Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni Asaph.
77 Ako'y dadaing ng aking tinig sa Dios;
Sa Dios ng aking tinig; at kaniyang didinggin ako.
2 (A)Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay hinahanap ko ang Panginoon:
Ang kamay ko'y nakaunat sa gabi, at hindi nangangalay;
(B)Tumatangging maaliw ang kaluluwa ko.
3 Naaalaala ko ang Dios, at ako'y nababalisa:
Ako'y (C)nagdaramdam, at ang diwa ko'y nanglulupaypay. (Selah)
4 Iyong pinupuyat ang mga mata ko:
Ako'y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita.
5 (D)Aking ginunita ang mga araw ng una,
Ang mga taon ng dating mga panahon.
6 Aking inaalaala ang awit ko (E)sa gabi:
Sumasangguni ako sa aking sariling puso;
At ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat.
7 (F)Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man?
At (G)hindi na baga siya lilingap pa?
8 Ang kaniya bang kagandahangloob ay lubos na nawala magpakailan man?
Natapos na bang walang hanggan (H)ang kaniyang pangako?
9 Nakalimot na ba ang Dios na (I)magmaawain?
Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan? (Selah)
10 At aking sinabi, (J)Ito ang sakit ko;
Nguni't aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan.
11 (K)Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon;
Sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una.
12 Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa,
At magmumuni tungkol sa iyong mga gawa.
13 Ang iyong daan, Oh Dios, ay (L)nasa santuario:
(M)Sino ang dakilang dios na gaya ng Dios?
14 Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas:
Iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao.
15 Iyong tinubos (N)ng kamay mo ang iyong bayan,
Ang mga anak ng Jacob (O)at ng Jose. (Selah)
16 (P)Nakita ka ng tubig, Oh Dios;
Nakita ka ng tubig, sila'y nangatakot:
Ang mga kalaliman din naman ay nanginig.
17 Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig;
(Q)Ang langit ay humugong:
Ang mga (R)pana mo naman ay nagsihilagpos.
18 Ang (S)tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo;
Tinanglawan (T)ng mga kidlat ang sanglibutan:
Ang lupa ay nayanig at umuga.
19 Ang daan mo'y (U)nasa dagat,
At ang mga landas mo'y nasa malalawak na tubig,
At ang bakas mo'y hindi nakilala.
20 (V)Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na (W)parang kawan,
Sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron.
8 Nguni't sa ganang akin, ay hahanapin ko ang Dios,
At sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap:
9 Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita;
Ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang:
10 (A)Na siyang nagbibigay ng ulan sa lupa,
At nagpapahatid ng tubig sa mga bukid;
11 Na anopa't kaniyang iniuupo sa mataas (B)yaong nangasa mababa;
At yaong nagsisitangis ay itinataas sa katiwasayan.
12 (C)Kaniyang sinasayang ang mga katha-katha ng mapagkatha,
Na anopa't hindi maisagawa ng kanilang mga kamay ang kanilang panukala.
13 (D)Kaniyang hinuhuli ang pantas sa kanilang sariling katha:
At ang payo ng suwail ay napapariwara.
14 Kanilang nasasalunuan ang kadiliman sa araw,
(E)At nagsisikapa sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi.
15 (F)Nguni't kaniyang inililigtas sa tabak ng kanilang bibig,
Sa makatuwid baga'y ang maralita sa kamay ng malakas.
16 Na anopa't ang dukha ay may pagasa,
(G)At ang kasamaan ay nagtitikom ng kaniyang bibig.
Ang kagalingan ng parusa.
17 Narito, (H)maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios:
Kaya't (I)huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat.
18 (J)Sapagka't siya'y sumusugat, at nagtatapal;
Siya'y sumusugat, at pinagagaling ng kaniyang mga kamay.
19 Kaniyang ililigtas ka sa (K)anim na kabagabagan.
Oo, sa pito, ay walang kasamaang kikilos sa iyo.
20 (L)Sa kagutom ay tutubusin ka niya sa kamatayan;
At sa pagdidigma ay sa kapangyarihan ng tabak.
21 Ikaw ay makukubli (M)sa talas ng dila;
Na hindi ka man matatakot sa paggiba pagka dumarating.
22 Sa kagibaan at sa kasalatan ay tatawa ka;
Ni hindi ka matatakot sa mga ganid sa lupa.
23 (N)Sapagka't ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang;
At ang mga ganid sa parang ay makikipagpayapaan sa iyo.
24 At iyong makikilala na ang iyong tolda ay nasa kapayapaan;
At iyong dadalawin ang iyong kulungan, at walang mawawala na anoman.
25 Iyo rin namang makikilala na ang (O)iyong binhi ay magiging dakila,
At ang iyong lahi ay gaya ng damo sa lupa.
26 Ikaw ay (P)darating sa iyong libingan sa lubos na katandaan.
Gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa kaniyang kapanahunan.
27 Narito, aming siniyasat, at gayon nga;
Dinggin mo, at talastasin mo sa iyong ikabubuti.
8 Katapustapusan, (A)kayong lahat ay mangagkaisang akala, madamayin, (B)mangagibigang tulad sa magkakapatid, (C)mga mahabagin, mga mapagkumbabang pagiisip:
9 (D)Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, (E)o ng alipusta ang pagalipusta; kundi (F)ng pagpapala; sapagka't dahil dito kayo'y tinawag, upang kayo'y mangagmana ng pagpapala.
10 Sapagka't,
(G)Ang magnais umibig sa buhay,
At makakita ng mabubuting araw,
Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama,
At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya:
11 At tumalikod siya sa masama, at gumawa ng mabuti;
Hanapin ang kapayapaan, at kaniyang sundan.
12 Sapagka't ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid,
At ang kaniyang mga pakinig ay sa kanilang mga daing:
Nguni't ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga nagsisigawa ng masama.
13 At sino ang sa inyo ay aapi, kung kayo'y mapagmalasakit sa mabuti?
14 Datapuwa't (H)kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran (I)ay mapapalad kayo: at (J)huwag kayong mangatakot sa kanilang pangtakot, o (K)huwag kayong mangagulo;
15 Kundi (L)inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: (M)na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa (N)kaamuan at (O)takot:
16 Na taglay (P)ang mabuting budhi; (Q)upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay mangapahiya ang (R)nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng (S)pamumuhay kay Cristo.
17 Sapagka't lalong magaling, kung gayon ang iniibig ng kalooban ng Dios na kayo'y mangagbata dahil sa paggawa ng mabuti kay sa dahil sa paggawa ng masama.
18 Sapagka't si Cristo man ay (T)nagbata ring (U)minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, (V)upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay (W)sa laman, nguni't (X)binuhay (Y)sa espiritu;
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978