Book of Common Prayer
Ang pagakay ng Panginoon sa kaniyang bayan sa kabila ng pagkawalang tiwala. Masquil ni Asaph.
78 Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking kautusan:
Ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig.
2 (A)Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga;
Ako'y magsasalita ng mga malabong (B)sabi ng una:
3 (C)Na aming narinig at naalaman,
At isinaysay sa amin ng aming mga magulang.
4 (D)Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak,
(E)Na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon,
At ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.
5 Sapagka't siya'y nagtatag ng (F)patotoo sa Jacob,
At nagtakda ng kautusan sa Israel,
Na kaniyang iniutos sa aming mga magulang,
Na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak:
6 (G)Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak;
Na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak:
7 Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios,
At huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios,
Kundi ingatan ang kaniyang mga utos:
8 At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang,
(H)May matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi;
Isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso,
At ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios,
9 Ang mga anak ni Ephraim, gayong may sakbat at may dalang mga busog,
At nagsitalikod sa kaarawan ng pagbabaka.
10 Hindi nila tinupad ang tipan ng Dios,
At nagsitangging magsilakad sa kaniyang kautusan;
11 At kanilang kinalimutan ang kaniyang mga gawa,
At ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ipinakita sa kanila.
12 Mga kagilagilalas na mga bagay ay ginawa niya (I)sa paningin ng kanilang mga magulang,
Sa lupain ng Egipto, (J)sa parang ng Zoan.
13 (K)Hinawi niya ang dagat, at pinaraan niya sila;
At kaniyang pinatayo ang tubig na parang bunton.
14 (L)Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan sila sa pamamagitan ng isang ulap,
At buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy.
15 (M)Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang,
At pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman.
16 Nagpabukal naman siya mula sa bato.
At nagpababa ng tubig na parang mga ilog.
17 Gayon ma'y nagkasala uli sila laban sa kaniya,
(N)Upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang.
18 At kanilang (O)tinukso ang Dios sa kanilang puso,
Sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita.
19 Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios;
Kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang?
20 (P)Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak,
At mga bukal ay nagsisiapaw;
Makapagbibigay ba siya ng tinapay naman?
Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan?
21 Kaya't narinig ng Panginoon, (Q)at napoot:
At isang apoy ay nagalab laban sa Jacob,
At galit naman ay napailanglang laban sa Israel;
22 Sapagka't sila'y hindi nagsisampalataya sa Dios,
At hindi nagsitiwala sa kaniyang pagliligtas.
23 Gayon ma'y nagutos siya sa mga langit sa itaas,
At binuksan ang mga pintuan ng langit;
24 (R)At pinaulanan niya sila ng mana upang makain.
At binigyan sila ng (S)trigo ng langit.
25 Kumain ang tao ng (T)tinapay ng makapangyarihan:
Pinadalhan niya sila ng pagkain Hanggang sa nangabusog.
26 (U)Kaniyang pinahihip ang hanging silanganan sa mga langit:
At sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinatnubayan niya ang hanging timugan.
27 Pinaulanan naman niya sila ng karne na parang alabok,
At ng mga ibong parang buhangin sa mga dagat:
28 (V)At pinalagpak niya sa gitna ng kanilang kampamento,
Sa palibot ng kanilang mga tahanan.
29 Sa gayo'y nagsikain sila, at nangabusog na mabuti;
At ibinigay niya sa kanila ang (W)kanilang pita.
30 Hindi sila nagsihiwalay sa kanilang pita,
Ang kanilang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig,
31 Nang ang galit ng Dios ay paitaas laban sa kanila,
At (X)pumatay sa mga pinakamataba sa kanila,
At sinaktan ang mga binata sa Israel.
32 Sa lahat ng ito ay (Y)nangagkasala pa sila,
At hindi naniwala sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa.
33 (Z)Kaya't kaniyang pinaram ang kanilang mga kaarawan sa (AA)walang kabuluhan,
At ang kanilang mga taon ay sa mga kakilabutan.
34 (AB)Nang kaniyang patayin sila, sila'y nangagusisa sa kaniya: at sila'y nagsibalik, at nagsihanap ng tapat sa Dios.
35 At kanilang naalaala na ang (AC)Dios ay kanilang malaking bato,
At ang Kataastaasang Dios ay (AD)kanilang manunubos.
36 Nguni't tinutuya nila (AE)siya ng kanilang bibig,
At pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila.
37 Sapagka't ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya,
Ni tapat man sila sa kaniyang tipan.
38 (AF)Nguni't siya, palibhasa'y puspos ng kaawaan, ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi sila nilipol:
Oo, madalas na inihiwalay ang kaniyang galit,
At hindi pinukaw ang buo niyang poot.
39 (AG)At naalaala niyang (AH)sila'y laman lamang;
Hanging dumadaan, at hindi bumabalik.
40 Kay dalas na nanghimagsik nila laban sa kaniya sa ilang,
At pinapanglaw nila (AI)siya sa ilang!
41 At sila'y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios,
At minungkahi ang Banal ng Israel.
42 Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay,
Ni ang araw man nang kaniyang tubusin sila sa kaaway.
43 (AJ)Kung paanong kaniyang inilagay ang kaniyang mga tanda sa Egipto,
At ang kaniyang mga kababalaghan sa parang ng Zoan;
44 (AK)At pinapaging dugo ang kanilang mga ilog,
At ang kanilang mga bukal, na anopa't hindi sila makainom.
45 (AL)Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila;
At mga (AM)palaka, na nagsigiba sa kanila.
46 Ibinigay rin niya ang kanilang bunga sa tipaklong,
At ang kanilang pakinabang sa (AN)balang.
47 Sinira niya ang (AO)kanilang ubasan ng granizo,
At ang mga puno nila ng sikomoro ng escarcha.
48 (AP)Ibinigay rin naman niya ang kanilang mga hayop sa granizo,
At sa mga lintik ang kanilang mga kawan.
49 Ibinugso niya sa kanila ang kabangisan ng kaniyang galit,
Poot at galit, at kabagabagan,
Pulutong ng mga anghel ng kasamaan.
50 Kaniyang iginawa ng landas ang kaniyang galit;
Hindi niya pinigil ang kanilang buhay sa kamatayan,
Kundi ibinigay ang kanilang buhay sa pagkapuksa;
51 (AQ)At sinaktan ang lahat na panganay sa Egipto,
Ang panguna ng kanilang kalakasan sa mga tolda ni (AR)Cham:
52 Nguni't kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na (AS)parang mga tupa,
At pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan.
53 At inihatid niya silang tiwasay, na anopa't hindi sila nangatakot:
Nguni't (AT)tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway.
54 At dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang (AU)santuario,
Sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay.
55 Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila,
At (AV)binahagi sa kanila na pinakamana (AW)sa pamamagitan ng pising panukat,
At pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda.
56 Gayon ma'y nanukso at nanghimagsik sila laban sa Kataastaasang Dios,
At hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo;
57 Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang:
Sila'y nagsilisyang (AX)parang magdarayang busog.
58 Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga (AY)mataas na dako,
At kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan.
59 Nang marinig ito ng Dios, ay napoot,
At kinayamutang lubha ang Israel:
60 (AZ)Sa gayo'y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng (BA)Silo,
Ang tolda na kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao;
61 At ibinigay ang kaniyang (BB)kalakasan sa pagkabihag,
At ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway.
62 (BC)Ibinigay rin niya ang kaniyang bayan sa tabak;
At napoot sa kaniyang mana.
63 Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata;
At (BD)ang mga dalaga nila'y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa.
64 (BE)Ang mga saserdote nila'y nabuwal sa pamamagitan ng tabak;
At (BF)ang mga bao nila'y hindi nanganaghoy.
65 Nang magkagayo'y gumising ang Panginoon na gaya (BG)ng mula sa pagkakatulog,
Gaya ng malakas na tao na humihiyaw dahil sa alak.
66 At (BH)sinaktan niya sa likod ang kaniyang mga kaaway:
Inilagay niya sila sa laging kadustaan.
67 Bukod dito'y tinanggihan niya ang tolda ng Jose,
At hindi pinili ang lipi ni Ephraim;
68 Kundi pinili ang lipi ni Juda,
Ang bundok ng Zion (BI)na kaniyang inibig.
69 At itinayo niya ang kaniyang santuario na parang mga kataasan,
Parang lupa na kaniyang itinatag magpakailan man.
70 (BJ)Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod,
At kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa:
71 (BK)Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso,
Upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan, at ang Israel na kaniyang mana.
72 Sa gayo'y siya ang kanilang pastor ayon sa (BL)pagtatapat ng kaniyang puso;
At pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay.
Ang panalangin ng mga Levita sa pagtatapat ng kanilang pang-bansang kasalanan.
26 Gayon ma'y naging manunuway sila at nanghimagsik laban sa iyo, (A)at tinalikdan ang iyong kautusan, at pinatay ang (B)iyong mga propeta na nangagpatotoo laban sa kanila na sila'y magsipanumbalik sa iyo, at sila'y nagsigawa ng malaking pamumungkahi.
27 (C)Kaya't iyong ibinigay sila sa kamay ng kanilang mga kalaban, na siyang nangagpapanglaw sa kanila: at sa panahon ng kanilang kabagabagan, nang sila'y magsidaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit; at ayon sa iyong saganang mga kaawaan ay iyong binigyan sila ng mga tagapagligtas, na nangagligtas sa kanila sa kamay ng kanilang mga kalaban.
28 Nguni't pagkatapos ng kanilang (D)kapahingahan, sila'y nagsigawa uli ng kasamaan sa harap mo: kaya't pinabayaan mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, na anopa't mga napapanginoon sa kanila: gayon ma'y nang sila'y magsipanumbalik, at magsidaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit; at madalas na iyong iniligtas sila ayon sa iyong mga kaawaan.
29 At sumaksi ka laban sa kanila, upang mangaibalik mo sila sa iyong kautusan. Gayon ma'y nagsigawa sila na may kapalaluan, at hindi dininig ang iyong mga utos, kundi nangagkasala laban sa iyong mga kahatulan, (E)(na kung gawin ng isang tao, siya'y mabubuhay sa kanila,) at iniurong ang balikat at nagpatigas ng kanilang leeg, at hindi nangakinig.
30 Gayon ma'y tiniis mong malaon sila, at sumaksi ka laban sa kanila ng iyong Espiritu sa pamamagitan ng iyong mga propeta: gayon ma'y hindi sila nangakinig: (F)kaya't ibinigay mo sila sa kamay ng mga bayan ng mga lupain.
31 Gayon ma'y sa iyong masaganang mga kaawaan ay (G)hindi mo lubos na niwakasan sila, o pinabayaan man sila; sapagka't ikaw ay mapagbiyaya (H)at maawaing Dios.
32 Ngayon nga, aming Dios, na dakila, na makapangyarihan at kakilakilabot na Dios, (I)na nagiingat ng tipan at kaawaan, huwag mong ariing munting bagay sa harap mo ang (J)hirap na dumating sa amin, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga saserdote, at sa aming mga propeta, at sa aming mga magulang, at sa iyong buong bayan, (K)mula sa kapanahunan ng mga hari sa Asiria hanggang sa araw na ito.
33 (L)Gayon ma'y banal ka sa lahat na dumating sa amin; sapagka't gumawa kang may pagtatapat, nguni't nagsigawa kaming may kasamaan:
34 Kahit ang aming mga hari, ang aming mga pangulo, ang aming mga saserdote, o ang aming mga magulang man, hindi nangagingat ng iyong kautusan, o nakinig man sa iyong mga utos at sa iyong mga patotoo, na iyong ipinatotoo laban sa kanila.
35 Sapagka't sila'y hindi nangaglingkod sa iyo sa kanilang kaharian, at sa iyong dakilang kagandahang loob na iyong ipinakita sa kanila, at sa malaki at mabungang lupain na iyong ibinigay sa harap nila, o nagsihiwalay man sila sa kanilang mga masamang gawa.
36 Narito, (M)kami ay mga alipin sa araw na ito, at tungkol sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga magulang upang kanin ang bunga niyaon, at ang buti niyaon, narito, kami ay mga alipin doon.
37 At ang lupain ay nagbubunga ng marami sa ganang mga hari na iyong inilagay sa amin dahil sa aming mga kasalanan: sila nama'y may kapangyarihan din sa aming mga katawan, at sa aming hayop sa ikapagsasaya nila, at kami ay nangasa malaking kapanglawan.
38 At gayon ma'y dahil sa lahat na ito ay tapat na (N)nangakikipagtipan kami, at isinusulat namin; at tinatakdaan ng aming mga prinsipe, ng aming mga Levita, at ng (O)aming mga saserdote.
9 At (A)ang mga hari sa lupa, na nangakiapid at nangabuhay na malayaw na kasama niya, ay (B)mangagsisiiyak at mangagsisitaghoy tungkol sa kaniya, (C)pagkakita nila ng usok ng kaniyang pagkasunog,
10 At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nangagsasabi, (D)Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagka't sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.
11 At (E)ang mga mangangalakal sa lupa ay mangagsisiiyak at mangagluluksa tungkol sa kaniya, sapagka't wala nang bibili pa ng kaniyang kalakal;
12 Ng kalakal na ginto at pilak, at mahalagang bato, at mga perlas, at mainam na lino, at kayong kulay ube, at sutla, at kayong pula; at sarisaring mababangong kahoy, at bawa't kasangkapang garing, at bawa't kasangkapang mahalagang kahoy, at tanso, at bakal, at marmol;
13 At kanela, at especias, at incienso, at ungguento, at kamangyan, at alak, at langis, at mainam na harina, at trigo, at mga baka, at mga tupa; at kalakal na mga kabayo at mga karo, at mga alipin; at (F)mga kaluluwa ng mga tao.
14 At ang mga bungang pinipita mo ay nangapalayo sa iyo, at lahat ng mga bagay na maiinam at mariringal ay nangalipol sa iyo, at hindi na mangasusumpungan pa.
15 Ang mga mangangalakal ng mga bagay na ito, (G)na nangagsiyaman dahil sa kaniya, ay mangagsisitayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nagsisiiyak at nagsisipagluksa;
16 Na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, niyaong dakilang bayan, siya na nararamtan ng mahalagang lino at ng kayong kulay ube, at pula, at napapalamutihan ng ginto at ng mahalagang bato at ng perlas!
17 Sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol ang gayong malaking kayamanan. At (H)bawa't pinunong daong, at bawa't naglalayag saan mang dako, at ang mga mangdaragat, at lahat ng nagsisipaghanap-buhay sa dagat, ay nangakatayo sa malayo,
18 At nangagsisisigaw (I)pagkakita sa usok ng kaniyang pagkasunog, na nangagsasabi, (J)Anong bayan ang katulad ng dakilang bayan?
19 At sila'y (K)nangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo, at nagsisigawan, na nagiiyakan at nagtataghuyan, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, ang dakilang bayan, na siyang iniyaman ng lahat na may mga daong sa dagat dahil sa kaniyang mga kayamanan! sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol.
20 Magalak ka tungkol sa kaniya, Oh (L)langit, at kayong mga banal, at kayong mga apostol, at kayong mga propeta; (M)sapagka't inihatol ng Dios ang inyong hatol sa kaniya.
21 At umalis doon si Jesus, at lumigpit sa mga sakop ng (A)Tiro at Sidon.
22 At narito, ang isang babaing Cananea na lumabas sa mga hangganang yaon, at nagsisigaw, na nagsasabi, Kahabagan mo ako, Oh Panginoon, ikaw na (B)Anak ni David; ang aking anak na babae ay pinahihirapang lubha ng isang demonio.
23 Datapuwa't siya'y hindi sumagot ng anomang salita sa kaniya. At nilapitan siya ng kaniyang mga alagad at siya'y pinamanhikan, na nangagsasabi, (C)Paalisin mo siya; sapagka't nagsisisigaw siya sa ating hulihan.
24 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi, (D)Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel.
25 Datapuwa't lumapit siya at (E)siya'y sinamba niya, na nagsasabi, Panginoon, saklolohan mo ako.
26 At siya'y sumagot at sinabi, Hindi marapat na kunin ang tinapay sa mga anak at itapon sa mga (F)aso.
27 Datapuwa't sinabi niya, Oo, Panginoon: sapagka't ang mga aso man ay nagsisikain ng mga mumo na nangalalaglag mula sa dulang ng kanilang mga panginoon.
28 Nang magkagayo'y sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Oh babae, (G)malaki ang pananampalataya mo: mangyari sa iyo ayon sa ibig mo. At gumaling ang kaniyang anak mula sa oras na yaon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978