Book of Common Prayer
Ang pagkamasuwayin ng Israel at ang mga pagliligtas ng Panginoon.
106 (A)Purihin ninyo ang Panginoon.
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti;
(B)Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 (C)Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon,
O makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan?
3 Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan,
At siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon.
4 (D)Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan;
Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas:
5 Upang makita ko ang kaginhawahan ng (E)iyong hirang,
Upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa,
Upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.
6 (F)Kami ay nangagkasala na kasama ng aming mga magulang,
Kami ay nangakagawa ng kasamaan, kami ay nagsigawa ng masama.
7 Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto;
Hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob,
(G)Kundi naging mapanghimagsik sa dagat, sa makatuwid baga'y sa Dagat na Mapula.
8 Gayon ma'y iniligtas niya sila (H)dahil sa (I)kaniyang pangalan,
(J)Upang kaniyang maipabatid ang kaniyang matibay na kapangyarihan.
9 Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula, at (K)natuyo:
Sa gayo'y (L)pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman, na parang ilang.
10 At (M)iniligtas niya sila sa kamay ng nangagtatanim sa kanila,
At (N)tinubos niya sila sa kamay ng kaaway.
11 (O)At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway:
Walang nalabi sa kanila kahit isa.
12 Nang magkagayo'y sinampalatayanan nila ang kaniyang mga salita;
Inawit nila ang kaniyang kapurihan.
13 (P)Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa;
Hindi sila naghintay sa kaniyang payo:
14 (Q)Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang,
At tinukso ang Dios sa ilang.
15 (R)At binigyan niya sila ng kanilang hiling;
Nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa.
16 (S)Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento,
At si Aaron na banal ng Panginoon.
17 (T)Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan,
At tinakpan ang pulutong ni Abiram.
18 (U)At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong;
Sinunog ng liyab ang mga masama,
19 (V)Sila'y nagsigawa ng guya (W)sa Horeb,
At nagsisamba sa larawang binubo.
20 Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian
Sa wangis ng baka na kumakain ng damo.
21 Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas,
Na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto;
22 Kagilagilalas na mga gawa (X)sa lupain ng Cham,
At kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula.
23 (Y)Kaya't sinabi niya, na kaniyang lilipulin sila,
Kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak,
Upang pawiin ang kaniyang poot, upang huwag niyang lipulin sila.
24 (Z)Oo, kanilang hinamak ang maligayang lupain,
(AA)Hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita;
25 Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda,
At hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon.
26 Kaya't kaniyang isinumpa sa kanila,
Na kaniyang ibubulid sila sa ilang:
27 At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa,
At pangalatin sila sa mga lupain.
28 (AB)Sila'y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor,
At nagsikain ng mga hain sa (AC)mga patay.
29 Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa;
At ang salot ay lumitaw sa kanila.
30 (AD)Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan:
At sa gayo'y tumigil ang salot.
31 At nabilang sa kaniya na katuwiran,
(AE)Sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man.
32 (AF)Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba,
Na anopa't naging masama kay Moises dahil sa kanila:
33 (AG)Sapagka't sila'y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa,
(AH)At siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi.
34 Hindi nila nilipol (AI)ang mga bayan,
Gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila;
35 (AJ)Kundi nangakihalo sa mga bansa,
At nangatuto ng kanilang mga gawa:
36 (AK)At sila'y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan;
Na naging silo sa kanila:
37 (AL)Oo, kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio,
38 At nagbubo ng walang salang dugo,
Sa makatuwid baga'y ng dugo ng kanilang mga anak na lalake at babae,
Na kanilang inihain sa diosdiosan ng Canaan;
At (AM)ang lupain ay nadumhan ng dugo.
39 Ganito sila nagpakahawa sa kanilang mga gawa,
At nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa.
40 Kaya't (AN)nagalab ang pagiinit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan,
At kinayamutan niya ang kaniyang pamana.
41 At ibinigay niya sila sa kamay ng mga bansa;
At silang nangagtatanim sa kanila ay nangagpuno sa kanila.
42 Pinighati naman (AO)sila ng kanilang mga kaaway,
At sila'y nagsisuko sa kanilang kamay.
43 (AP)Madalas na iligtas niya sila;
Nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo,
At nangababa sila sa kanilang kasamaan.
44 Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan,
Nang kaniyang marinig ang kanilang daing:
45 (AQ)At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan,
At nagsisi (AR)ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.
46 (AS)Ginawa naman niyang sila'y (AT)kaawaan
Niyaong lahat na nangagdalang bihag sa kanila.
47 (AU)Iligtas mo kami, Oh Panginoon naming Dios,
At (AV)pisanin mo kami na mula sa mga bansa,
Upang mangagpasalamat sa iyong banal na pangalan,
At mangagtagumpay sa iyong kapurihan.
48 (AW)Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel,
Mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan.
At sabihin ng buong bayan, Siya nawa.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang mga bansa ay hahatulan. Ang Juda ay ililigtas.
3 Sapagka't, narito, (A)sa mga kaarawang yaon, at sa panahong yaon, pagka aking ibabalik ang mangabihag sa Juda at Jerusalem.
2 (B)Aking pipisanin ang lahat na bansa, at aking ibababa sila (C)sa libis ni Josaphat; at ako'y makikipagtanggol sa kanila (D)roon dahil sa aking bayan at dahil sa aking manang Israel, na kanilang pinangalat sa mga bansa, at binahagi ang aking lupain,
9 Itanyag ninyo ito sa mga bansa: mangaghanda kayo ng digma; pasiglahin ninyo ang mga malakas na lalake; magsilapit ang lahat na lalaking mangdidigma, sila'y magsisampa.
10 Gawin ninyong mga (A)tabak ang inyong mga sudsod, at mga sibat ang inyong mga karit: magsabi ang mahina, Ako'y malakas.
11 Mangagmadali kayo, at magsiparito kayong lahat na bansa sa palibot, at magpipisan kayo: iyong pababain doon ang iyong mga makapangyarihan, Oh Panginoon.
12 Magpakasigla ang mga bansa, at magsisampa sa (B)libis ni Josaphat; sapagka't doo'y uupo ako upang (C)hatulan ang lahat na bansa sa palibot.
13 Gamitin ninyo ang karit; (D)sapagka't ang aanihin ay hinog na: kayo'y magsiparito, at magsiyapak; sapagka't (E)ang alilisan ng alak ay puno, ang kamalig ng alak ay inaapawan; sapagka't ang kanilang kasamaan ay malaki.
14 Mga karamihan, mga karamihan (F)sa libis ng pasiya! sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na sa libis ng pasiya.
15 (G)Ang araw at ang buwan ay nagdidilim, at pinipigil ng mga bituin ang kanilang kislap.
16 At ang Panginoo'y aangal mula sa Sion, at palalakasin ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at ang langit at ang lupa ay mangayayanig: nguni't ang Panginoon ay magiging kanlungan sa kaniyang bayan, at katibayan sa mga anak ni Israel.
17 (H)Sa gayo'y inyong malalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios, na tumatahan sa Sion, na aking banal na (I)bundok: kung magkagayo'y magiging banal ang Jerusalem, at hindi na daraan pa sa kaniya ang mga (J)taga ibang lupa.
1 Si Pedro, na apostol ni Jesucristo, sa mga hinirang na nangingibang bayan (A)na nasa Pangangalat sa Ponto, Galacia, Capadocia, Asia at Bitinia,
2 (B)Ayon (C)sa paunang kaalaman ng Dios Ama, sa pagpabanal ng Espiritu, upang magsitalima at (D)mangawisikan ng dugo ni Jesucristo: (E)Biyaya at kapayapaan nawa ang sa inyo'y sumagana.
3 Purihin nawa ang Dios (F)at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli (G)tayo sa isang buhay na pagasa (H)sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay,
4 Sa isang manang di nasisira, at walang dungis, at hindi kumukupas, (I)na inilaan sa langit para sa inyo,
5 Na sa kapangyarihan ng Dios (J)ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon.
6 Na ito ang inyong totoong ikinagagalak, bagama't (K)ngayo'y sa sangdaling panahon, (L)kung kailangan, ay pinalumbay kayo sa muli't muling pagsubok,
7 Upang (M)ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama't ito'y (N)sinusubok sa pamamagitan ng apoy, (O)ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal (P)sa pagpapakahayag ni Jesucristo:
8 Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; (Q)na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y (R)inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian:
9 (S)Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa.
10 Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi (T)ang mga propeta, na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo:
11 Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro (U)ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, (V)nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito.
12 Na ipinahayag sa kanila, na hindi sa ganang kanilang sarili, kundi sa ganang inyo, pinangasiwaan nila ang mga bagay na ito, na ngayo'y ibinalita sa inyo sa pamamagitan ng mga nagsipangaral sa inyo ng evangelio sa pamamagitan (W)ng Espiritu Santo na sinugo mula sa langit; na ang mga bagay na ito'y ninanasang mamasdan ng mga anghel.
19 At nangyari na nang (A)matapos ni Jesus ang mga salitang ito, ay umalis siya sa (B)Galilea at napasa (C)mga hangganan ng Judea sa dako pa roon ng Jordan;
2 At nagsisunod sa kaniya ang lubhang maraming tao, at sila'y pinagaling niya doon.
3 At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo, na siya'y tinutukso nila, at kanilang sinasabi, Naaayon baga sa kautusan na (D)ihiwalay ng isang lalake ang kaniyang asawa sa bawa't kadahilanan?
4 At siya'y sumagot at sinabi, Hindi baga ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula, ay sila'y nilalang niya na lalake at babae,
5 At sinabi, (E)Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay (F)magiging isang laman?
6 Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.
7 Sinabi nila sa kaniya, (G)Bakit nga ipinagutos ni Moises na magbigay ng kasulatan sa paghihiwalay, at ihiwalay ang babae?
8 Sinabi niya sa kanila, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay ipinaubaya sa inyo ni Moises na inyong hiwalayan ang inyong mga asawa: datapuwa't buhat sa pasimula ay hindi gayon.
9 At sinasabi ko sa inyo, Sinomang ihiwalay ang kaniyang asawang babae, liban na kung sa pakikiapid, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa babaing yaon na hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya.
10 Ang mga alagad ay nangagsasabi sa kaniya, Kung ganyan ang kalagayan ng lalake sa kaniyang asawa, ay hindi nararapat magasawa.
11 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, (H)Hindi matatanggap ng lahat ng mga tao ang pananalitang ito, kundi niyaong mga (I)pinagkalooban.
12 Sapagka't may mga bating, na ipinanganak na gayon mula sa tiyan ng kanilang mga ina: at may mga bating, na ginagawang bating ng mga tao: at (J)may mga bating, na nangagpapakabating sa kanilang sarili dahil sa kaharian ng langit. Ang makakatanggap nito, ay pabayaang tumanggap.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978