Chronological
1 Si Simon Pedro, na (A)alipin at apostol ni Jesucristo, sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang pananampalataya (B)sa katuwiran (C)ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo:
2 Biyaya at kapayapaan ang (D)sa inyo'y dumami (E)sa pagkakilala sa Dios at kay Jesus na Panginoon natin;
3 Yamang ipinagkaloob sa atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa (F)kabanalan, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na (G)tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan;
4 Na dahil dito ay ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako; upang sa pamamagitan ng mga ito ay (H)makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita.
5 Oo, at dahil din dito, sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang (I)kaalaman;
6 At sa kaalaman ay ang (J)pagpipigil; at sa pagpipigil ay ang (K)pagtitiis; at sa pagtitiis ay ang (L)kabanalan;
7 At sa kabanalan ay ang (M)mabuting kalooban sa kapatid; at sa mabuting kalooban sa kapatid ay ang (N)pagibig.
8 Sapagka't kung nasa inyo ang mga bagay na ito at sumasagana, ay hindi kayo pababayaang maging mga tamad o mga walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo.
9 Sapagka't yaong wala ng mga bagay na ito (O)ay bulag, na ang nakikita lamang ay ang nasa malapit, sa pagkalimot ng (P)paglilinis ng kaniyang dating mga kasalanan.
10 Kaya, mga kapatid, lalong pagsikapan ninyo na mangapanatag kayo sa (Q)pagkatawag at pagkahirang sa inyo: sapagka't kung gawin ninyo ang mga bagay na ito ay (R)hindi kayo mangatitisod kailan man:
11 Sapagka't sa gayon ay ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok (S)sa kahariang walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na si Jesucristo.
12 Kaya't magiging handa akong lagi na ipaalaala ko sa inyo ang mga bagay na ito, (T)bagama't inyong nalalaman, at kayo'y (U)pinatitibay sa katotohanang nasa inyo.
13 At inaakala kong matuwid, na samantalang ako'y nasa tabernakulong (V)ito, ay kilusin ko kayo na ipaalaala ko sa inyo;
14 Yamang aking nalalaman na dumarating na madali ang paghiwalay ko sa aking tabernakulo, na (W)gaya ng ipinahiwatig sa akin ng Panginoon nating Jesucristo.
15 Oo, pagsisikapan ko na sa tuwituwi na, pagkamatay ko'y inyong maalaala ang mga bagay na ito.
16 Sapagka't kami ay hindi nagsisunod sa (X)mga kathang ginawang mainam, noong aming ipinakilala sa inyo ang kapangyarihan at (Y)pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, (Z)kundi kami ay naging mga saksing nakakita ng kaniyang karangalan.
17 Sapagka't siya'y tumanggap sa Dios Ama ng (AA)karangalan at kaluwalhatian, nang dumating sa kaniya ang isang tinig mula sa Marangal na Kaluwalhatian, (AB)Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan:
18 At ang tinig na ito ay aming narinig na nanggaling sa langit, nang kami ay kasama niya sa banal na bundok.
19 At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito'y inyong sinusundan, na gaya ng sa isang (AC)ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at (AD)ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso:
20 Na maalaman muna ito, na (AE)alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag.
21 Sapagka't hindi sa kalooban ng tao dumating (AF)ang hula kailanman: (AG)kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.
2 Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na (AH)mga bulaang propeta, na (AI)gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim (AJ)ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati (AK)ang Panginoon (AL)na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.
2 At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay; na dahil sa kanila ay pagsasalitaan ng masama ang (AM)daan ng katotohanan.
3 At (AN)sa kasakiman sa mga (AO)pakunwaring salita ay ipangangalakal kayo: na ang hatol nga sa kanila mula nang una ay hindi nagluluwat, at ang kanilang kapamahakan ay hindi nagugupiling.
4 Sapagka't kung ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel (AP)nang mangagkasala ang mga yaon, kundi (AQ)sila'y ibinulid sa impierno, at kinulong sa mga hukay ng kadiliman, upang ilaan sa paghuhukom;
5 At ang dating sanglibutan ay (AR)hindi pinatawad, datapuwa't (AS)iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa, noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama;
6 At pinarusahan niya ng pagkalipol (AT)ang mga bayan ng Sodoma at Gomorra na pinapaging abo, nang maging halimbawa sa mga magsisipamuhay na masama:
7 At (AU)iniligtas ang matuwid na si Lot, na lubhang nahahapis sa mahahalay na (AV)pamumuhay ng masasama
8 (Sapagka't ang matuwid na ito na namamayang kasama nila, ay lubhang (AW)nahapis araw-araw ang kaniyang matuwid na kaluluwa sa pagkakita at pagkarinig niya, ng mga gawa nilang laban sa kautusan):
9 Ang (AX)Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom;
10 Datapuwa't lalong-lalo na ng (AY)mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng karumihan, at nangapopoot sa pagkasakop. Mga pangahas, (AZ)mapagsariling kalooban, sila'y hindi natatakot na (BA)magsialipusta sa mga pangulo:
11 Samantalang ang (BB)mga anghel, bagama't lalong dakila ang lakas at kapangyarihan, ay hindi nagtataglay ng paghatol na may alipusta laban sa kanila sa harapan ng Panginoon.
12 Datapuwa't ang mga ito, na (BC)gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol.
13 Na nangagbabata ng masama na (BD)kabayaran ng gawang masama; palibhasa'y inaari nilang isang kaligayahan ang (BE)magpakalayaw kung araw, (BF)mga dungis at kapintasan, na nangagpapakalayaw (BG)sa kanilang mga daya, samantalang sila'y (BH)nangakikipagpiging sa inyo;
14 Na may mga matang puspos ng pangangalunya, at hindi maaaring maglikat sa pagkakasala; na umaakit sa mga kaluluwang walang tiyaga; na may pusong sanay sa kasakiman; mga anak ng paglait,
15 Na pagkaalis sa daang matuwid ay nangaligaw sila, palibhasa'y nagsisunod (BI)sa daan ni Balaam na anak ni Beor, na nagibig ng kabayaran ng gawang masama;
16 Datapuwa't siya'y sinasaway dahil sa kaniyang sariling pagsalangsang: na isang asnong (BJ)pipi ay nangusap ng tinig ng tao at pinigil ang kaululan ng propeta.
17 Ang mga ito'y mga bukal na walang tubig, (BK)mga ulap na tinatangay ng unos; (BL)na sa kanila'y itinaan ang kapusikitan ng kadiliman;
18 Sapagka't, (BM)sa pananalita ng mga kapalaluan na walang kabuluhan, ay umaakit sila sa masasamang pita ng laman, sa pamamagitan ng kalibugan, doon sa nagsisitakas sa nangamumuhay sa kamalian;
19 Na pinangangakuan ng (BN)kalayaan, (BO)samantalang sila'y mga alipin ng kabulukan; sapagka't ang nadaig ninoman ay naging alipin din naman niyaon.
20 Sapagka't kung, pagkatapos na sila'y makatakas sa mga pagkahawa sa sanglibutan (BP)sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon, ay lalong sumasama (BQ)ang huling kalagayan nila kay sa nang una.
21 Sapagka't magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila.
22 Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay, Nagbabalik na muli (BR)ang aso sa kaniyang sariling suka, at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan.
3 Ito nga ang ikalawang sulat, mga minamahal, na isinusulat ko sa inyo; at sa dalawa'y ginigising ko ang inyong (BS)tapat na pagiisip sa pamamagitan ng pagpapaalaala sa inyo;
2 Upang maalaala ninyo ang mga salitang sinabi (BT)nang una ng mga banal na propeta, at ang utos ng Panginoon at Tagapagligtas sa pamamagitan ng inyong mga apostol:
3 Na maalaman muna ito, (BU)na sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, (BV)na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita,
4 At magsisipagsabi, (BW)Saan naroon ang pangako ng kaniyang pagparito? sapagka't, buhat nang araw na mangatulog ang mga magulang, ay nangananatili ang lahat ng mga bagay na gaya ng kalagayan nila mula nang pasimulan ang paglalang.
5 Sapagka't sadyang nililimot nila, na mayroong sangkalangitan mula nang unang panahon, at isang lupang inanyuan sa tubig at sa gitna ng tubig, (BX)sa pamamagitan ng salita ng Dios;
6 Na sa pamamagitan din nito (BY)ang sanglibutan noon, na inapawan ng tubig, ay napahamak:
7 Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa (BZ)apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.
8 Datapuwa't huwag ninyong kalimutan, mga minamahal, ang isang bagay na ito, na ang (CA)isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw.
9 Hindi mapagpaliban (CB)ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi (CC)mapagpahinuhod sa inyo, (CD)na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, (CE)kundi ang lahat ay magsipagsisi.
10 Datapuwa't darating (CF)ang araw ng Panginoon na gaya ng (CG)magnanakaw; na ang (CH)sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at (CI)ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at (CJ)ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.
11 Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito, (CK)ano ngang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo (CL)sa banal na pamumuhay at pagkamaawain,
12 (CM)Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng (CN)kaarawan ng Dios, na dahil dito'y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init?
13 Nguni't, ayon sa kaniyang pangako, ay (CO)naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, (CP)na tinatahanan ng katuwiran.
14 (CQ)Kaya nga, mga minamahal, yamang kayo'y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito, ay pagsikapan ninyong (CR)masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya.
15 At (CS)inyong ariin na ang pagpapahinuhod ng ating Panginoon ay pagliligtas; na gaya rin naman ni Pablo, na ating minamahal na kapatid, na ayon sa karunungang ibinigay sa kaniya, ay sinulatan kayo;
16 Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat, (CT)na doo'y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo'y may ilang bagay na mahirap unawain, na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga, na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan, sa ikapapahamak din nila.
17 Kaya nga, mga minamahal, yamang (CU)nalalaman na ninyo nang una ang mga bagay na ito, ay magsipagingat kayo, baka kung mangaligaw kayo (CV)sa pamamagitan ng kamalian ng masasama, ay mangahulog kayo sa inyong sariling katiyagaan.
18 Datapuwa't magsilago kayo (CW)sa biyaya at sa pagkakilala (CX)sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. (CY)Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian ngayon at magpakailan man. Siya nawa.
1 Si Judas, na (A)alipin ni Jesucristo, at kapatid ni (B)Santiago, sa mga (C)tinawag, na minamahal sa Dios Ama, at (D)iniingatang para kay Jesucristo:
2 Kaawaan at (E)kapayapaan at pagibig ang sa inyo nawa'y paramihin.
3 Mga minamahal, samantalang ako'y totoong nagsisikap ng pagsulat sa inyo (F)tungkol sa kaligtasan nating lahat, ay napilitan akong sumulat sa inyo na inaaralan kayong (G)makipaglabang masikap dahil (H)sa pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal.
4 Sapagka't may ilang taong (I)nagsipasok ng lihim, yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, (J)na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios, na itinatatuwa ang ating iisang (K)Guro at Panginoong si Jesucristo.
5 Ninanasa ko ngang ipaalaala sa inyo, bagama't nalalaman ninyong maigi ang lahat ng mga bagay, na nang mailigtas (L)ng Panginoon ang isang bayan, sa lupain ng Egipto, ay (M)nilipol niya pagkatapos yaong mga hindi nagsisipanampalataya.
6 At (N)ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling (O)pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw.
7 Gayon din ang (P)Sodoma at Gomorra, at ang mga bayang nasa palibot ng mga ito, na dahil sa pagpapakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang (Q)laman, ay inilagay na pinakahalimbawa, na sila'y nagbabata (R)ng parusang apoy na walang hanggan.
8 Gayon ma'y ang mga ito rin naman sa kanilang pagkagupiling ay inihahawa ang laman, at hinahamak ang mga paghahari, at nilalait ang mga puno.
9 Datapuwa't (S)ang arkanghel (T)Miguel, nang makipaglaban sa diablo, na nakikipagtalo (U)tungkol sa katawan ni Moises, ay (V)hindi nangahas gumamit laban sa kaniya ng isang hatol na may pagalipusta, kundi sinabi, (W)Sawayin ka nawa ng Panginoon.
10 Datapuwa't (X)ang mga ito'y nangalipusta sa anomang bagay na hindi nila nalalaman: at sa mga bagay na talagang kanilang nauunawa, ay nangagpapakasira na gaya ng mga kinapal na walang bait.
11 Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilakad sa daan ni (Y)Cain, at nagsidaluhong na walang pagpipigil sa kamalian (Z)ni Balaam dahil sa upa, at nangapahamak sa pagsalangsang (AA)ni Core.
12 Ang mga ito'y pawang mga batong natatago (AB)sa inyong piging ng pagiibigan, kung sila'y nakikipagpiging sa inyo, mga pastor na walang takot na nangagpapasabsab sa kanilang sarili; (AC)mga alapaap na walang tubig, na (AD)tinatangay ng mga hangin; mga punong kahoy sa taginaw na walang bunga, na makalawang namatay, na binunot pati ugat;
13 Mga mabangis na alon sa dagat, na pinagbubula ang kanilang sariling kahihiyan; mga bituing gala na siyang pinaglaanan ng pusikit ng kadiliman magpakailan man.
14 At ang mga ito naman ang hinulaan ni Enoc, na (AE)ikapito sa bilang mula kay Adam, na nagsabi, Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga (AF)laksalaksang banal,
15 Upang isagawa ang paghuhukom sa lahat, at upang sumbatan ang lahat ng masasama sa lahat ng kanilang mga gawang masasama na kanilang ginawang may kasamaan, at sa lahat ng mga bagay na mabibigat (AG)na sinalita laban sa kaniya ng mga makasalanang masasama.
16 Ang mga ito'y mga mapagbulong, mga madaingin, na nangagsisilakad ayon sa kanilang masasamang pita (at ang (AH)kanilang bibig ay nangagsasalita ng mga kapalaluan), (AI)nangagpapakita ng galang sa mga tao dahil sa pakikinabangin.
17 Nguni't kayo, mga minamahal, (AJ)ay alalahanin ninyo ang mga salitang nang una'y sinabi ng mga apostol ng ating Panginoong Jesucristo;
18 Kung paanong sinabi sa inyo, (AK)Magkakaroon ng mga manunuya sa huling panahon, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita.
19 Ang mga ito (AL)ang nagsisigawa ng paghihiwalay, (AM)malalayaw, na (AN)walang taglay na Espiritu.
20 Nguni't kayo, mga minamahal, (AO)papagtibayin ninyo ang inyong sarili sa inyong lubhang banal na pananampalataya, (AP)na manalangin sa Espiritu Santo,
21 Na magsipanatili kayo sa pagibig sa Dios, (AQ)na inyong asahan ang awa ng ating Panginoong Jesucristo sa ikabubuhay na walang hanggan.
22 At (AR)ang ibang nagaalinlangan ay inyong kahabagan;
23 At ang (AS)iba'y inyong iligtas, (AT)na agawin ninyo sa apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati (AU)ng damit na nadungisan ng laman.
24 Ngayon doon sa makapagiingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo'y (AV)makapaghaharap na walang kapintasan na may malaking galak, sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian.
25 Sa (AW)iisang Dios na (AX)ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Panginoon, ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang paghahari, at ang kapangyarihan, sa kaunaunahang panahon, at ngayon at magpakailan man. Siya nawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978