Chronological
1 Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at (A)sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta,
2 Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na (B)ito sa pamamagitan, (C)ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na (D)tagapagmana ng lahat ng mga bagay, (E)na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan;
3 (F)Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at (G)tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at (H)umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, (I)nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, (J)ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan;
4 Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel, palibhasa'y (K)nagmana ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila.
5 Sapagka't kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man,
Ikaw ay (L)aking Anak,
Ikaw ay aking ipinanganak ngayon?
at muli,
(M)Ako'y magiging kaniyang Ama,
At siya'y magiging aking Anak?
6 At muli nang dinadala niya (N)ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios.
7 At sinasabi niya tungkol sa mga anghel,
(O)Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin,
At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy:
8 Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi,
(P)Ang iyong luklukan,
Oh Dios, ay magpakailan man;
At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.
9 Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan;
Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo,
(Q)Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan.
10 At,
(R)Ikaw, Panginoon, nang pasimula'y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa,
At ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay:
11 Sila'y mangapapahamak; datapuwa't ikaw ay nananatili:
At silang lahat ay mangalulumang gaya ng isang kasuutan;
12 At gaya ng isang balabal sila'y iyong bibilutin,
At sila'y mapapalitang gaya ng kasuutan:
Nguni't ikaw ay ikaw rin,
At ang iyong mga taon ay di matatapos.
13 Nguni't kanino sa mga anghel sinabi niya kailan man,
(S)Lumuklok ka sa aking kanan,
Hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tungtungan ng iyong mga paa?
14 Hindi baga silang (T)lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan?
2 Kaya't nararapat nating pagkatantuin ang mga bagay na narinig, baka sakaling tayo'y makahagpos.
2 Sapagka't kung ang ipinangusap na salita (U)sa pamamagitan ng mga anghel ay nagtibay, at ang bawa't pagsalangsang at pagsuway ay tumanggap ng matuwid na parusa na kabayaran;
3 Paanong makatatanan (V)tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan? (W)na ipinangusap ng Panginoon noong una ay (X)pinatunayan sa atin sa pamamagitan ng mga nakarinig;
4 Na pawang sinasaksihan naman ng Dios na kasama nila, sa pamamagitan ng (Y)mga tanda at mga kababalaghan, at ng saganang (Z)kapangyarihan, at (AA)ng mga kaloob ng Espiritu Santo, ayon sa kaniyang sariling kalooban.
5 Sapagka't hindi niya ipinasakop sa mga anghel (AB)ang sanglibutang darating, na siya naming isinasaysay.
6 Nguni't pinatunayan ng isa sa isang dako, na sinasabi,
(AC)Ano ang tao, upang siya'y iyong alalahanin?
O ang anak ng tao, upang siya'y iyong dalawin?
7 Siya'y ginawa mong mababa ng kaunti kay sa mga anghel;
Siya'y pinutungan mo ng kaluwalhatian at ng karangalan,
At siya'y inilagay mo sa ibabaw ng mga gawa ng iyong mga kamay:
8 Inilagay mo (AD)ang lahat ng mga bagay sa pagsuko sa ilalim ng kaniyang mga paa.
Sapagka't nang pasukuin niya ang lahat ng mga bagay sa kaniya, ay wala siyang iniwan na di sumuko sa kaniya. (AE)Nguni't ngayon ay hindi pa natin nakikitang sumuko sa kaniya ang lahat ng mga bagay.
9 Kundi nakikita natin ang (AF)ginawang mababa ng kaunti kay sa mga anghel, sa makatuwid ay si Jesus, na dahil sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay (AG)lasapin niya ang kamatayan (AH)dahil sa bawa't tao.
10 (AI)Sapagka't marapat sa kaniya na (AJ)pinagukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian (AK)na (AL)gawing sakdal siyang may gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng mga sakit.
11 Sapagka't (AM)ang nagpapagingbanal at ang mga pinapagingbanal ay pawang (AN)sa isa: na dahil dito'y (AO)hindi siya nahihiyang tawagin silang mga kapatid,
12 Na sinasabi,
(AP)Ibabalita ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid,
Sa gitna ng kapisanan ay aawitin ko ang kapurihan mo.
13 At muli, (AQ)ilalagak ko ang aking pagkakatiwala sa kaniya. At muli, (AR)Narito, ako at ang mga (AS)anak na ibinigay sa akin ng Dios.
14 Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, (AT)siya nama'y gayon ding nakabahagi sa mga ito; (AU)upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang diablo:
15 At mailigtas silang lahat (AV)na dahil sa takot sa kamatayan ay nangasailalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila.
16 Sapagka't tunay na hindi niya tinutulungan ang mga anghel, kundi tinutulungan niya ang binhi ni Abraham.
17 Kaya't nararapat sa kaniya na sa lahat ng mga bagay ay matulad sa kaniyang mga kapatid, upang maging isang dakilang saserdoteng (AW)maawain at tapat sa mga bagay na nauukol sa Dios, upang gumawa ng pangpalubag-loob patungkol sa mga kasalanan ng bayan.
18 (AX)Palibhasa'y nagbata siya sa pagkatukso, siya'y makasasaklolo sa mga tinutukso.
3 Kaya, mga banal na kapatid, mga may bahagi sa (AY)pagtawag ng kalangitan, inyong isipin (AZ)ang Apostol at (BA)Dakilang Saserdote na ating (BB)kinikilala, si Jesus;
2 Na siya'y tapat sa naglagay sa kaniya na gaya rin naman ni Moises sa buong sangbahayan niya.
3 Sapagka't siya ay inaring may karapatan sa lalong kaluwalhatian kay sa kay Moises, palibhasa'y (BC)may lalong karangalan kay sa bahay yaong nagtayo ng bahay.
4 Sapagka't ang bawa't bahay ay may nagtayo; datapuwa't ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios.
5 At sa katotohanang si Moises ay (BD)tapat sa buong sangbahayan niya gaya ng lingkod, (BE)na pinakapatotoo sa mga bagay na sasabihin pagkatapos;
6 Datapuwa't si Cristo, gaya ng (BF)anak ay puno sa bahay niya; (BG)na ang bahay niya ay tayo, kung (BH)ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri (BI)sa pagasa natin hanggang sa katapusan.
7 (BJ)Gaya nga ng sabi ng Espiritu Santo,
Ngayon (BK)kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,
8 Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi,
Gaya nang sa araw ng pagtukso sa ilang,
9 Na doon ako tinukso ng inyong mga magulang sa pagsubok sa akin,
At apat na pung taon na nangakita ang aking mga gawa.
10 Dahil dito'y nagalit ako sa lahing ito,
At aking sinabi,
Laging sila'y nangagkakamali sa kanilang puso:
Nguni't hindi nila nangakilala ang aking mga daan;
11 Ano pa't aking isinumpa sa aking kagalitan,
Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan.
12 Magsipagingat kayo, mga kapatid, baka sakaling mayroon sa kanino man sa inyo ng isang pusong masama na walang pananampalataya, na naghihiwalay sa inyo sa Dios na buhay:
13 Nguni't (BL)kayo'y mangagpangaralan sa isa't isa araw-araw, samantalang sinasabi, Ngayon; baka papagmatigasin ang sinoman sa inyo (BM)ng daya ng kasalanan:
14 Sapagka't tayo'y nagiging kabahagi ni Cristo, kung (BN)ating iniingatang matibay ang pasimula ng ating pagkakatiwala hanggang sa katapusan:
15 Samantalang sinasabi,
(BO)Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,
Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi.
16 Sapagka't sino-sino, na pagkarinig ay namungkahi? nguni't, hindi baga yaong lahat (BP)na nagsialis sa Egipto sa pamamagitan ni Moises?
17 At sino-sino ang kinagalitan niyang apat na pung taon? hindi baga yaong nangagkasala, (BQ)na ang kanilang mga katawan ay nangabuwal sa ilang?
18 At sa kani-kanino isinumpa niyang hindi makapapasok sa kaniyang kapahingahan, kundi yaong mga nagsisuway?
19 At (BR)nakikita natin na sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.
4 Mangatakot (BS)nga tayo, yamang may iniwang pangako ng pagpasok sa kaniyang kapahingahan, baka sakaling sinoman sa inyo ay maging tulad sa di nakaabot niyaon.
2 Sapagka't tunay na tayo'y pinangaralan ng mabubuting balita, gaya rin naman nila: (BT)nguni't hindi nila pinakinabangan ang salitang napakinggan, dahil sa walang kalakip na pananampalataya ang nangakarinig.
3 Sapagka't tayong nagsisipanampalataya ay nagsisipasok sa kapahingahang yaon; gaya ng sinabi niya,
(BU)Gaya ng aking isinumpa sa aking kagalitan,
Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan:
bagama't ang mga gawa ay nangatapos mula nang itatag ang sanglibutan.
4 Sapagka't sa isang dako ay sinabi niya ang ganito tungkol sa ikapitong araw, (BV)At nagpahinga nang ikapitong araw ang Dios sa lahat ng kaniyang mga gawa;
5 At sa dakong ito ay muling sinabi,
Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan.
6 Kaya't yamang may natitira pang ibang dapat magsipasok doon, (BW)at ang mga pinangaralan nang una ng mabubuting balita ay hindi nangapasok dahil sa pagsuway,
7 Ay muling nagtangi siya ng isang araw, Ngayon pagkatapos ng ilang panahon na sinabi sa mga awit (BX)ni David (ayon sa sinabi na ng una),
Ngayon (BY)kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,
Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso.
8 Sapagka't kung ibinigay sa kanila ni (BZ)Josue ang kapahingahan, ay hindi na sana niya sasalitain pagkatapos ang ibang araw.
9 May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios.
10 Sapagka't (CA)ang pumasok sa kaniyang kapahingahan ay nagpahinga naman sa kaniyang mga gawa, gaya ng Dios sa kaniyang mga gawa.
11 Magsipagsikap nga tayo ng pagpasok sa kapahingahang yaon, upang huwag marapa ang (CB)sinoman ayon sa gayong halimbawa ng pagsuway.
12 Sapagka't (CC)ang salita ng Dios ay (CD)buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay (CE)ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at (CF)madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.
13 At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin: nguni't ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan.
14 Yaman ngang tayo'y mayroong (CG)isang lubhang dakilang saserdote, (CH)na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay (CI)ingatan nating matibay ang ating (CJ)pagkakilala.
15 Sapagka't tayo'y (CK)walang isang dakilang saserdote (CL)na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na (CM)tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin (CN)gayon ma'y walang kasalanan.
16 (CO)Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.
5 Sapagka't ang bawa't dakilang saserdote palibhasa'y hinugot sa mga tao, (CP)ay inilagay dahil sa mga tao (CQ)sa mga bagay na nauukol sa Dios, (CR)upang siya'y makapaghandog ng mga kaloob at mga hain namang patungkol sa mga kasalanan:
2 Na makapagtitiis na may kaamuan (CS)sa mga di nakaaalam at nangamamali, yamang (CT)siya rin naman ay nalilibid ng kahinaan;
3 At (CU)dahil dito'y nararapat siyang maghandog dahil sa mga kasalanan, at hindi lamang patungkol sa mga tao, kundi naman sa kaniyang sarili.
4 (CV)At sinoman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito, liban na kung tawagin siya ng Dios, na (CW)gaya ni Aaron.
5 Gayon din si Cristo man ay (CX)hindi nagmapuri sa kaniyang sarili upang maging dakilang saserdote, kundi yaong sa kaniya ay nagsabi,
(CY)Ikaw ay aking Anak.
Ikaw ay aking naging anak ngayon:
6 Gaya rin naman ng sinasabi niya sa ibang dako,
(CZ)Ikaw ay saserdote magpakailan man
Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.
7 Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay (DA)naghandog ng mga panalangin at mga daing (DB)na sumisigaw ng malakas at lumuluha (DC)doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot,
8 Bagama't siya'y (DD)Anak, gayon may (DE)natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis;
9 At (DF)nang siya'y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya;
10 Pinanganlan ng Dios na (DG)dakilang saserdote ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.
11 Tungkol sa kaniya'y (DH)marami kaming sasabihin, at mahirap na saysayin, palibhasa'y nagsipurol kayo sa pakikinig.
12 Sapagka't nang kayo'y nangararapat nang maging mga guro dahil sa kaluwatan, ay muling kayo'y nangangailangan na kayo'y turuan ninoman (DI)ng mga unang (DJ)simulain ng (DK)aral ng Dios; at naging tulad sa mga nangangailangan ng (DL)gatas, at hindi ng pagkaing matigas.
13 Sapagka't bawa't tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka't siya'y isang sanggol.
14 Nguni't ang pagkaing matigas ay sa mga may gulang, sa makatuwid ay doon sa mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay ang kanilang mga pakiramdam, upang makilala ang mabuti at ang masama.
6 Kaya't tayo'y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo'y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi (DM)sa mga patay na gawa, at ng pananampalataya sa Dios,
2 Ng aral (DN)na tungkol sa mga paglilinis, (DO)at ng pagpapatong ng mga kamay, (DP)at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, (DQ)at ng paghuhukom na walang hanggan.
3 At ating gagawin ito, kung ipahihintulot ng Dios.
4 Sapagka't tungkol sa mga minsang (DR)naliwanagan at nakalasap (DS)ng kaloob ng kalangitan, at mga (DT)nakabahagi ng Espiritu Santo,
5 At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan (DU)ng panahong darating,
6 At saka nahiwalay sa Dios ay (DV)di maaaring baguhin silang muli (DW)sa pagsisisi; (DX)yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.
7 Sapagka't ang lupang (DY)humitit ng ulang madalas na lumalagpak sa kaniya, at tinutubuan ng mga damong pakikinabangan ng mga yaon na dahil sa kanila'y binukid, ay tumanggap ng pagpapalang mula sa Dios:
8 Datapuwa't (DZ)kung namumunga ng mga tinik at dawag, ay itinatakuwil at malapit sa sumpa; at ang kaniyang kahihinatnan ay ang sunugin.
9 Nguni't, mga minamahal, naniniwala kaming lubos sa magagaling na bagay tungkol sa inyo, at sa mga bagay na kalakip ng pagkaligtas, bagama't kami ay nagsasalita ng ganito:
10 Sapagka't ang (EA)Dios ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pagibig na inyong ipinakita sa kaniyang pangalan, sa inyong (EB)paglilingkod sa mga banal, at hanggang ngayo'y nagsisipaglingkod kayo.
11 At ninanasa namin na ang (EC)bawa't isa sa inyo ay magpakita ng gayon ding sikap sa ikalulubos ng pagasa hanggang sa katapusan:
12 Na huwag kayong (ED)mga tamad, kundi mga taga tulad kayo sa mga na sa pamamagitan ng pananampalataya at ng pagtitiis ay nagsisipagmana (EE)ng mga pangako.
13 Sapagka't nang mangako ang Dios kay Abraham, palibhasa'y hindi niya maipanumpa ang anomang lalong mataas, ay (EF)ipinanumpa ang kaniyang sarili,
14 Na sinasabi, (EG)Tunay sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin kita.
15 At sa ganito, nang makapaghintay na may pagtitiis, ay nagtamo siya ng pangako.
16 Sapagka't ipinanunumpa ng mga tao ang lalong mataas: at sa bawa't pagtatalo nila'y (EH)ang sumpa sa pagpapatotoo ang siyang katapusan.
17 Sa ganito, sa pagkaibig ng Dios na maipakitang lalong sagana sa mga (EI)tagapagmana ng pangako (EJ)ang kawalan ng pagbabago ng kaniyang pasiya, ay ipinamagitan ang sumpa;
18 Upang sa dalawang bagay na di mababago, na diya'y (EK)di maaaring ang Dios ay magbulaan, ay mangagkaroon tayo ng isang matibay na kasiglahan, tayong nangagsitakas na sumakanlong upang mangapit sa pagasang nalalagay sa ating unahan:
19 Na ating inaring tulad sa sinepete ng kaluluwa, isang pagasa na matibay at matatag (EL)at pumapasok sa nasa loob ng (EM)tabing;
20 Na doo'y (EN)pumasok dahil sa atin si Jesus, na gaya ng pangunahin, (EO)na naging dakilang saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978