Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 147

Pagpupuri dahil sa muling pagkakatayo ng Jerusalem at kasaganaan.

147 Purihin ninyo ang Panginoon; Sapagka't (A)mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios;
(B)Sapagka't maligaya, at ang pagpuri (C)ay nakalulugod.
(D)Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem;
Kaniyang pinipisan ang mga (E)natapon na Israel.
(F)Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso,
At tinatalian niya ang kanilang mga sugat.
(G)Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin;
Siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.
Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan;
Ang kaniyang unawa ay walang hanggan,
(H)Inaalalayan ng Panginoon ang maamo:
Kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.
Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat;
Magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:
(I)Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap.
Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa,
na nagpapatubo ng damo sa mga bundok.
(J)Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain.
At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing.
10 (K)Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo:
Siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao.
11 Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob.
12 Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem;
Purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion.
13 Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan;
Kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo.
14 (L)Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan;
(M)Kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
15 Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa;
Ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.
16 (N)Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa;
Siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo.
17 Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo:
Sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon?
18 (O)Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw:
Kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos.
19 (P)Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob,
(Q)Ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel.
20 (R)Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa:
At tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Deuteronomio 26:1-11

Ang paghahandog ng unang bunga.

26 At mangyayari, pagka nakapasok ka sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana, at iyong inaari, at iyong tinatahanan;

(A)Na iyong kukunin ang mga una sa lahat ng bunga ng lupain, na iyong mga pipitasin sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios: at iyong isisilid sa isang buslo, (B)at ikaw ay paroroon sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios, na patatahanan sa kaniyang pangalan:

At paroroon ka sa saserdote sa mga araw na yaon, at sasabihin mo sa kaniya, Aking ipinahahayag sa araw na ito sa Panginoon mong Dios, na ako'y nasok sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa aming mga magulang, upang ibigay sa amin.

At kukunin ng saserdote ang buslo sa iyong kamay at ilalagay sa harap ng dambana ng Panginoon mong Dios.

At ikaw ay sasagot, at magsasabi sa harap ng Panginoon mong Dios, (C)Isang taga Siria na (D)kamunti nang mamatay ang aking ama; siyang bumaba sa Egipto, at nakipamayan doon, na (E)kaunti sa bilang; at doo'y naging isang bansang malaki, makapangyarihan, at makapal:

At kami ay tinampalasan ng (F)mga taga Egipto, at pinighati kami at inatangan kami ng isang mabigat na pagkaalipin:

At (G)kami ay dumaing sa Panginoon, sa Dios ng aming mga magulang at dininig ng Panginoon ang aming tinig, at nakita ang aming kadalamhatian, at ang aming gawa, at ang aming kapighatian;

At (H)inilabas kami ng Panginoon sa Egipto ng kamay na makapangyarihan, at ng unat na bisig, at ng malaking kakilabutan, at ng mga tanda, at ng mga kababalaghan:

At kaniyang dinala kami sa lupaing ito, at ibinigay sa amin ang (I)lupaing binubukalan ng gatas at pulot.

10 At ngayon, narito, aking dala ang mga una sa bunga ng lupa, na ibinigay mo sa akin, Oh Panginoon. At iyong ilalapag sa harap ng Panginoon mong Dios, at sasamba ka sa harap ng Panginoon mong Dios:

11 At (J)magagalak ka sa lahat ng magaling na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, at sa iyong sangbahayan, ikaw, at ang Levita, at ang taga ibang lupa na nasa gitna mo.

Juan 6:26-35

26 Sinagot sila ni Jesus at sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako'y inyong hinahanap, hindi dahil sa inyong nangakitang mga tanda, kundi dahil sa kayo'y nagsikain ng tinapay, at kayo'y nangabusog.

27 Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis, kundi dahil sa pagkaing tumatagal (A)sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao: (B)sapagka't siyang tinatakan ng Ama, sa makatuwid baga'y ang Dios.

28 Sinabi nga nila sa kaniya, (C)Ano ang kinakailangan naming gawin, upang aming magawa ang mga gawa ng Dios?

29 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Ito ang gawa ng Dios, na inyong sampalatayanan yaong kaniyang sinugo.

30 Sinabi nga nila sa kaniya, Ano nga ang inyong ginagawa na pinakatanda, upang aming makita, at sampalatayanan ka namin? ano ang ginagawa mo?

31 Nagsikain ang aming mga magulang ng mana sa ilang; gaya ng nasusulat, (D)Tinapay na galing sa langit ang sa kanila'y kaniyang ipinakain.

32 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na galing sa langit; kundi ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay na galing sa langit.

33 Sapagka't ang tinapay ng Dios ay yaong bumababang mula sa langit, at nagbibigay buhay sa sanglibutan.

34 Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, (E)Panginoon, bigyan mo kaming palagi ng tinapay na ito.

35 Sa kanila'y sinabi ni Jesus, Ako (F)ang tinapay ng kabuhayan: (G)ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin kailan ma'y hindi mauuhaw.

Mga Awit 145

Ang Panginoon ay pinarangalan sa kaniyang kagalingan at kapangyarihan. (A)Awit na pagpuri; ni David.

145 Ibubunyi kita, Dios ko, Oh Hari;
At aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
Araw-araw ay pupurihin kita;
At aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
(B)Dakila ang Panginoon, at marapat na purihin;
At ang (C)kaniyang kadakilaan ay hindi masayod.
(D)Ang isang lahi ay pupuri ng iyong mga gawa sa isa.
At ipahahayag ang iyong mga makapangyarihang gawa.
Sa maluwalhating kamahalan ng iyong karangalan,
At sa iyong mga kagilagilalas na mga gawa, magbubulay ako.
At ang mga tao ay mangagsasalita ng kapangyarihan ng iyong kakilakilabot na mga gawa;
At aking ipahahayag ang iyong kadakilaan.
Kanilang sasambitin ang alaala sa iyong dakilang kabutihan,
At aawitin nila ang iyong katuwiran.
(E)Ang Panginoon ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan;
Banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob.
(F)Ang Panginoon ay mabuti sa lahat;
At ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa.
10 (G)Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon;
(H)At pupurihin ka ng iyong mga banal.
11 Sila'y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian,
At mangungusap ng iyong kapangyarihan;
12 (I)Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa,
At ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian.
13 (J)Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian,
At ang kapangyarihan mo'y sa lahat ng sali't saling lahi.
14 (K)Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal,
At itinatayo yaong nangasusubasob.
15 (L)Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo;
At iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon.
16 Iyong binubuksan ang iyong kamay,
At sinasapatan mo ang nasa ng bawa't bagay na may buhay.
17 (M)Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan,
At mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa.
18 (N)Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya,
Sa lahat na nagsisitawag sa kaniya (O)sa katotohanan.
19 Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya;
Kaniya ring didinggin ang kanilang daing, at ililigtas sila.
20 (P)Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya;
Nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya.
21 Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon;
(Q)At purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man.

1 Tesalonica 5:12-24

12 Datapuwa't ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, (A)na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo, at (B)nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo;

13 At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. (C)Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan.

14 At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mga mahihinang-loob, (D)alalayan ang mga mahihina, (E)at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat.

15 (F)Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat.

16 (G)Mangagalak kayong lagi;

17 Magsipanalangin kayong (H)walang patid;

18 Sa lahat ng mga bagay ay (I)magpasalamat kayo; sapagka't ito (J)ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.

19 Huwag ninyong patayin (K)ang ningas ng Espiritu;

20 Huwag ninyong hamakin (L)ang mga panghuhula;

21 Subukin ninyo ang (M)lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;

22 Layuan ninyo ang (N)bawa't anyo ng masama.

23 At pakabanalin (O)kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong (P)espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan (Q)sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.

24 (R)Tapat yaong sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978