Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Chronological

Read the Bible in the chronological order in which its stories and events occurred.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Apocalipsis 6-11

At nakita ko (A)nang buksan ng Cordero ang isa sa pitong tatak, at narinig ko sa isa sa apat na nilalang na buhay, na nagsalitang gaya ng tunog ng kulog, Halika.

At tumingin ako, at narito, ang (B)isang kabayong maputi, at (C)yaong nakasakay dito ay may isang busog; (D)at binigyan siya ng isang putong: at siya'y yumaong nagtatagumpay, at upang magtagumpay.

At nang buksan niya ang ikalawang tatak, ay narinig ko sa ikalawang nilalang na buhay, na sinasabi, Halika.

At may (E)lumabas na ibang kabayo, na kabayong mapula: at ang nakasakay dito, ay pinagkaloobang (F)magalis sa lupa ng kapayapaan, at upang mangagpatayan ang isa't isa: at binigyan siya ng isang malaking tabak.

At nang buksan niya ang ikatlong tatak, ay narinig ko sa ikatlong nilalang na buhay, na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang (G)isang kabayong maitim; at yaong nakasakay dito ay may (H)isang timbangan sa kaniyang kamay.

At narinig ko ang gaya ng isang tinig sa gitna ng apat na nilalang na buhay na nagsasabi, Sa isang denario ay isang takal na trigo, at sa isang denario ay tatlong takal na sebada; at (I)huwag mong ipahamak ang langis at ang alak.

At nang buksan niya ang ikaapat na tatak, ay narinig ko ang tinig ng ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi, Halika.

At tumingin ako, at (J)narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, (K)na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.

At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng (L)dambana (M)ang mga kaluluwa ng mga pinatay (N)dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila:

10 At sila'y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, (O)hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa?

11 At binigyan (P)ang bawa't isa sa kanila ng isang maputing balabal; at sa kanila'y sinabi, (Q)na mangagpahinga pa ng kaunting panahon, hanggang sa maganap ang bilang ng kanilang mga kapuwa alipin at ng kanilang mga kapatid, na mga papatayin namang gaya nila.

12 At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, (R)at nagkaroon ng malakas na lindol; at (S)ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo;

13 At ang mga bituin sa langit ay (T)nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin.

14 At ang langit ay nahawi na gaya (U)ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa't (V)bundok at (W)pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan.

15 At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, (X)ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok;

16 At sinasabi nila sa mga bundok (Y)at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha (Z)noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero:

17 Sapagka't dumating na (AA)ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; (AB)at sino ang makatatayo?

At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, (AC)na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.

At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak (AD)ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat,

Na nagsasabi, (AE)Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.

At narinig ko ang bilang (AF)ng mga natatakan, na (AG)isang daan at apat na pu't apat na libo, na natatakan, sa bawa't angkan ng mga anak ni Israel:

Sa angkan ni Juda ay labingdalawang libo ang tinatakan;
Sa angkan ni Ruben ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Gad ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Aser ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Neftali ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Manases ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Simeon ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Levi ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Isacar ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Zabulon ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Jose ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Benjamin ay labingdalawang libo ang tinatakan.

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, (AH)na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na (AI)nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga (AJ)palma sa kanilang mga kamay;

10 At nagsisigawan ng tinig na malakas, na nangagsasabi,

(AK)Ang pagliligtas ay sumaaming Dios (AL)na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero.

11 At ang lahat ng mga anghel ay nangakatayo sa palibot ng luklukan, at ng matatanda at ng apat na nilalang na buhay; at sila'y nangagpatirapa sa harapan ng luklukan, at nangagsisamba sa Dios,

12 Na nangagsasabi,

(AM)Siya nawa: Pagpapala at kaluwalhatian, at karunungan, at pagpapasalamat, at karangalan, at kapangyarihan, at kalakasan, nawa ang sumaaming Dios magpakailan kailan man. Siya nawa.

13 At sumagot ang isa sa matatanda na, nagsasabi sa akin, Ang mga ito na nangadaramtan ng mapuputing damit, ay sino-sino at saan nagsipanggaling?

14 At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at (AN)nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.

15 Kaya't sila'y nasa harapan ng luklukan ng Dios; at nangaglilingkod sa kaniya araw at gabi sa kaniyang templo: at siyang nakaupo sa luklukan, ay (AO)lulukuban sila ng kaniyang tabernakulo.

16 Sila'y hindi na magugutom pa, (AP)ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anomang init:

17 Sapagka't ang Cordero na nasa gitna ng luklukan (AQ)ay siyang magiging pastor nila, at sila'y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at (AR)papahirin ng Dios ang bawa't luha ng kanilang mga mata.

At nang buksan niya (AS)ang ikapitong tatak, ay nagkaroon ng katahimikan sa langit na may kalahating oras.

At nakita ko ang pitong anghel na nangakatayo sa harapan ng Dios; at sila'y binigyan ng pitong (AT)pakakak.

At dumating ang ibang anghel at tumayo sa harap ng dambana, na may hawak na (AU)isang gintong pangsuob ng kamangyan; at binigyan siya ng maraming kamangyan, upang idagdag ito sa (AV)mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw (AW)ng dambanang ginto, na nasa harapan ng luklukan.

At ang usok ng kamangyan, kalakip ng mga panalangin ng mga banal, ay napailanglang mula sa kamay ng anghel, sa harapan ng Dios.

At kinuha ng anghel ang pangsuob ng kamangyan; at (AX)pinuno niya ng apoy ng dambana, at itinapon sa lupa: at nagkaroon ng mga kulog, at mga (AY)tinig, at mga kidlat, at ng isang lindol.

At ang pitong anghel na may pitong pakakak ay nagsihanda upang magsihihip.

At humihip ang una, (AZ)at nagkaroon ng granizo at apoy, na may halong dugo, at (BA)itinapon sa lupa: at (BB)ang ikatlong bahagi ng lupa ay nasunog, at ang ikatlong bahagi ng mga punong kahoy ay nasunog, at ang lahat ng sariwang damo ay nasunog.

At humihip ang ikalawang anghel, (BC)at ang tulad sa isang malaking bundok na nagliliyab sa apoy ay nabulusok sa dagat: (BD)at ang ikatlong bahagi ng dagat (BE)ay naging dugo;

At namatay ang ikatlong bahagi ng mga nilalang na nasa dagat, na mga may buhay; at ang ikatlong bahagi sa mga daong ay nawalat.

10 At humihip ang ikatlong anghel, (BF)at nahulog mula sa langit ang isang malaking bituin, na nagliliyab na gaya ng isang sulo, (BG)at nahulog sa ikatlong bahagi ng mga ilog, at sa mga bukal ng tubig;

11 At ang pangalan ng bituin ay (BH)Ajenjo: at ang ikatlong bahagi ng tubig ay naging ajenjo; at maraming tao ay nangamatay dahil sa tubig, sapagka't mapait ang tubig.

12 At humihip ang ikaapat na anghel, at (BI)nasugatan ang ikatlong bahagi ng araw, at ang ikatlong bahagi ng buwan, at ang ikatlong bahagi ng bituin; upang magdilim ang ikatlong bahagi nila, at upang ang ikatlong bahagi ng maghapon ay huwag lumiwanag, at gayon din naman ang gabi.

13 At nakita ko, at narinig ko ang isang agila, na lumilipad sa pagitan ng langit, na nagsasabi ng malakas na tinig, (BJ)Sa aba, sa aba, sa aba ng mga nananahan sa ibabaw ng lupa, dahil sa mga ibang tunog ng pakakak ng tatlong anghel, na magsisihihip pa.

At humihip ang ikalimang anghel, at (BK)nakita ko ang isang bituin na nahulog sa lupa mula sa langit: at sa kaniya'y ibinigay (BL)ang susi ng (BM)hukay ng kalaliman.

At binuksan niya ang balon ng kalaliman; at napailanglang ang usok mula sa hukay, na gaya ng usok ng isang malaking lutuang-bakal; at nagdilim ang araw at ang himpapawid dahil sa usok ng hukay.

At nangagsilabas sa usok ang mga (BN)balang sa lupa; at binigyan sila ng kapangyarihan, na gaya ng mga alakdan sa lupa na may kapangyarihan.

At sinabi sa kanila (BO)na huwag ipahamak (BP)ang damo sa lupa, ni ang anomang bagay na sariwa, ni ang anomang punong kahoy, kundi ang mga tao lamang na walang (BQ)tatak ng Dios sa kanilang mga noo.

At pinagkalooban silang huwag patayin ang mga ito, kundi pahirapan nilang limang buwan: at ang kanilang pahirap ay gaya ng pahirap ng alakdan kung kumakagat sa isang tao.

At sa mga araw na yaon ay (BR)hahanapin ng mga tao ang kamatayan, at sa anomang paraa'y hindi nila masusumpungan; at mangagnanasang mamatay, at ang kamatayan ay tatakas sa kanila.

At (BS)ang anyo ng mga balang ay katulad ng mga kabayong nahahanda sa pagbabaka; at sa kanilang mga ulo ay gaya ng mga putong na katulad ng ginto, at ang kanilang mga mukha ay gaya ng mga mukha ng mga tao.

At sila'y may buhok na gaya ng buhok ng mga babae, at ang (BT)kanilang mga ngipin ay gaya ng sa mga leon.

At sila'y may mga baluti, na gaya ng baluting bakal; at ang ugong ng kanilang mga pakpak (BU)ay gaya ng ugong ng mga karro, at ng maraming kabayo na dumadaluhong sa pagbabaka.

10 At sila'y may mga buntot na gaya ng sa mga alakdan, at mga tibo; at sa kanilang mga buntot naroroon ang kanilang kapangyarihan upang ipahamak ang mga taong limang buwan.

11 Sila'y may (BV)pinakahari na anghel ng kalaliman: ang kaniyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abaddon,[a] at sa Griego ay may pangalan siyang Apolyon.

12 Ang unang Pagkaaba ay nakaraan na: (BW)narito, darating pa ang dalawang Pagkaaba sa haharapin.

13 At humihip ang ikaanim na anghel, at narinig ko ang isang tinig mula sa (BX)mga sungay ng (BY)dambanang ginto na nasa harapan ng Dios,

14 Na nagsasabi sa ikaanim na anghel na may pakakak, Kalagan mo ang apat na anghel na nagagapos (BZ)sa malaking ilog ng Eufrates.

15 At kinalagan ang apat na anghel, na nangahahanda sa oras at araw at buwan at taon upang patayin ang ikatlong bahagi ng mga tao.

16 At (CA)ang bilang ng mga hukbong nangangabayo ay makalawang sangpunglibong tigsasangpung libo: aking narinig ang bilang nila.

17 At nakita kong sa pangitain ang mga kabayo, at ang mga nakasakay dito, na may mga baluting gaya ng (CB)apoy at ng jacinto at ng asupre: at ang mga ulo ng mga kabayo ay gaya ng mga ulo ng mga leon; at sa kanilang mga bibig ay lumalabas ang apoy at usok at asupre.

18 Sa pamamagitan ng tatlong salot na ito ay napatay ang ikatlong bahagi ng mga tao, sa pamamagitan ng apoy at ng usok at ng asupre, na nangagsisilabas sa kanilang mga bibig.

19 Sapagka't ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang bibig, at nasa kanilang mga buntot; sapagka't ang kanilang mga buntot ay kawangis ng mga ahas, at may mga ulo; at siya nilang ipinananakit.

20 At ang nalabi sa mga tao, na hindi napatay sa mga salot na ito, ay hindi nagsipagsisi sa (CC)mga gawa ng kanilang mga kamay, upang huwag sumamba sa mga demonio, (CD)at sa mga diosdiosang ginto, at pilak, at tanso, at bato, at kahoy; na hindi nangakakakita, ni nangakaririnig man, ni nangakalalakad man.

21 At sila'y hindi nagsipagsisi sa kanilang mga pagpatay, kahit man sa kanilang panggagaway, kahit man sa kanilang pakikiapid, kahit man sa kanilang pagnanakaw.

10 At nakita ko ang ibang malakas na anghel na nanaog na mula sa langit, na nabibihisan ng isang alapaap; (CE)at ang bahaghari ay nasa kaniyang ulo, at ang kaniyang (CF)mukha ay gaya ng araw, at ang (CG)kaniyang mga paa ay gaya ng mga haliging apoy;

At may isang maliit na aklat na bukas sa kaniyang kamay: at itinungtong ang kaniyang kanang paa sa dagat, at ang kaniyang kaliwa ay sa lupa;

At sumigaw ng malakas na tinig, na gaya ng leon na umaangal: at pagkasigaw niya, ay ang pitong kulog ay umugong.

At pagkaugong ng pitong kulog, ay isusulat ko sana: at narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, (CH)Tatakan mo ang mga bagay na sinalita ng pitong kulog, at huwag mong isulat.

At ang anghel na aking nakita na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa ay (CI)itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit,

At ipinanumpa (CJ)yaong nabubuhay magpakailan kailan man, (CK)na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ng mga bagay na naririto, at ng dagat at ng mga bagay na naririto, na hindi na magluluwat ang panahon:

Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya'y humihip, kung magkagayo'y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.

At ang tinig na aking narinig na mula sa langit, ay muling nagsalita sa akin, at nagsabi, Humayo ka, kunin mo ang aklat na bukas na nasa kamay ng anghel na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa.

At ako'y naparoon sa anghel na nagsabi ako sa kaniya na ibigay sa akin ang maliit na aklat. At kaniyang sinabi sa akin, (CL)Kunin mo ito, at ito'y kanin mo; at papapaitin ang iyong tiyan, datapuwa't sa iyong bibig ay magiging matamis na gaya ng pulot.

10 At kinuha ko ang maliit na aklat sa kamay ng anghel, at aking kinain; (CM)at sa aking bibig ay matamis na gaya ng pulot: at nang aking makain, ay pumait ang aking tiyan.

11 At sinasabi nila sa akin, Dapat kang manghulang muli sa maraming mga bayan at mga bansa at mga wika at mga hari.

11 At binigyan ako ng (CN)isang tambong katulad ng isang panukat: at may isang nagsabi, Magtindig ka, at sukatin mo ang templo ng Dios, at (CO)ang dambana, at ang mga sumasamba doon.

At ang loobang nasa labas ng templo (CP)ay pabayaan mo, at huwag mong sukatin; (CQ)sapagka't ibinigay sa mga bansa: at kanilang yuyurakang (CR)apat na pu't dalawang buwan ang banal na siudad.

At may ipagkakaloob ako sa aking dalawang (CS)saksi, at sila'y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw, na nararamtan ng magagaspang na kayo.

Ang mga ito'y (CT)ang dalawang punong olibo (CU)at ang dalawang kandelero, na nangakatayo sa harapan ng Panginoon ng lupa.

At kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak, ay apoy ang (CV)lumalabas sa kanilang bibig, at lumalamon sa kanilang mga kaaway; at kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak ay kailangan ang mamatay sa ganitong paraan.

Ang mga ito'y (CW)may kapangyarihang magsara ng langit, upang huwag umulan sa loob ng mga araw ng kanilang hula: at may kapangyarihan sila sa mga tubig (CX)na mapaging dugo, at (CY)mapahirapan ang lupa ng bawa't salot sa tuwing kanilang nasain.

At pagka natapos nila ang kanilang (CZ)patotoo, (DA)ang hayop na umahon (DB)mula sa kalaliman ay (DC)babaka sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at sila'y papatayin.

At ang kanilang mga bangkay ay nasa lansangan (DD)ng malaking bayan, na ayon sa espiritu ay tinatawag na (DE)Sodoma at Egipto, na doon din naman ipinako sa krus ang Panginoon nila.

At ang mga tao mula sa gitna ng mga bayan at mga angkan at mga wika at mga bansa, ay nanonood sa kanilang mga bangkay na tatlong araw at kalahati, at hindi itutulot na ang kanilang mga bangkay ay malibing.

10 At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa kanila, at mangatutuwa; at sila'y mangagpapadalahan ng mga kaloob; (DF)sapagka't ang dalawang propetang ito ay (DG)nagpahirap sa nangananahan sa ibabaw ng lupa.

11 At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati, (DH)ang hininga ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila, at sila'y nangagsitindig; at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila.

12 At narinig nila ang isang malakas na tinig na nagsasabi sa kanila, Umakyat kayo rito. At sila'y umakyat sa langit (DI)sa isang alapaap; at pinagmasdan sila ng kanilang mga kaaway.

13 At nang oras na yaon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol, (DJ)at nagiba ang ikasangpung bahagi ng bayan; at may nangamatay sa lindol na pitong libo katao: at ang mga iba ay nangatatakot, (DK)at nangagbigay ng kaluwalhatian (DL)sa Dios ng langit.

14 Nakaraan na ang (DM)ikalawang Pagkaaba: narito, nagmamadaling dumarating ang ikatlong Pagkaaba.

15 At humihip (DN)ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi,

(DO)Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa (DP)kaniyang Cristo: (DQ)at siya'y maghahari magpakailan kailan man.

16 At ang dalawangpu't apat na matatanda (DR)na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios,

17 Na nangagsasabi,

Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, (DS)na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka't hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari.
18 At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang (DT)iyong poot, at (DU)ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa iyong pangalan, maliliit at malalaki; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa.

19 At nabuksan (DV)ang templo ng Dios na nasa langit: at nakita sa kaniyang templo (DW)ang kaban ng kaniyang tipan; at nagkaroon ng mga (DX)kidlat, at mga tinig, at mga kulog, at isang lindol, at malaking granizo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978