16 At kaniyang pababayaan ang Israel dahil sa mga kasalanan ni Jeroboam, (R)na kaniyang ipinagkasala, at ipinapagkasala sa Israel.
17 At ang asawa ni Jeroboam ay tumindig, at yumaon, at naparoon sa (S)Thirsa: at pagpasok niya sa pasukan ng bahay, ang bata'y namatay.
18 At inilibing siya ng buong Israel, at tinangisan siya; ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Ahias na propeta.
12 Nagpapasalamat (A)ako sa kaniya na nagpapalakas sa akin, kay Cristo Jesus na Panginoon natin, sapagka't ako'y inari niyang tapat, na ako'y inilagay sa paglilingkod sa kaniya;
13 Bagaman nang una ako'y naging mamumusong, at (B)manguusig; at mangaalipusta: gayon ma'y (C)kinahabagan ako, sapagka't yao'y (D)ginawa ko sa di pagkaalam sa kawalan ng pananampalataya;
14 At totoong sumagana (E)ang biyaya ng ating Panginoon na nasa pananampalataya at pagibig na pawang kay Cristo Jesus.
15 Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, (F)na si (G)Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo (H)sa mga ito;
16 Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan.
17 Ngayon (I)sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, (J)sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.
18 Ang biling ito ay ipinagtatagubilin ko sa iyo, Timoteo na aking (K)anak, ayon sa mga (L)hula na nangauna tungkol sa iyo, upang sa pamamagitan ng mga ito ay (M)makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka;
19 (N)Na ingatan mo ang pananampalataya (O)at ang mabuting budhi; na nang ito'y itakuwil ng iba sa kanila (P)ay nangabagbag tungkol sa pananampalataya:
20 Na sa mga ito'y si (Q)Himeneo at si (R)Alejandro; (S)na sila'y aking ibinigay kay Satanas, upang sila'y maturuang huwag mamusong.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978