Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Chronological

Read the Bible in the chronological order in which its stories and events occurred.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Roma 4-7

Ano nga ang ating sasabihin, na nasumpungan ni (A)Abraham na ating magulang ayon sa laman?

Sapagka't kung si Abraham ay (B)inaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa, ay mayroon sana siyang ipagmamapuri; datapuwa't hindi sa Dios.

Sapagka't ano ang sinasabi ng kasulatan? (C)At sumampalataya si Abraham sa Dios, at sa kaniya'y ibinilang na katuwiran.

Ngayon sa kaniya na gumagawa'y, hindi ibinibilang na biyaya ang ganti, kundi utang.

Datapuwa't sa kaniya na hindi gumagawa, nguni't sumasampalataya sa kaniya na umaaring ganap sa masama, (D)ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran.

Gaya naman ng sinasambit ni David na kapalaran ng tao, na sa kaniya'y ibinibilang ng Dios ang katuwiran nang (E)walang mga gawa,

Na sinasabi,

(F)Mapapalad yaong ang kanilang mga pagsalangsang ay ipinatawad,
At ang kanilang mga kasalanan ay nangatakpan.
Mapalad ang tao na sa kaniya'y hindi ibibilang ng Panginoon ang kasalanan.

Sinambit nga baga ang kapalarang ito tungkol sa pagtutuli, o tungkol din naman sa di-pagtutuli? sapagka't sinasabi natin, Kay Abraham ay ibinilang na katuwiran ang kaniyang pananampalataya.

10 Paano ngang ito'y ibinilang? nang siya baga'y nasa pagtutuli, o sa di-pagtutuli? Hindi sa pagtutuli, kundi sa di-pagtutuli:

11 At tinanggap niya (G)ang tanda ng pagtutuli, na isang tatak ng katuwiran ng pananampalataya na nasa kaniya samantalang siya'y nasa di-pagtutuli: upang siya'y (H)maging ama ng lahat ng mga nagsisisampalataya, bagaman sila'y nasa di-pagtutuli, upang ang katuwiran ay maibilang sa kanila;

12 At ang ama ng pagtutuli nila na hindi lamang sa pagtutuli, kundi pati naman sa mga nagsisilakad sa mga bakas niyaong pananampalataya ng ating amang si Abraham na nasa kaniya nang siya'y nasa di-pagtutuli.

13 Sapagka't hindi sa pamamagitan ng kautusan ginawa (I)ang pangako kay Abraham o sa kaniyang binhi na siyang magmamana ng sanglibutan, kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya.

14 Sapagka't (J)kung silang nangasa kautusan ay siyang mga tagapagmana, ay walang kabuluhan ang pananampalataya, at nawawalang kabuluhan ang pangako:

15 Sapagka't (K)ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa't kung (L)saan walang kautusan ay wala ring pagsalangsang.

16 Dahil dito'y sa pananampalataya, upang maging ayon (M)sa biyaya; upang ang pangako ay lumagi sa lahat ng binhi; hindi lamang sa nasa kautusan, kundi pati naman sa nasa pananampalataya ni Abraham, (N)na ama nating lahat.

17 (Gaya ng nasusulat, (O)Ginawa kitang ama ng maraming bansa) sa harapan niyaong kaniyang pinanampalatayanan, sa makatuwid baga'y ang Dios, (P)na nagbibigay ng buhay sa mga patay, at tumatawag sa (Q)mga bagay na hindi pa hayag na tila hayag na.

18 Siya na sumampalataya na nasa pagasa laban sa pagasa, upang maging ama ng maraming bansa ayon sa sabi, (R)Magiging gayon ang iyong binhi.

19 At hindi humina sa pananampalataya (S)na ipinalagay man ang kaniyang katawang tulad sa patay na (gayon siya'y may mga isang daang taon na), at ang pagkabaog ng bahay-bata ni Sara;

20 Kundi, sa pagtingin niya sa pangako ng Dios, ay hindi nagalinlangan sa pamamagitan ng di pananampalataya, kundi lumakas ng lumakas sa pamamagitan ng pananampalataya, na niluluwalhati ang Dios,

21 At lubos nanalig na ang Dios na nangako (T)ay may kapangyarihang makagawa noon.

22 Dahil dito'y ibinilang naman na katuwiran sa kaniya.

23 Ngayo'y (U)hindi lamang dahil sa kaniya isinulat, na sa kaniya'y ibinilang;

24 Kundi dahil din naman sa atin, na ibibilang sa ating mga nagsisisampalataya (V)sa kaniya na bumuhay na maguli sa mga patay, kay Jesus na ating Panginoon,

25 Na ibinigay (W)dahil sa ating mga kasuwayan, at binuhay na maguli sa (X)ikaaaring-ganap natin.

Yaman nga na (Y)mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong (Z)kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo;

Sa pamamagitan din naman niya'y nangagkaroon tayo (AA)ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at (AB)nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios.

At hindi lamang gayon, kundi naman (AC)nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian (AD)na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan;

At ang katiyagaan, (AE)ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa:

At ang pagasa ay (AF)hindi humihiya; sapagka't ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin.

Sapagka't (AG)nang tayo ay mahihina pa ay (AH)namatay si Cristo sa kapanahunan dahil sa mga masama.

Sapagka't ang isang tao'y bahagya nang mamatay dahil sa isang taong matuwid: bagama't dahil sa isang taong mabuti marahil ay may mangangahas mamatay.

Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.

Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap (AI)sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo (AJ)sa galit ng Dios sa pamamagitan niya.

10 Sapagka't (AK)kung, noong tayo'y mga kaaway (AL)ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, lubha pa, ngayong nangagkakasundo na, ay mangaliligtas tayo (AM)sa kaniyang buhay;

11 At hindi lamang gayon, kundi tayo'y nangagagalak naman sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niya'y tinamo natin ngayon ang pagkakasundo.

12 Kaya, (AN)kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y (AO)sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala:—

13 Sapagka't ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang kautusan: nguni't (AP)hindi ibinibilang ang kasalanan kung walang kautusan.

14 Bagaman ang kamatayan ay naghari mula kay Adam hanggang kay Moises, kahit doon sa hindi nangagkasala man ng tulad sa pagsalangsang ni Adam, (AQ)na siyang anyo niyaong darating.

15 Datapuwa't gayon din ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagsuway. Sapagka't kung sa pagsuway ng isa ay nangamatay ang marami, lubha pang sumagana sa marami ang biyaya ng Dios, at ang kaloob dahil sa biyaya ng isang lalaking si Jesucristo.

16 At ang kaloob ay hindi gaya ng nangyari sa pamamagitan ng isang nagkasala: sapagka't ang kahatulan ay dumating sa isa sa ipagdurusa, datapuwa't ang kaloob na walang bayad ay dumating sa maraming pagsuway sa ikaaaring ganap.

17 Sapagka't kung, sa pagsuway ng isa, ay naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isa; lubha pang magsisipaghari sa buhay ang nagsisitanggap ng kasaganaan ng biyaya at kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng isa, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.

18 Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran, ang kaloob na walang bayad ay dumating (AR)sa lahat ng mga tao sa (AS)ikaaaring-ganap ng buhay.

19 Sapagka't kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.

20 At bukod sa rito ay pumasok (AT)ang kautusan, upang ang pagsuway ay makapanagana; datapuwa't kung saan nanagana ang kasalanan, ay (AU)nanaganang lubha ang biyaya:

21 Upang, kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, ay gayon din naman (AV)ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa (AW)ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin.

Ano nga ang ating sasabihin? (AX)Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang (AY)ang biyaya ay makapanagana?

Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, (AZ)paano nga tayong mabubuhay pa riyan?

O hindi baga ninyo nalalaman na (BA)tayong lahat na mga nabautismuhan (BB)kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan?

Tayo nga'y (BC)nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si (BD)Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan (BE)ng kaluwalhatian ng Ama, ay (BF)gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay.

Sapagka't (BG)kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli;

Na nalalaman natin, na ang (BH)ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang (BI)ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo'y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan;

Sapagka't (BJ)ang namatay ay ligtas na sa kasalanan.

Datapuwa't kung tayo'y nangamatay na kalakip ni Cristo, ay (BK)naniniwala tayo na mangabubuhay naman tayong kalakip niya;

Na nalalaman nating si Cristo na nabuhay na maguli sa mga patay ay hindi na mamamatay; ang kamataya'y hindi naghahari sa kaniya.

10 Sapagka't ang kamatayan na ikinamatay niya, ay kaniyang ikinamatay (BL)na minsan (BM)sa kasalanan: datapuwa't ang buhay na kaniyang ikinabubuhay, ay kaniyang ikinabubuhay sa Dios.

11 Gayon din naman kayo, ibilang ninyong kayo'y tunay na mga patay na sa kasalanan, nguni't (BN)mga buhay sa Dios kay Cristo Jesus.

12 Huwag ngang maghari ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan, upang kayo'y magsisunod sa kaniyang mga pita:

13 At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap na pinaka (BO)kasangkapan ng katuwiran sa Dios.

14 Sapagka't ang kasalanan ay hindi makapaghahari sa inyo: sapagka't (BP)wala kayo sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya.

15 Ano nga? (BQ)mangagkakasala baga tayo, dahil sa tayo'y wala sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya? Huwag nawang mangyari.

16 Hindi baga ninyo nalalaman, (BR)na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinaka alipin upang tumalima ay kayo'y mga alipin niyaong inyong tinatalima; maging ng kasalanan sa ikamamatay, maging ng pagtalima sa ikapagiging matuwid?

17 Datapuwa't salamat sa Dios, na, bagama't kayo'y naging mga alipin ng kasalanan, kayo'y naging mga matalimahin sa puso doon (BS)sa uri ng aral na pinagbigyan sa inyo;

18 At (BT)yamang pinalaya kayo sa kasalanan (BU)ay naging mga alipin kayo ng katuwiran.

19 Nagsasalita ako (BV)ayon sa kaugalian ng mga tao (BW)dahil sa karupukan ng inyong laman: sapagka't kung paanong inyong inihandog ang inyong mga sangkap ng katawan na pinaka alipin ng karumihan at ng lalo't lalong kasamaan, gayon din ihandog ninyo ngayon ang inyong mga sangkap na pinaka alipin ng katuwiran sa ikababanal.

20 Sapagka't nang kayo ay mga alipin ng kasalanan, kayo'y laya tungkol sa katuwiran.

21 Ano nga ang (BX)ibinunga ninyo sa panahong yaon sa mga bagay na ngayo'y ikinahihiya ninyo? sapagka't (BY)ang wakas ng mga bagay na yaon ay kamatayan.

22 Datapuwa't ngayong mga laya na kayo sa kasalanan at naging mga alipin ng Dios, kayo ay mayroong inyong bunga sa ikababanal, at ang wakas ay ang buhay na walang hanggan.

23 Sapagka't (BZ)ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't (CA)ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

O hindi baga ninyo nalalaman mga kapatid (sapagka't nagsasalita ako sa mga taong nakakaalam ng kautusan), na ang kautusan ay naghahari sa tao samantalang siya'y nabubuhay?

Sapagka't ang babae (CB)na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay; datapuwa't kung ang asawa'y mamatay, ay kalag na sa kautusan ng asawa.

Kaya nga (CC)kung, samantalang nabubuhay ang asawa, siya'y makikisama sa ibang lalake, siya'y tatawaging mangangalunya: datapuwa't kung mamatay ang asawa, ay laya na siya sa kautusan, ano pa't siya'y hindi na mangangalunya, bagaman siya'y makisama sa ibang lalake.

Gayon din naman, mga kapatid ko, (CD)kayo'y nangamatay rin sa kautusan (CE)sa pamamagitan ng katawan ni Cristo; upang kayo'y makisama sa iba, sa makatuwid baga'y doon sa nabuhay na maguli, upang tayo'y magsipagbunga sa Dios.

Sapagka't nang tayo'y nangasa laman, (CF)ang mga pitang salarin na pawang sa pamamagitan ng kautusan, ay nagsigawa (CG)sa ating mga sangkap (CH)upang magsipagbunga sa kamatayan.

Datapuwa't ngayon tayo'y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo'y nangamatay doon sa nakatatali sa atin; ano pa't nagsisipaglingkod na tayo (CI)sa panibagong espiritu, at hindi sa karatihan ng sulat.

Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan baga'y kasalanan? Huwag nawang mangyari. Datapuwa't, (CJ)hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kundi sa pamamagitan ng kautusan: sapagka't hindi ko sana nakilala ang kasakiman, kung hindi sinasabi ng kautusan, (CK)Huwag kang mananakim:

Datapuwa't (CL)ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay gumawa sa akin sa pamamagitan ng utos ng sarisaring kasakiman: sapagka't kung walang kautusan ang kasalanan ay patay.

At nang isang panahon ako'y nabubuhay na walang kautusan: datapuwa't nang dumating ang utos, ay muling nabuhay ang kasalanan at ako'y namatay;

10 At ang utos (CM)na sa ikabubuhay, ay nasumpungan kong ito'y sa ikamamatay;

11 Sapagka't ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, (CN)ay dinaya ako sa pamamagitan ng utos, at sa pamamagitan nito ay pinatay ako.

12 Kaya nga (CO)ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at (CP)matuwid, at mabuti.

13 Ang mabuti nga baga ay naging kamatayan sa akin? Huwag nawang mangyari. Kundi ang kasalanan, upang maipakilalang kasalanan, sa pamamagitan ng mabuti ay gumawa sa akin ng kamatayan;—na sa pamamagitan ng utos ang kasalanan ay maging lalong sala.

14 Sapagka't nalalaman natin na ang kautusa'y (CQ)sa espiritu: nguni't ako'y sa laman, na (CR)ipinagbili sa ilalim ng kasalanan.

15 Sapagka't ang ginagawa ko'y hindi ko nalalaman: (CS)sapagka't ang hindi ko ibig, ang ginagawa ko; datapuwa't ang kinapopootan ko, yaon ang ginagawa ko.

16 Nguni't kung ang hindi ko ibig, ang siyang ginagawa ko, ay sumasangayon ako na mabuti ang kautusan.

17 Kaya ngayo'y hindi ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin.

18 Sapagka't nalalaman ko na (CT)sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti: sapagka't ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa't ang paggawa ng mabuti ay wala.

19 Sapagka't ang mabuti na aking ibig, ay hindi ko ginagawa: nguni't ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa.

20 Datapuwa't kung ang hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin.

21 Kaya nga nasumpungan ko ang isang kautusan na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang masama ay nasa akin.

22 Sapagka't (CU)ako'y nagagalak sa kautusan ng Dios (CV)ayon sa pagkataong loob:

23 Datapuwa't (CW)nakikita ko ang ibang kautusan sa (CX)aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap.

24 Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa (CY)katawan nitong kamatayan?

25 Nagpapasalamat ako sa Dios (CZ)sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin. Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pagiisip, sa kautusan ng Dios; datapuwa't ang laman ay sa kautusan ng kasalanan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978