Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 120-127

Panalangin sa pagliligtas mula sa mga sucab. (A)Awit sa mga Pagsampa.

120 Sa aking kahirapan ay (B)dumaing ako sa Panginoon,
At sinagot niya ako.
Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi,
At mula sa magdarayang dila.
Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo,
Ikaw na magdarayang dila?
Mga hasang pana ng makapangyarihan,
At mga baga ng enebro.
Sa aba ko, na nakikipamayan sa (C)Mesech,
Na (D)tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar!
Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa
Na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan.
Ako'y sa kapayapaan:
Nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.

Ang Panginoon ang tagapagingat ng kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.

121 Ititingin ko ang aking mga mata sa (E)mga bundok;
Saan baga manggagaling ang aking saklolo?
(F)Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
(G)Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos:
Siyang nagiingat sa iyo, ay (H)hindi iidlip.
Narito, siyang nagiingat ng Israel
Hindi iidlip ni matutulog man.
Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo:
Ang Panginoon ay (I)lilim mo sa iyong kanan.
Hindi ka sasaktan (J)ng araw sa araw,
Ni ng buwan man sa gabi.
Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan;
Kaniyang (K)iingatan ang iyong kaluluwa.
(L)Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Panalangin para sa katiwasayan ng Jerusalem. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

122 Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin,
Tayo'y magsiparoon (M)sa bahay ng Panginoon.
Ang mga paa natin ay nagsisitayo
Sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem;
Jerusalem, na natayo
Na parang bayang (N)siksikan:
(O)Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon,
(P)Na pinaka patotoo sa Israel,
Upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.
(Q)Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan,
Ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.
(R)Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem:
Sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta,
At kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.
Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama,
Aking sasabihin ngayon,
(S)Kapayapaan ang sumaiyong loob.
Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios.
(T)Hahanapin ko ang iyong buti.

Ang panalangin na umaasa sa tulong ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.

123 Sa iyo'y (U)aking itinitingin ang mga mata ko,
Oh sa iyo (V)na nauupo sa mga langit.
Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon,
Kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae;
Gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios,
Hanggang sa siya'y maawa sa amin.
Maawa ka sa amin, Oh Panginoon, maawa ka sa amin:
Sapagka't kami ay lubhang lipos ng (W)kadustaan.
Ang aming kaluluwa'y lubhang lipos
(X)Ng duwahagi ng mga (Y)tiwasay.
At ng paghamak ng palalo.

Pagpuri dahil sa pagliligtas laban sa kaaway. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

124 (Z)Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,
(AA)Sabihin ng Israel ngayon,
Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,
Nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin:
Nilamon nga nila sana (AB)tayong buháy,
Nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin:
Tinabunan nga sana tayo (AC)ng tubig,
Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:
Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.
Purihin ang Panginoon,
Na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin.
(AD)Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli:
Ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.
(AE)Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon,
Na siyang gumawa ng langit at lupa.

Ang Panginoon ay laging sumasa kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.

125 Silang nagsisitiwala sa Panginoon
Ay parang bundok ng Sion, na hindi maaaring makilos, kundi nananatili magpakailan man.
Kung paanong ang mga bundok na nangasa palibot ng Jerusalem,
Gayon ang Panginoon sa palibot ng kaniyang bayan,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan man.
Sapagka't ang cetro ng kasamaan ay (AF)hindi bubuhatin sa (AG)mga matuwid;
Upang huwag iunat ng mga matuwid ang kanilang mga kamay sa kasamaan.
Gawan mo ng mabuti, Oh Panginoon, yaong mabubuti,
At yaong matutuwid sa kanilang mga puso.
Nguni't sa (AH)nagsisiliko sa kanilang mga likong lakad,
Ilalabas ng Panginoon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan.
(AI)Kapayapaan nawa ay suma Israel.

Pagpapasalamat dahil sa pagkakabalik mula sa pagkabihag. Awit sa mga Pagsampa

126 Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion,
(AJ)Tayo ay gaya niyaong nangananaginip.
(AK)Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa,
At ang dila natin ng awit:
Nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa,
Ginawan sila ng Panginoon ng mga (AL)dakilang bagay.
Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay;
Na siyang ating ikinatutuwa.
Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon,
Na gaya ng mga batis sa Timugan.
(AM)Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim;
Siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.

Ang pananagana ay nagmumula sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni Salomon.

127 Malibang itayo ng Panginoon ang bahay,
Walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo:
(AN)Malibang ingatan ng Panginoon ang bayan,
Walang kabuluhang gumigising ang bantay.
Walang kabuluhan sa inyo na kayo'y magsibangong maaga,
At magpahingang tanghali,
(AO)At magsikain ng tinapay ng kapagalan:
Sapagka't binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal.
(AP)Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon:
At ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala.
Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake,
Gayon ang mga anak ng kabataan.
Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon:
Sila'y hindi mapapahiya,
Pagka sila'y (AQ)nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa (AR)pintuang-bayan.

Nahum 1:1-13

Ang kabutihan at kabagsikan ng Panginoon.

(A)Ang hula tungkol sa (B)Ninive. Ang aklat tungkol sa pangitain ni Nahum na Elkoshita.

Ang Panginoon ay (C)mapanibughuing Dios at nanghihiganti; ang Panginoon ay nanghihiganti at puspos ng kapootan; ang Panginoon ay nanghihiganti sa kaniyang mga kaaway, at siya'y nagtataan ng kapootan sa kaniyang mga kaaway.

Ang Panginoon ay (D)banayad sa pagkagalit, at dakila sa kapangyarihan, at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin: ang daan ng Panginoon ay sa ipoipo at sa bagyo, at ang mga ulap ay siyang alabok ng kaniyang mga paa.

Kaniyang sinasaway (E)ang dagat, at tinutuyo, at tinutuyo ang lahat na ilog: ang Basan ay nanlalata, at ang Carmelo; at ang bulaklak ng Libano ay nalalanta.

Ang mga bundok ay nanginginig dahil sa kaniya, at ang mga burol ay nangatutunaw; at ang lupa'y lumilindol sa kaniyang harapan, oo, ang sanglibutan, at ang lahat na nagsisitahan dito.

Sino ang makatatayo sa harap ng kaniyang pagkagalit? at sino ang makatatahan sa kabangisan ng kaniyang galit? ang kaniyang kapusukan ay sumisigalbong parang apoy, at ang mga malaking bato ay nangatitibag niya.

Ang Panginoo'y mabuti, (F)katibayan sa kaarawan ng kabagabagan; at (G)nakikilala niya yaong nangaglalagak ng kanilang tiwala sa kaniya.

Nguni't sa pamamagitan ng manggugunaw na baha ay kaniyang lubos na wawakasan ang kaniyang dako, at hahabulin ang kaniyang mga kaaway sa kadiliman.

Ano ang inyong kinakatha laban sa Panginoon? siya'y gagawa ng lubos na kawakasan; ang pagdadalamhati ay hindi titindig na ikalawa.

10 Sapagka't yamang sila'y maging gaya ng mga salasalabat na tinik, at maging napakalasing na parang manglalasing, sila'y lubos na masusupok na (H)parang tuyong dayami.

11 May lumabas na isa sa iyo, na nagiisip ng kasamaan laban sa Panginoon, na pumapayo ng masama.

12 Ganito ang sabi ng Panginoon: Bagaman sila'y nangasa lubos na kalakasan, at totoong marami, gayon may sila'y nangalulugmok, at daraan siya. Bagaman pinagdalamhati kita, hindi na kita pagdadalamhatiin pa.

13 At ngayo'y (I)aking babaliin ang kaniyang pamatok na nasa iyo, at aking sisirain ang iyong mga paningkaw.

1 Pedro 1:13-25

13 Kaya't (A)inyong bigkisan ang mga baywang ng inyong pagiisip, (B)na maging mapagpigil kayo at inyong ilagak na lubos ang inyong pagasa sa biyayang (C)dadalhin sa inyo sa pagkahayag ni Jesucristo;

14 Na gaya ng mga anak na matalimahin, (D)na huwag kayong mangagasal na ayon sa inyong dating mga masasamang pita nang kayo'y na (E)sa kawalang kaalaman:

15 Nguni't yamang banal (F)ang sa inyo'y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan (G)ng pamumuhay;

16 Sapagka't nasusulat, (H)Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal.

17 At kung inyong tinatawagan, na Ama, siyang (I)walang itinatanging tao, na humahatol ayon sa gawa ng bawa't isa, ay gugulin ninyo sa (J)takot ang panahon ng inyong (K)pangingibang bayan:

18 Na inyong nalalamang (L)kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na (M)ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang;

19 Kundi ng mahalagang (N)dugo, gaya ng sa (O)korderong (P)walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo:

20 (Q)Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag (R)sa mga huling panahon dahil sa inyo,

21 Na sa pamamagitan niya ay nanganampalataya kayo sa Dios, (S)na sa kaniya'y bumuhay na maguli sa mga patay, at (T)sa kaniya'y nagbigay ng kaluwalhatian; upang ang inyong pananampalataya at pagasa ay mapasa Dios.

22 Yamang (U)nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan, (V)sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid, ay mangagibigan kayo ng (W)buong ningas ng inyong puso sa isa't isa:

23 (X)Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, (Y)sa pamamagitan (Z)ng salita ng Dios (AA)na nabubuhay at namamalagi.

24 Sapagka't,

(AB)Ang lahat ng laman ay gaya ng damo,
At ang lahat ng kaniyang karangalan ay gaya ng bulaklak ng damo.
Ang damo'y natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta:
25 (AC)Datapuwa't ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man.

At ito ang salita ng mabubuting balita na ipinangaral sa inyo.

Mateo 19:13-22

13 Nang magkagayon ay dinala (A)sa kaniya ang maliliit na bata, upang ipatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at ipanalangin: at sinaway sila ng mga alagad.

14 Datapuwa't sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin: sapagka't (B)sa mga ganito ang kaharian ng langit.

15 At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at umalis doon.

16 At narito, lumapit sa kaniya ang (C)isa, at nagsabi, (D)Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako'y magkaroon ng buhay na walang hanggan?

17 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa't (E)kung ibig mong pumasok sa buhay, ingatan mo ang mga utos.

18 Sinabi niya sa kaniya, Alin-alin? At sinabi ni Jesus, (F)Huwag kang papatay, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang magnanakaw, Huwag sasaksi sa di katotohanan,

19 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, (G)Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

20 Sinabi sa kaniya ng binata, Ang lahat ng mga bagay na ito ay ginanap ko: ano pa ang kulang sa akin?

21 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung ibig mong maging (H)sakdal, (I)humayo ka, ipagbili mo ang tinatangkilik mo, at ibigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin.

22 Datapuwa't nang marinig ng binata ang ganitong pananalita, ay yumaon siyang namamanglaw; sapagka't siya'y isang may maraming pagaari.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978