Book of Common Prayer
Mga kalungkutan ng mga bihag sa Babilonia.
137 Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia,
Doo'y nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo,
Nang ating maalaala ang Sion.
2 Sa mga punong sauce sa gitna niyaon
Ating ibinitin ang ating mga alpa.
3 Sapagka't doo'y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit,
At silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan, na nangagsasabi:
Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion.
4 (A)Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon
Sa ibang lupain?
5 Kung kalimutan kita, Oh Jerusalem,
Kalimutan nawa ng aking kanan ang kaniyang kasanayan.
6 Dumikit nawa ang (B)aking dila sa ngalangala ng aking bibig,
Kung hindi kita alalahanin;
Kung hindi ko piliin ang Jerusalem
Ng higit sa aking pinakapangulong kagalakan.
7 Alalahanin mo Oh Panginoon, laban (C)sa mga anak ni Edom
Ang kaarawan ng Jerusalem;
Na nagsabi, Sirain, sirain,
Pati ng patibayan niyaon.
8 Oh anak na babae ng Babilonia, na (D)sira;
Magiging mapalad siya, (E)na gumaganti sa iyo
Na gaya ng iyong ginawa sa amin.
9 Magiging mapalad siya, na kukuha at maghahagis sa iyong mga bata
Sa malaking bato.
Panalangin sa pagsagip. Masayang bayan ay inilahad. Awit ni David.
144 Purihin ang Panginoon na (A)aking malaking bato,
Na tinuturuan ang mga kamay ko na makipagdigma,
At ang mga daliri ko na magsilaban:
2 Aking kagandahang-loob, at (B)aking katibayan,
Aking matayog na moog, at aking tagapagligtas;
Aking kalasag, at siya na doon ako nanganganlong;
(C)Na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin.
3 (D)Panginoon, ano ang tao, upang iyong kilalanin siya?
O ang anak ng tao, upang iyong pahalagahan siya?
4 (E)Ang tao ay parang walang kabuluhan:
Ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam.
5 Ikiling mo ang iyong mga langit, (F)Oh Panginoon, at bumaba ka:
(G)Hipuin mo ang mga bundok, at magsisiusok.
6 (H)Maghagis ka ng kidlat, at pangalatin mo sila;
Suguin mo ang iyong mga pana, at lituhin mo sila,
7 (I)Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas;
(J)Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa malaking tubig,
Sa kamay ng (K)mga taga ibang lupa;
8 Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan,
At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
9 Ako'y aawit ng bagong awit sa iyo, (L)Oh Dios:
Sa salterio na may sangpung kawad ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
10 Siya ang nagbibigay ng kaligtasan sa mga hari:
Na siyang nagligtas kay David na kaniyang lingkod sa manunugat na tabak.
11 Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa kamay ng mga taga ibang lupa.
Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan,
At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
12 Pagka ang aming mga anak na lalake ay magiging (M)parang mga pananim na lumaki sa kanilang kabataan;
At ang aming mga anak na babae ay parang mga panulok na bato na inanyuan ayon sa anyo ng isang palasio.
13 Pagka ang mga kamalig namin ay puno, na may sarisaring bagay;
At ang mga tupa namin ay nanganganak ng mga libo at mga sangpung libo sa aming mga parang;
14 Pagka ang mga baka namin ay napapasanang mabuti;
Pagka walang salot, at sakuna,
At walang panaghoy sa aming mga lansangan;
15 (N)Maginhawa ang bayan, na nasa gayong kalagayan:
(O)Maginhawa ang bayan na ang Dios ay ang Panginoon.
Ang pagiingat ng Panginoon sa lahat niyang gawa.
104 Purihin mo ang Panginoon, (A)Oh kaluluwa ko.
Oh Panginoon kong Dios ikaw ay totoong dakila;
(B)Ikaw ay nabibihisan ng karangalan at kamahalan.
2 Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan;
Na siyang naguunat ng mga langit na (C)parang tabing:
3 (D)Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig;
(E)Na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro;
(F)Na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin:
4 (G)Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya;
(H)Ang kaniyang mga tagapangasiwa ay alab ng apoy:
5 Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa,
Upang huwag makilos magpakailan man,
6 Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan;
Ang tubig ay tumatayo (I)sa itaas ng mga bundok.
7 (J)Sa iyong pagsaway sila'y nagsitakas;
Sa hugong ng iyong kulog ay nagmadaling nagsialis sila;
8 Sila'y nagsiahon sa mga bundok, sila'y nagsilusong sa mga libis,
(K)Sa dako mong itinatag ukol sa kanila.
9 Ikaw ay naglagay ng hangganan (L)upang sila'y huwag makaraan;
(M)Upang sila'y huwag magsibalik na tumakip sa lupa.
10 Siya'y nagsusugo ng mga bukal sa mga libis;
Nagsisiagos sa gitna ng mga bundok:
11 Sila'y nagpapainom sa bawa't hayop sa parang;
Nangagpapatid-uhaw ang mga mailap na asno.
12 Sa tabi nila ay nagkaroon ng kanilang tahanan ang mga ibon sa himpapawid,
Sila'y nagsisiawit sa mga sanga.
13 Kaniyang dinidilig ang mga bundok mula sa kaniyang mga silid:
Ang lupa'y busog sa bunga ng iyong mga gawa.
14 (N)Kaniyang pinatutubo ang damo para sa mga hayop,
At ang gugulayin sa paglilingkod sa tao:
Upang siya'y maglabas (O)ng pagkain sa lupa:
15 (P)At ng alak na nagpapasaya sa puso ng tao,
At ng langis upang pasilangin ang kaniyang mukha,
At ng tinapay na nagpapalakas ng puso ng tao.
16 Ang mga punong kahoy ng Panginoon ay busog;
Ang mga (Q)sedro sa Libano, (R)na kaniyang itinanim;
17 Na pinamumugaran ng mga ibon:
Tungkol sa tagak, ang mga puno ng abeto ay kaniyang bahay.
18 Ang mga mataas na bundok ay para sa mga mailap na kambing;
Ang mga malalaking bato ay kanlungan (S)ng mga coneho.
19 (T)Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon:
Nalalaman ng araw ang kaniyang paglubog.
20 Iyong ginagawa ang kadiliman at nagiging gabi;
Na iginagalaw ng lahat na hayop sa gubat.
21 (U)Umuungal ang mga batang leon sa pagsunod sa mahuhuli nila,
At hinahanap sa Dios ang kanilang pagkain.
22 Ang araw ay sumisikat sila'y nagsisialis,
At nangahihiga sa kanilang mga yungib.
23 Lumalabas ang tao sa (V)kaniyang gawain,
At sa kaniyang gawa hanggang sa kinahapunan.
24 (W)Oh Panginoon, pagka sarisari ng iyong mga gawa!
Sa karunungan ay ginawa mo silang lahat:
Ang lupa ay puno ng iyong kayamanan.
25 Nandoon ang dagat, na malaki at maluwang,
Na ginagalawan ng di mabilang na mga bagay,
Ng mga munti at ng mga malaking hayop din naman.
26 Doo'y nagsisiyaon ang mga sasakyan:
Nandoon (X)ang buwaya na iyong nilikha upang maglibang doon.
27 (Y)Lahat ng ito ay nangaghihintay sa iyo,
Upang iyong mabigyan sila ng kanilang pagkain sa ukol na kapanahunan.
28 Ang iyong ibinibigay sa kanila ay pinipisan nila;
Iyong ibinubukas ang iyong kamay, sila'y nangabubusog ng kabutihan.
29 (Z)Iyong ikinukubli ang iyong mukha, sila'y nangababagabag;
(AA)Iyong inaalis ang kanilang hininga, sila'y nangamamatay,
(AB)At nagsisibalik sa kanilang pagkaalabok.
30 Iyong sinusugo ang iyong Espiritu, sila'y nangalalalang;
At iyong binabago ang balat ng lupa.
31 Manatili nawa ang kaluwalhatian ng Panginoon kailan man;
(AC)Magalak nawa ang Panginoon sa kaniyang mga gawa:
32 Na siyang tumitingin sa lupa at nayayanig:
(AD)Kaniyang hinihipo ang mga bundok at nagsisiusok.
33 (AE)Aawit ako sa Panginoon habang ako'y nabubuhay:
Ako'y aawit ng pagpuri sa aking Dios, samantalang mayroon akong kabuhayan.
34 Matamisin nawa niya ang aking pagbubulay:
Ako'y magagalak sa Panginoon.
35 (AF)Malipol nawa ang mga makasalanan sa lupa,
At mawala nawa ang masama.
Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.
Purihin ninyo ang Panginoon.
11 Kaarawan ng pagtatayo ng (A)iyong mga kuta! sa kaarawang yaon ay malalayo ang pasiya.
12 Sa kaarawang yaon ay magsisiparoon sila sa iyo mula sa Asiria at sa mga bayan ng Egipto, at mula sa Egipto hanggang sa ilog, at mula sa dagat at dagat, at sa bundok at bundok.
13 Gayon ma'y masisira ang lupain dahil sa kanila na nagsisitahan doon, dahil sa bunga ng kanilang mga gawa.
14 Pakanin mo ang iyong bayan sa pamamagitan ng iyong tungkod, (B)ang kawan na iyong mana, (C)na tumatahang magisa, sa (D)gubat sa gitna ng Carmelo: pakanin mo sila sa Basan at sa Galaad, gaya ng mga araw nang una.
15 Gaya ng mga araw ng iyong paglabas sa lupain ng Egipto ay aking pagpapakitaan (E)sila ng mga kagilagilalas na bagay.
16 Makikita ng mga bansa, at mangapapahiya sa buo nilang kapangyarihan; kanilang ilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig, ang kanilang mga pakinig ay mabibingi.
17 Sila'y magsisihimod sa (F)alabok na parang ahas; parang nagsisiusad na hayop sa lupa sila'y magsisilabas na nagsisipanginig mula sa kanilang mga kulungan; sila'y magsisilapit na may takot sa Panginoon nating Dios, at mangatatakot dahil sa iyo.
18 (G)Sino ang Dios na gaya mo, (H)na nagpapatawad ng kasamaan, at pinalalagpas ang pagsalansang ng nalabi sa kaniyang mana? hindi niya pinipigil ang kaniyang galit ng magpakailan man, sapagka't siya'y nalulugod sa kagandahang-loob.
19 Siya'y muling magtataglay ng habag sa atin; (I)kaniyang yayapakan ang ating kasamaan: at kaniyang ihahagis ang lahat nilang kasalanan sa mga kalaliman ng dagat.
20 Iyong isasagawa (J)ang katotohanan kay Jacob, at ang kagandahang-loob kay Abraham, na iyong isinumpa sa aming mga magulang mula sa mga araw nang una.
7 Nguni't (A)ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na: (B)kayo nga'y mangagpakahinahon, at mangagpuyat sa pananalangin:
8 Na una sa lahat ay (C)maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; (D)sapagka't ang (E)pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan:
9 (F)Na mangagpatuluyan kayo ng walang bulongbulungan:
10 Na (G)ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa't isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting (H)katiwala ng masaganang biyaya ng Dios;
11 Na kung ang sinoma'y nagsasalita, ay gaya ng sa mga (I)aral ng Dios: (J)kung ang sinoman ay nangangasiwa, ay gaya ng sa kalakasang ibinibigay ng Dios: (K)upang ang Dios ay papurihan sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo, (L)na sa kaniya ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan man. Siya nawa.
12 Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y (M)subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay:
13 Kundi kayo'y mangagalak, (N)sapagka't (O)kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; (P)upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.
14 Kung kayo'y mapintasan (Q)dahil sa pangalan ni Cristo, ay mapapalad kayo; sapagka't ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo.
15 Nguni't huwag magbata ang sinoman sa inyo na gaya ng mamamatay-tao, o magnanakaw, o manggagawa ng masama, (R)o gaya ng mapakialam sa mga bagay ng iba:
16 Nguni't kung ang isang tao ay magbata na (S)gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito.
17 Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa (T)bahay ng Dios: at (U)kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios?
18 At kung ang matuwid (V)ay bahagya ng makaliligtas, ang masama at ang makasalanan ay saan kaya magsisiharap?
19 Kaya't (W)ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa (X)kalooban ng Dios ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang.
29 At nang (A)sila'y magsialis sa Jerico, ay sumunod sa kaniya ang lubhang maraming tao.
30 At narito, ang (B)dalawang lalaking bulag na nangakaupo sa tabi ng daan, pagkarinig nilang nagdaraan si Jesus, ay nangagsisigaw, na nagsisipagsabi, Panginoon, mahabag ka sa amin, ikaw na Anak ni David.
31 At pinagwikaan sila ng karamihan, upang sila'y magsitahimik: datapuwa't sila'y lalong nangagsisigaw, na nagsisipagsabi, Panginoon, mahabag ka sa amin, ikaw na Anak ni David.
32 At tumigil si Jesus, at sila'y tinawag, at sinabi, Ano ang ibig ninyong gawin ko sa inyo?
33 Sinabi nila sa kaniya, Panginoon, na mangadilat ang mga mata namin.
34 At si Jesus, sa pagkahabag, ay (C)hinipo ang kanilang mga mata, at pagdaka'y nagsitanggap sila ng kanilang paningin; at nagsisunod sa kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978