Font Size
Mga Awit 22:4-5
Ang Biblia (1978)
Mga Awit 22:4-5
Ang Biblia (1978)
4 Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo:
Sila'y nagsitiwala, at iyong iniligtas sila.
5 Sila'y nagsidaing sa iyo at nangaligtas:
(A)Sila'y nagsitiwala sa iyo, at hindi nangapahiya.
Mga Awit 34:8
Ang Biblia (1978)
Mga Awit 34:8
Ang Biblia (1978)
8 (A)Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti:
(B)Mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya.
Mga Awit 115:9-11
Ang Biblia (1978)
Mga Awit 115:9-11
Ang Biblia (1978)
9 (A)Oh Israel, tumiwala ka sa Panginoon:
Siya'y kanilang saklolo at (B)kanilang kalasag.
10 Oh sangbahayan ni Aaron, magsitiwala kayo sa Panginoon:
Siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
11 Kayong nangatatakot sa Panginoon, magsitiwala kayo sa Panginoon;
Siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978