Book of Common Prayer
Pagpapasalamat sa pagliligtas ng Panginoon.
118 Oh mangagpasalamat kayo (A)sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 (B)Magsabi ngayon ang Israel,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
3 Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
4 Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
5 (C)Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon:
Sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako (D)sa maluwag na dako.
6 (E)Ang Panginoon ay kakampi ko; (F)hindi ako matatakot:
Anong magagawa ng tao sa akin?
7 (G)Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin:
(H)Kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin.
8 (I)Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon
Kay sa maglagak ng tiwala sa tao.
9 Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon
Kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo.
10 Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
11 Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
12 Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y (J)nangamatay na parang (K)apoy ng mga dawag:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
13 Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal:
Nguni't tulungan ako ng Panginoon.
14 Ang Panginoon ay (L)aking kalakasan at awit;
At siya'y naging aking kaligtasan.
15 Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid:
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
16 (M)Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi;
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
17 (N)Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay,
At (O)magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
18 (P)Pinarusahan akong mainam ng Panginoon;
Nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
19 (Q)Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran;
Aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
20 Ito'y siyang pintuan ng Panginoon;
(R)Papasukan ng matuwid.
21 Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako!
At ikaw ay naging aking kaligtasan.
22 (S)Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay
Ay naging pangulo sa sulok.
23 Ito ang gawa ng Panginoon:
Kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
24 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;
Tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
25 Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon:
Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.
26 (T)Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon:
Aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.
27 Ang Panginoon ay Dios, at (U)binigyan niya kami ng liwanag;
Talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila (V)sungay ng dambana.
28 Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo:
Ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.
29 (W)Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Ang Panginoon ay pinarangalan sa kaniyang kagalingan at kapangyarihan. (A)Awit na pagpuri; ni David.
145 Ibubunyi kita, Dios ko, Oh Hari;
At aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
2 Araw-araw ay pupurihin kita;
At aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
3 (B)Dakila ang Panginoon, at marapat na purihin;
At ang (C)kaniyang kadakilaan ay hindi masayod.
4 (D)Ang isang lahi ay pupuri ng iyong mga gawa sa isa.
At ipahahayag ang iyong mga makapangyarihang gawa.
5 Sa maluwalhating kamahalan ng iyong karangalan,
At sa iyong mga kagilagilalas na mga gawa, magbubulay ako.
6 At ang mga tao ay mangagsasalita ng kapangyarihan ng iyong kakilakilabot na mga gawa;
At aking ipahahayag ang iyong kadakilaan.
7 Kanilang sasambitin ang alaala sa iyong dakilang kabutihan,
At aawitin nila ang iyong katuwiran.
8 (E)Ang Panginoon ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan;
Banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob.
9 (F)Ang Panginoon ay mabuti sa lahat;
At ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa.
10 (G)Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon;
(H)At pupurihin ka ng iyong mga banal.
11 Sila'y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian,
At mangungusap ng iyong kapangyarihan;
12 (I)Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa,
At ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian.
13 (J)Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian,
At ang kapangyarihan mo'y sa lahat ng sali't saling lahi.
14 (K)Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal,
At itinatayo yaong nangasusubasob.
15 (L)Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo;
At iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon.
16 Iyong binubuksan ang iyong kamay,
At sinasapatan mo ang nasa ng bawa't bagay na may buhay.
17 (M)Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan,
At mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa.
18 (N)Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya,
Sa lahat na nagsisitawag sa kaniya (O)sa katotohanan.
19 Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya;
Kaniya ring didinggin ang kanilang daing, at ililigtas sila.
20 (P)Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya;
Nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya.
21 Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon;
(Q)At purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man.
19 Sa araw na yaon ay (A)magkakaroon ng isang dambana sa Panginoon (B)sa gitna ng lupain ng Egipto, at isang haligi sa hangganan niyaon sa Panginoon.
20 (C)At magiging pinakatanda at pinakasaksi sa Panginoon ng mga hukbo sa lupain ng Egipto: sapagka't sila'y magsisidaing sa Panginoon dahil sa mga mamimighati, at magsusugo siya sa kanila ng isang tagapagligtas, at isang tagapagsanggalang, at kaniyang ililigtas sila.
21 At ang Panginoon ay makikilala sa Egipto, at makikilala ng mga Egipcio ang Panginoon sa araw na yaon; oo, (D)sila'y magsisisamba na may hain at alay, at magsisipanata ng panata sa Panginoon, at tutuparin.
22 At sasaktan ng Panginoon ang Egipto, na nananakit at magpapagaling; at sila'y manunumbalik sa Panginoon, at siya'y madadalanginan nila, at pagagalingin niya sila.
23 Sa araw na yaon ay (E)magkakaroon ng lansangan mula sa Egipto hanggang sa Asiria, at ang mga taga Asiria ay magsisipasok sa Egipto, at ang mga Egipcio ay sa Asiria, at ang mga Egipcio ay magsisisambang kasama ng mga taga Asiria.
24 Sa araw na yao'y magiging pangatlo ang Israel sa Egipto at sa Asiria, na pagpapala sa gitna ng lupain:
25 Sapagka't pinagpala sila ng Panginoon ng mga hukbo, na sinasabi, Pagpalain ang bayan kong Egipto, (F)at ang Asiria na gawa ng aking mga kamay, at ang Israel na (G)aking mana.
5 Loobin nawa ng Dios ng pagtitiis at paggiliw, (A)na kayo ay magkaisa ng pagiisip sa isa't isa ayon kay Cristo Jesus:
6 Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo (B)ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo.
7 Sa ganito'y (C)mangagtanggapan kayo, gaya naman ni Cristo na tinanggap kayo sa kaluwalhatian ng Dios.
8 Sapagka't sinasabi ko na (D)si Cristo ay ginawang ministro ng pagtutuli dahil sa katotohanan ng Dios, (E)upang kaniyang mapagtibay ang mga pangakong ibinigay sa mga magulang,
9 At upang ang mga Gentil ay makaluwalhati sa Dios dahil sa kaniyang kahabagan; gaya ng nasusulat,
(F)Kaya nga't ikaw ay aking pupurihin sa gitna ng mga Gentil.
At aawit ako sa iyong pangalan.
10 At muling sinasabi niya,
(G)Makigalak kayo, kayong mga Gentil, sa kaniyang bayan.
11 At muli,
(H)Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga Gentil;
At purihin siya ng lahat ng mga bayan.
12 At muli, sinasabi ni Isaias,
(I)Magkakaroon ng ugat kay Jesse,
At siya'y lilitaw upang maghari sa mga Gentil;
Ay sa kaniya magsisiasa ang mga Gentil.
13 Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
11 At samantalang pinakikinggan nila ang mga bagay na ito, ay dinugtungan niya at sinalita ang isang talinghaga, sapagka't siya'y malapit na sa Jerusalem, at sapagka't (A)kanilang inakala na pagdaka'y mahahayag ang kaharian ng Dios.
12 Sinabi nga niya, (B)Isang mahal na tao ay naparoon sa isang malayong lupain, upang tumanggap ng isang kaharian na ukol sa kaniyang sarili, at magbalik.
13 At tinawag niya ang sangpu sa kaniyang mga alipin at binigyan sila ng sangpung mina, at sinabi sa kanila, Ipangalakal ninyo ito hanggang sa ako'y dumating.
14 Datapuwa't kinapopootan siya ng kaniyang mga mamamayan, at ipinahabol siya sa isang sugo, na nagsasabi, Ayaw kami na ang taong ito'y maghari pa sa amin.
15 At nangyari, na nang siya'y muling magbalik, nang matanggap na ang kaharian, ay ipinatawag niya sa kaniyang harapan ang mga aliping yaon, na binigyan niya (C)ng salapi, upang maalaman niya kung gaano ang kanilang tinubo sa pangangalakal.
16 At dumating sa harapan niya ang una, na nagsasabi, Panginoon, nagtubo ang iyong mina ng sangpung mina pa.
17 At sinabi niya sa kaniya, Mabuting gawa, ikaw na mabuting alipin: sapagka't nagtapat ka (D)sa kakaunti, magkaroon ka ng kapamahalaan sa sangpung bayan.
18 At dumating ang ikalawa, na nagsasabi, Panginoon, nagtubo ang iyong mina ng limang mina.
19 At sinabi niya sa kaniya, Magkaroon ka naman ng kapamahalaan sa limang bayan.
20 At dumating ang iba pa, na nagsasabi, Panginoon, narito ang iyong mina, na aking itinago sa isang panyo:
21 Dahil sa ako'y natakot sa iyo, sapagka't ikaw ay taong mabagsik kinukuha mo ang hindi mo inilagay, at ginagapas mo ang hindi mo inihasik.
22 Sinabi niya sa kaniya, Sa sariling bibig mo kita hinahatulan ikaw na masamang alipin. Nalalaman mo na ako'y taong mabagsik, na kumukuha ng hindi ko inilagay, at gumagapas ng hindi ko inihasik;
23 Kung gayon, bakit hindi mo inilagay ang salapi ko sa bangko, at nang sa aking pagbalik ay mahingi ko yaon pati ng tinubo?
24 At sinabi niya sa mga nahaharap, Alisin ninyo sa kaniya ang mina, at ibigay ninyo sa may sangpung mina.
25 At sinabi nila sa kaniya, Panginoon, siya'y mayroong sangpung mina.
26 Sinasabi ko sa inyo, (E)na bibigyan ang bawa't mayroon; datapuwa't ang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin sa kaniya.
27 Datapuwa't itong aking mga kaaway, na ayaw na ako'y maghari sa kanila, ay dalhin ninyo rito, at patayin ninyo sila sa harapan ko.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978