Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Chronological

Read the Bible in the chronological order in which its stories and events occurred.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Roma 11-13

11 Sinasabi ko nga, Itinakuwil baga ng Dios ang kaniyang bayan? Huwag nawang mangyari. Sapagka't (A)ako man ay Israelita, sa binhi ni Abraham, sa angkan ni Benjamin.

(B)Hindi itinakuwil ng Dios ang kaniyang bayan na (C)nang una pa'y kinilala niya. O hindi baga ninyo nalalaman ang sinasabi ng kasulatan tungkol kay Elias? kung paanong namamagitan siya sa Dios laban sa Israel na sinabi:

Panginoon, pinatay nila (D)ang iyong mga propeta, giniba nila ang iyong mga dambana; at ako'y naiwang nagiisa, at hinahanap nila ang aking buhay.

Datapuwa't ano ang sinasabi ng kasagutan ng Dios sa kaniya? (E)Nagtira ako sa akin ng pitong libong lalake na hindi nangagsiluhod kay Baal.

Gayon din nga (F)sa panahong itong kasalukuyan ay may isang nalalabi ayon sa pagkahirang ng biyaya.

Nguni't (G)kung ito'y sa pamamagitan ng biyaya, ay hindi na sa mga gawa: sa ibang paraan ang biyaya ay hindi biyaya.

Ano nga? Ang hinahanap ng (H)Israel ay hindi niya kinamtan; datapuwa't ito'y kinamtan ng pagkahirang, at ang mga iba'y pinapagmatigas:

Ayon sa nasusulat, (I)Binigyan sila ng Dios ng Espiritu ng pagkakatulog, (J)ng mga matang hindi nangakakakita, at ng mga pakinig na hindi nangakakarinig, hanggang sa araw na ito.

At sinasabi ni David,

Ang kanilang dulang nawa'y (K)maging isang silo, at isang panghuli,
At isang katitisuran, at isang kabayaran sa kanila:
10 Manganglabo nawa ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag mangakakita,
At laging baluktutin mo nawa ang kanilang gulugod.

11 Sinasabi ko nga, Nangatisod kaya sila upang mangahulog? Huwag nawang mangyari: datapuwa't sa pagkahulog nila'y (L)dumating ang pagkaligtas sa mga Gentil, (M)upang ipamungkahi sila sa paninibugho.

12 Ngayon kung ang pagkahulog nga nila ay siyang kayamanan ng sanglibutan, at ang pagkalugi nila ay siyang kayamanan ng mga Gentil; gaano pa ang kapunuan nila?

13 Datapuwa't nagsasalita ako sa inyong mga Gentil. Palibasa'y (N)ako nga'y apostol ng mga Gentil, ay niluluwalhati ko ang aking ministerio;

14 Baka sa anomang paraan ay maipamungkahi ko sa paninibugho yaong aking mga kalaman, at (O)maligtas ang ilan sa kanila.

15 Sapagka't kung ang pagkatakuwil sa kanila ay siyang pakikipagkasundo ng sanglibutan, ano kaya ang pagtanggap sa kanila, kundi buhay mula sa mga patay?

16 At kung ang (P)pangunahing bunga ay banal, ay gayon din ang lahat: at kung ang ugat ay banal, ay gayon din ang mga sanga.

17 Datapuwa't kung (Q)ang ilang mga sanga'y nangabali, (R)at ikaw, na isang olibong ligaw ay isinanib ka sa kanila, at ikaw ay naging kabahagi nila sa ugat ng katabaan ng punong olibo;

18 Huwag kang magpalalo sa mga sanga: datapuwa't kung magpalalo ka, ay hindi ikaw ang nagkakandili sa ugat, kundi ang ugat ang nagkakandili sa iyo.

19 Sasabihin mo nga, Ang mga sanga ay nangabali upang ako ay makasanib.

20 Mabuti; sa kawalan nila ng pananampalataya ay nangabali sila, at (S)sa iyong pananampalataya'y nakatayo ka. Huwag kang magpalalo kundi matakot ka:

21 Sapagka't kung hindi nga pinatawad ng Dios ang mga talagang sanga, ikaw man ay hindi patatawarin.

22 Masdan mo nga ang kabutihan at ang kabagsikan ng Dios: ang kabagsikan ay sa nangahulog, datapuwa't ang kabutihan ng Dios ay sa iyo, kung mamamalagi ka sa kaniyang kabutihan: sa ibang paraan ay (T)ikaw man ay puputulin.

23 At sila naman, kung hindi mangagsisilagi sa di pananampalataya ay mangakakasanib: sapagka't makapangyarihan ang Dios upang sila'y isanib na muli.

24 Sapagka't kung ikaw ay pinutol doon sa talagang olibong ligaw, at laban sa kaugalian ay isinanib ka sa mabuting punong olibo; gaano pa nga ang mga ito, na mga talagang sanga, na mangakakasanib sa kanilang sariling punong olibo?

25 Sapagka't hindi ko ibig, mga kapatid, na di ninyo maalaman ang hiwagang ito, baka kayo'y mangagmarunong sa (U)inyong sariling mga haka, na ang (V)katigasan ng isang bahagi ay nangyari sa Israel, (W)hanggang sa pumasok ang kapunuan ng mga Gentil;

26 At sa ganito'y ang buong Israel ay maliligtas: gaya ng nasusulat,

(X)Magbubuhat sa Sion ang Tagapagligtas;
Siya ang maghihiwalay sa Jacob ng kalikuan:
27 At ito ang aking tipan sa kanila,
Pagka (Y)aalisin ko ang kanilang mga kasalanan.

28 Tungkol sa evangelio, ay mga kaaway sila dahil sa inyo: datapuwa't tungkol sa pagkahirang, ay mga (Z)pinakaiibig sila dahil sa mga magulang.

29 Sapagka't (AA)ang mga kaloob at ang pagtawag ng Dios ay hindi nagbabago.

30 Sapagka't kung paanong kayo (AB)nang nakaraang panahon ay mga masuwayin sa Dios, datapuwa't ngayon kayo'y nangagkamit ng habag sa pamamagitan ng kanilang pagsuway,

31 Gayon din naman ang mga ito ay naging mga masuwayin ngayon, upang sa pamamagitan ng habag na ipinagkaloob sa inyo, sila nama'y magkamit ngayon ng habag.

32 Sapagka't ang lahat ay kinulong ng (AC)Dios sa kasuwayan, upang siya'y mahabag sa lahat.

33 Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios! oh di matingkalang mga hatol (AD)niya, at (AE)hindi malirip na kaniyang mga daan!

34 Sapagka't (AF)sino ang nakaalam ng pagiisip ng Panginoon? o sino ang kaniyang naging kasangguni?

35 O (AG)sino ang nagbigay na una sa kaniya, at siya'y babayarang muli?

36 Sapagka't (AH)kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. (AI)Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.

12 Kaya nga, mga kapatid, (AJ)ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na (AK)inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buháy, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.

At (AL)huwag kayong magsiayon (AM)sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo (AN)sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo (AO)kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

Sapagka't sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay, sa bawa't tao sa inyo, na (AP)huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipin; kundi magisip na may kahinahunan, (AQ)ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawa't isa.

Sapagka't (AR)kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain:

Ay gayon din tayo, na (AS)marami, ay iisang katawan kay Cristo, at (AT)mga sangkap na samasama sa isa't isa.

(AU)At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin, kung (AV)hula, ay manganghula tayo ayon sa kasukatan ng ating pananampalataya;

O kung ministerio, ay gamitin natin ang ating sarili sa ating ministerio; o ang nagtuturo, ay sa kaniyang pagtuturo;

O ang umaaral, ay sa kaniyang pagaral: ang namimigay, ay magbigay na may magandang-loob; ang nagpupuno, ay magsikap; ang nahahabag ay magsaya.

Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw. Kapootan ninyo ang masama; makisanib kayo sa mabuti.

10 Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba;

11 Huwag mga tamad sa pagsusumikap; maningas sa espiritu; mapaglingkod sa Panginoon;

12 Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; (AW)magmatiyagain sa pananalangin;

13 (AX)Mapagdamay sa mga kailangan ng mga banal; maging mapagpatuloy.

14 Pagpalain ninyo (AY)ang mga sa inyo'y nagsisiusig; pagpalain ninyo, at huwag ninyong sumpain.

15 Makigalak kayo sa (AZ)nangagagalak; makiiyak kayo sa nagsisiiyak.

16 (BA)Mangagkaisa kayo ng pagiisip. (BB)Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip sa mga bagay na kapalaluan, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan. (BC)Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga haka.

17 (BD)Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. (BE)Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao.

18 Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay (BF)magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao.

19 Huwag kayong (BG)mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, (BH)Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.

20 Kaya't (BI)kung ang iyong kaaway ay magutom, pakanin mo; kung siya'y mauhaw, painumin mo: sapagka't sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo.

21 Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama.

13 Ang bawa't (BJ)kaluluwa ay pasakop sa matataas (BK)na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios.

Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.

Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? (BL)gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya:

Sapagka't siya'y ministro ng Dios sa ikagagaling mo. Datapuwa't kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; sapagka't hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak: sapagka't siya'y ministro ng Dios, tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama.

Kaya nga't dapat na kayo'y pasakop, hindi lamang dahil sa kagalitan, kundi naman dahil sa budhi.

Sapagka't dahil dito ay nagsisipagbayad naman kayo (BM)ng buwis; sapagka't sila'y mga tagapangasiwa ng paglilingkod sa Dios, na nagsisipamahalang walang patid sa bagay na ito.

Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila'y nararapat: (BN)buwis sa dapat buwisan; (BO)ambag sa dapat ambagan; takot sa dapat katakutan; puri sa dapat papurihan.

Huwag kayong magkautang ng ano pa man sa kanino man, maliban na sa mangagibigan kayo: (BP)sapagka't ang umiibig sa kaniyang kapuwa'y nakaganap na ng kautusan.

Sapagka't ito, (BQ)Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang mananakim, at kung mayroon pang ibang utos, ay nauuwi sa salitang ito, sa makatuwid baga'y (BR)Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili.

10 Ang pagibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapuwa: (BS)ang pagibig nga ay siyang katuparan ng kautusan.

11 At ito, yamang nakikilala ang panahon, na ngayo'y kapanahunan nang (BT)magsigising kayo sa pagkakatulog: sapagka't ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan kay sa nang tayo'y magsisampalataya nang una.

12 (BU)Ang gabi ay totoong malalim, at ang araw ay malapit na: (BV)iwaksi nga natin ang mga gawa ng kadiliman, at (BW)ating isakbat ang mga sandata ng kaliwanagan.

13 Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa (BX)kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan.

14 Kundi bagkus isakbat ninyo (BY)ang Panginoong Jesucristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang masunod ang mga kahalayan noon.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978