Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ng mga anak ni Core.
84 Kay (A)iinam ng iyong mga tabernakulo,
Oh Panginoon ng mga hukbo!
2 (B)Ang kaluluwa ko'y aasamasam, oo, nanglulupaypay sa mga looban ng Panginoon;
Ang puso ko't laman ay dumadaing sa buháy na Dios.
3 Oo, (C)ang maya ay nakasumpong ng bahay,
At ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya, na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay,
Sa makatuwid baga'y iyong mga dambana, Oh Panginoon ng mga hukbo,
Hari ko, at Dios ko.
4 (D)Mapalad silang nagsisitahan sa iyong bahay:
Kanilang pupurihin kang (E)palagi. (Selah)
5 Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo;
Na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion.
6 Na nagdaraan sa libis ng Iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal;
Oo, tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan.
7 (F)Sila'y nagsisiyaon sa kalakasa't kalakasan,
Bawa't isa sa kanila ay (G)napakikita sa harap ng Dios sa Sion.
8 Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, dinggin mo ang aking dalangin:
Pakinggan mo, Oh Dios ni Jacob. (Selah)
9 Masdan mo, (H)Oh Dios na aming kalasag,
At tingnan mo ang mukha ng (I)iyong pinahiran ng langis.
10 Sapagka't isang araw sa iyong mga looban ay mabuti kay sa isang libo.
Aking minagaling na maging tagatanod-pinto sa bahay ng aking Dios,
Kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan.
11 Sapagka't ang Panginoong Dios (J)ay araw at kalasag:
Ang Panginoo'y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian:
(K)Hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid.
12 Oh Panginoon ng mga hukbo,
(L)Mapalad ang tao na tumitiwala sa iyo.
Ang pagtatayo ng templo.
6 At nangyari (A)nang ikaapat na raan at walong pung taon pagkatapos na ang mga anak ni Israel ay nangakalabas sa lupain ng Egipto, nang ikaapat na taon ng paghahari ni Salomon sa Israel, nang buwan ng Ziph, na ikalawang (B)buwan, na kaniyang pinasimulang itinayo ang bahay ng Panginoon.
2 (C)At ang bahay na itinayo ng haring Salomon ukol sa Panginoon, ang haba niyao'y anim na pung siko, at ang luwang ay dalawang pung siko, at ang taas ay tatlong pung siko.
3 At ang portiko sa harap ng templo ng bahay, may dalawang pung siko ang haba, ayon sa luwang ng bahay; at sangpung siko ang luwang niyaon sa harap ng bahay.
4 At iginawa ang bahay ng mga dungawan na (D)may silahia.
21 Sa gayo'y binalot ni Salomon ang loob ng bahay ng taganas na ginto: at kaniyang kinanaan ng mga tanikalang ginto ang harapan ng sanggunian; at binalot ng ginto.
22 At binalot ng ginto ang buong bahay, hanggang sa ang bahay ay nayari: gayon din ang buong dambana (A)na nauukol sa sanggunian ay kaniyang binalot ng ginto.
10 Ayon sa biyaya ng Dios na ibinigay sa akin, na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan; at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito. Nguni't ingatan ng bawa't tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito.
11 Sapagka't sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, (A)na ito'y si Cristo Jesus.
12 Datapuwa't kung ang sinoma'y magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto, pilak, mga mahahalagang bato, kahoy, tuyong dayami;
13 Ang gawa (B)ng bawa't isa ay mahahayag: sapagka't (C)ang araw (D)ang magsasaysay, sapagka't sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawa't isa kung ano yaon.
14 Kung ang gawa ng sinoman ay manatili, na kaniyang itinayo sa ibabaw niyaon, siya'y tatanggap ng kagantihan.
15 Kung ang gawa ng sinoman ay masunog, (E)ay malulugi siya: nguni't siya sa kaniyang sarili ay maliligtas; gayon ma'y (F)tulad sa pamamagitan ng apoy.
16 Hindi baga ninyo nalalaman (G)na kayo'y templo ng Dios, at (H)ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?
17 Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siya'y igigiba ng Dios; sapagka't ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo.
18 Sinoma'y huwag (I)magdaya sa kaniyang sarili. (J)Kung ang sinoman sa inyo ay nagiisip na siya'y marunong sa kapanahunang (K)ito, ay magpakamangmang siya, upang siya ang maging marunong.
19 Sapagka't ang (L)karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Dios. Sapagka't nasusulat, (M)Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan:
20 At muli, (N)Nalalaman ng Panginoon ang pangangatuwiran ng marurunong, na pawang walang kabuluhan.
21 Kaya't (O)huwag ipagmamapuri ninoman sa mga tao, Sapagka't ang lahat ng mga bagay ay sa inyo.
22 Kahit si Pablo, kahit si Apolos, kahit si (P)Cefas, kahit ang sanglibutan, kahit ang buhay, kahit ang kamatayan, kahit (Q)ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating; (R)lahat ay sa inyo:
23 At (S)kayo'y kay Cristo; at si Cristo ay sa Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978