Book of Common Prayer
MEM.
97 (A)Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan!
Siya kong gunita buong araw.
98 Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway (B)ng iyong mga utos;
Sapagka't mga laging sumasa akin.
99 Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin;
(C)Sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko.
100 Ako'y nakakaunawa na (D)higit kay sa may katandaan,
Sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
101 Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad,
Upang aking masunod ang salita mo.
102 Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan;
Sapagka't iyong tinuruan ako.
103 (E)Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa!
Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!
104 Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa:
Kaya't aking (F)ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.
NUN.
105 (G)Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa,
At liwanag sa aking landas.
106 (H)Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko,
Na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.
107 Ako'y nagdadalamhating mainam:
(I)Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
108 Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, (J)ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon,
At ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.
109 Ang kaluluwa ko'y (K)laging nasa aking kamay;
Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo.
110 Ipinaglagay ako ng silo ng masama;
Gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin.
111 Ang mga patotoo mo'y inari kong (L)pinakamana magpakailan man;
Sapagka't (M)sila ang kagalakan ng aking puso.
112 Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo,
Magpakailan man, sa makatuwid baga'y (N)hanggang sa wakas.
SAMECH.
113 Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip;
Nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko.
114 Ikaw ang (O)kublihan kong dako at (P)kalasag ko:
Ako'y umaasa (Q)sa iyong salita.
115 (R)Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan;
Upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios.
116 Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang ako'y mabuhay;
(S)At huwag mo akong hiyain (T)sa aking pagasa.
117 Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas,
At magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan.
118 (U)Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan;
Sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan.
119 Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal;
(V)Kaya't iniibig ko ang mga patotoo mo.
120 (W)Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo;
At ako'y takot sa iyong mga kahatulan.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni Asaph.
81 Magsiawit kayo ng malakas sa Dios na ating kalakasan:
(A)Mangagkaingay kayo na may kagalakan sa Dios ni Jacob,
2 Magsiawit kayo at dalhin ninyo rito ang pandereta,
Ang masayang alpa sangpu ng salterio.
3 Magsihihip kayo ng (B)pakakak (C)sa bagong buwan,
Sa kabilugan ng buwan, sa ating dakilang kapistahan.
4 Sapagka't pinakapalatuntunan sa Israel,
Ayos ng Dios ni Jacob.
5 Kaniyang inilagay na pinakapatotoo (D)sa Jose,
(E)Nang siya'y lumabas na maglakbay sa lupain ng Egipto:
(F)Na aking kinaringgan ng wika na di ko nauunawa.
6 (G)Aking inihiwalay ang kaniyang balikat sa pasan:
Ang mga kamay niya'y napabitiw sa luwelang.
7 Ikaw ay tumawag (H)sa kabagabagan, at iniligtas kita;
(I)Sinagot kita sa lihim na dako ng kulog;
(J)Sinubok kita sa tubig ng Meriba. (Selah)
8 Dinggin mo, Oh bayan ko, at ako'y sasaksi sa iyo:
Oh Israel, kung ikaw ay makikinig sa akin!
9 (K)Hindi magkakaroon ng ibang dios sa iyo;
At hindi ka man sasamba sa anomang ibang dios.
10 (L)Ako ang Panginoon mong Dios,
Na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Egipto:
(M)Bukhin mong maluwang ang iyong bibig, at aking pupunuin.
11 Nguni't hindi nakinig sa aking tinig ang bayan ko;
At (N)hindi ako sinunod ng Israel.
12 (O)Sa gayo'y aking pinasunod sa pagmamatigas ng kanilang puso,
Upang sila'y makalakad sa kanilang sariling mga payo.
13 (P)Oh kung ako'y didinggin ng aking bayan,
Kung ang Israel ay lalakad sa aking mga daan!
14 Aking pasusukuing madali ang kanilang mga kaaway,
At ibabalik ko ang aking kamay laban sa kanilang mga kaaway.
15 (Q)Ang mga mapagtanim sa Panginoon ay magsisisuko sa kaniya:
Nguni't ang kanilang panahon ay mananatili kailan man,
16 Kaniya ring pakakanin sila ng katabaan ng trigo:
(R)At ng pulot na mula sa bato ay bubusugin kita.
Awit ni Asaph.
82 Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios;
Siya'y humahatol sa gitna ng mga dios.
2 Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan,
At (S)magsisigalang sa mga pagkatao (T)ng masama? (Selah)
3 Hatulan mo ang dukha at ulila:
Gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili.
4 Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan:
Iligtas ninyo sila sa kamay ng masama,
5 Hindi nila nalalaman, ni nauunawa man;
(U)Sila'y nagsisilakad na paroo't parito sa kadiliman:
(V)Lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos.
6 (W)Aking sinabi, Kayo'y mga dios,
At kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.
7 Gayon ma'y mangamamatay kayong (X)parang mga tao,
At mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo.
8 Bumangon ka, O Dios, hatulan mo ang lupa:
(Y)Sapagka't iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa.
73 Sa gayo'y ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga mangaawit, at ang iba sa bayan, at ang mga Nethineo, at ang buong Israel, ay nagsitahan sa kanilang mga bayan. (A)At nang dumating ang ikapitong buwan ang mga anak ni Israel ay nangasa kanilang mga bayan.
Ang kautusan ay binasa ni Ezra sa harap ng mga tao.
8 At ang (B)buong bayan ay nagpipisan na parang isang lalake sa luwal na dako na nasa harap ng (C)pintuang-bayan ng tubig; at sila'y nangagsalita kay Ezra na (D)kalihim, na dalhin ang aklat ng kautusan ni Moises, na iniutos ng Panginoon sa Israel.
2 At dinala ni Ezra na saserdote ang aklat ng kautusan sa harap ng kapisanan, na mga lalake at mga babae, at lahat na makadidinig na may kaalaman nang unang araw ng ikapitong buwan.
3 At binasa niya roon sa harap ng luwal na dako na nasa harap ng pintuang-bayan ng tubig, mula sa madaling araw hanggang sa katanghaliang tapat sa harapan ng mga lalake at mga babae, at ng makakaalam: at ang mga pakinig ng buong bayan ay nakikinig sa aklat ng kautusan.
5 At binuksan ni Ezra ang aklat sa paningin ng buong bayan; (sapagka't siya'y nasa mataas sa buong bayan;) at nang kaniyang buksan, ang buong bayan ay tumayo:
6 At si Ezra ay pumuri sa Panginoon, na dakilang Dios. At ang buong bayan ay sumagot: (A)Siya nawa, Siya nawa, na may pagtataas ng kanilang mga kamay: at kanilang iniyukod ang kanilang mga ulo, at nagsisamba sa Panginoon na ang kanilang mga mukha'y nakatungo sa lupa.
7 Si Jesua naman, at si Bani, at si Serebias, at si Jamin, si Accub, si Sabethai, si Odias, si Maasias, si Celita, si Azarias, si Jozabed, si Hanan, si Pelaia, at ang mga Levita, ay (B)nangagpakilala sa bayan ng kautusan; at ang bayan ay nakatayo sa kanilang dako.
8 At sila'y nagsibasa sa aklat, sa kautusan ng Dios, na maliwanag; at kanilang ibinigay ang kahulugan, na anopa't kanilang nabatid ang binasa.
9 At si Nehemias na siyang (C)tagapamahala, at si Ezra na saserdote na kalihim, at ang mga Levita (D)na nangagturo sa bayan, ay nangagsabi sa buong bayan: Ang araw na ito ay banal sa Panginoon ninyong Dios; huwag kayong magsitaghoy, ni magsiiyak man. Sapagka't ang buong bayan ay umiyak, nang kanilang marinig ang mga salita ng kautusan.
10 Nang magkagayo'y kaniyang sinabi sa kanila, Magsilakad kayo ng inyong lakad, magsikain kayo ng taba, at magsiinom kayo ng matamis; at mangagpadala kayo ng mga bahagi roon sa walang naihanda: sapagka't ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon: huwag din kayong mangamanglaw; sapagka't ang kagalakan sa Panginoon ay inyong kalakasan.
11 Sa gayo'y napatahimik ng mga Levita ang buong bayan, na sinasabi, Kayo'y magsitahimik, sapagka't ang kaarawan ay banal; ni huwag man kayong mamanglaw.
12 At ang buong bayan ay yumaon ng kanilang lakad na nagsikain at nagsiinom at nangagpadala ng mga bahagi, at nangagsayang mainam sapagka't kanilang (E)nabatid ang mga salita na ipinahayag sa kanila.
Ang pista ng mga balag ay ginanap.
13 At nang ikalawang araw ay nagpipisan ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng buong bayan, ang mga saserdote, at ang mga Levita, kay Ezra na kalihim, upang makinig sa mga salita ng kautusan.
14 At kanilang nasumpungang nakasulat sa kautusan, kung paanong iniutos ng Panginoon, sa pamamagitan ni Moises, na ang mga anak ni Israel ay magsitahan sa mga balag (F)sa kapistahan ng ikapitong buwan:
15 At kanilang ihahayag at itatanyag sa lahat ng kanilang mga bayan, at sa Jerusalem, na sasabihin: (G)Magsilabas kayo sa bundok, at magsikuha kayo ng mga sanga ng olibo, at ng mga sanga ng olibong gubat, at ng mga sanga ng mirto, at mga sanga ng palma, at mga sanga ng mga mayabong na punong kahoy, upang magsigawa ng mga balag, gaya ng nakasulat.
16 Sa gayo'y lumabas ang bayan, at nangagdala sila, at nagsigawa ng mga balag, bawa't isa'y sa (H)bubungan ng kaniyang bahay, at sa kanilang mga looban, at sa mga looban ng bahay ng Dios, at sa (I)luwal na dako ng pintuang-bayan ng tubig, (J)at sa luwal na dako ng pintuang-bayan ng Ephraim.
17 At ang buong kapisanan nila na bumalik na mula sa pagkabihag ay gumawa ng mga balag, at tumahan sa mga balag: sapagka't mula ng mga araw ni Josue na anak ni Nun hanggang sa araw na yaon ay (K)hindi nagsigawa ang mga anak ni Israel ng gayon. At nagkaroon ng totoong malaking kasayahan.
18 Gayon din naman araw-araw, mula sa unang araw hanggang sa huling araw, kaniyang binasa ang (L)aklat ng kautusan ng Dios. At kanilang ipinagdiwang ang kapistahan na pitong araw; at sa ikawalong araw ay takdang kapulungan, ayon sa ayos.
21 (A)At dinampot ng isang anghel na malakas ang isang bato, na gaya ng isang malaking gilingang bato, at inihagis sa dagat, na sinasabi, (B)Gayon sa isang kakilakilabot na pagkahulog, igigiba ang Babilonia, ang dakilang bayan, at hindi na masusumpungan pa.
22 At (C)ang tinig ng mga manunugtog ng alpa, at ng mga (D)musiko at ng mga manunugtog ng plauta, at ng mga manunugtog ng pakakak ay hindi na maririnig pa sa iyo; at wala nang manggagawa ng anomang gawa ay masusumpungan pa sa iyo; (E)at ang ugong ng gilingan ay hindi na maririnig pa sa iyo;
23 At ang ilaw ng ilawan ay hindi na liliwanag pa sa iyo, (F)at ang tinig ng kasintahang lalake at ng kasintahang babae ay hindi na maririnig pa sa iyo; sapagka't (G)ang mga mangangalakal mo ay naging mga pangulo sa lupa; (H)sapagka't dinaya ng iyong panggagaway ang lahat ng mga bansa.
24 At nasumpungan (I)sa kaniya ang dugo ng mga propeta, at ng mga banal, at ng lahat ng mga (J)pinatay sa lupa.
29 At umalis si Jesus doon, at (A)naparoon sa tabi ng dagat ng Galilea; at umahon sa bundok, at naupo doon.
30 At lumapit sa kaniya ang lubhang maraming tao, na may mga pilay, mga bulag, mga pipi, mga pingkaw, at iba pang marami, at sila'y kanilang inilagay sa kaniyang mga paanan; at sila'y pinagaling niya:
31 Ano pa't nangagtaka ang karamihan, nang mangakita nilang nangagsasalita ang mga pipi, nagsisigaling ang mga pingkaw, at nagsisilakad ang mga pilay, at nangakakakita ang mga bulag: at kanilang niluwalhati ang Dios ng Israel.
32 At pinalapit ni (B)Jesus sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi, (C)Nahahabag ako sa karamihan, sapagka't tatlong araw nang sila'y nagsisipanatili sa akin at wala silang makain: at di ko ibig na sila'y paalising nangagaayuno, baka sila'y manganglupaypay sa daan.
33 At sa kaniya'y sinabi ng mga alagad, Saan tayo mangakakakuha rito sa ilang ng sapat na daming tinapay na makabubusog sa ganyang lubhang napakaraming tao?
34 At sinabi ni Jesus sa kanila, Ilang tinapay mayroon kayo? At sinabi nila, Pito, at ilang maliliit na isda.
35 At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa;
36 At kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda; (D)at siya'y nagpasalamat at pinagputolputol, at ibinigay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan.
37 At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at pinulot nila ang lumabis sa mga pinagputolputol, na pitong bakol na puno.
38 At silang nagsikain ay apat na libong lalake, bukod ang mga babae at mga bata.
39 At (E)pinayaon niya ang mga karamihan at lumulan sa daong, at napasa mga hangganan ng (F)Magdala.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978