Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 107:33-108:13

33 Kaniyang (A)pinapagiging ilang ang mga ilog,
At uhaw na lupa ang mga bukal:
34 Na maalat na ilang (B)ang mainam na lupain,
Dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon.
35 Kaniyang pinapagiging lawa ng mga tubig ang ilang,
At mga bukal ang tuyong lupain.
36 At kaniyang pinatatahan doon ang gutom,
Upang makapaghanda sila ng bayang tahanan;
37 At maghasik sa mga bukid, at magtanim ng mga ubasan,
At magtamo ng mga bunga na pakinabang.
38 (C)Kaniya namang pinagpapala sila, na anopa't sila'y lubhang nagsisidami;
At hindi tinitiis na ang kanilang kawan ay magkulang.
39 Muli, sila'y nakulangan at nahapay
Sa kapighatian, kabagabagan, at kahirapan.
40 Kaniyang (D)ibinubugso ang kadustaan sa mga pangulo,
At kaniyang pinagagala sila sa ilang na walang lansangan.
41 (E)Gayon ma'y iniuupo niya sa mataas ang mapagkailangan mula sa kadalamhatian,
At ginagawan siya ng mga angkan na parang kawan.
42 Makikita ng matuwid, at matutuwa;
(F)At titikumin ng lahat ng kasamaan ang kaniyang bibig.
43 (G)Kung sino ang pantas ay magbulay sa mga bagay na ito,
At kanilang magugunita ang mga kagandahang-loob ng Panginoon.

Awit, Salmo ni David.

108 Ang aking (H)puso'y matatag, Oh Dios;
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri, ng aking kaluwalhatian.
Kayo'y gumising, salterio at alpa:
Ako ma'y gigising na maaga.
Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan:
At ako'y aawit ng mga pagpuri sa iyo sa gitna ng mga bansa.
(I)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila sa itaas sa mga langit,
At ang iyong katotohanan ay umaabot sa mga (J)alapaap.
Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas sa mga langit:
At ang iyong kaluwalhatian sa ibabaw ng buong lupa.
(K)Upang ang iyong minamahal ay maligtas,
Magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.
Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya:
Aking hahatiin ang Sichem, at susukatin ko ang libis ng Sucoth.
Galaad ay akin; Manases ay akin;
Ang Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo:
Juda'y aking cetro.
Moab ay aking hugasan;
Sa Edom ay ihahagis ko ang aking panyapak:
(L)Sa Filistia ay hihiyaw ako.
10 Sinong magpapasok sa akin sa (M)bayang nakukutaan?
Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?
11 Hindi ba ikaw Oh Dios na nagtakuwil sa amin,
(N)At hindi lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo?
12 Gawaran mo kami ng tulong laban sa kaaway;
Sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao.
13 (O)Sa tulong ng Dios ay gagawa kaming may katapangan:
Sapagka't siya ang yayapak sa aming mga kaaway.

Mga Awit 33

Papuri sa Lumalang at sa tagaingat.

33 Mangagalak kayo sa Panginoon, (A)Oh kayong mga matuwid:
Pagpuri ay maganda (B)sa ganang matuwid.
Kayo'y mangagpasamalat sa Panginoon na may alpa:
Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya na may salterio na sangpung kuerdas.
(C)Magsiawit kayo sa kaniya ng bagong awit;
Magsitugtog kayong matalino na may malaking ingay.
Sapagka't ang salita ng Panginoon ay matuwid;
At lahat niyang gawa ay ginawa sa pagtatapat.
(D)Iniibig niya ang katuwiran at kahatulan:
Ang lupa ay puno (E)ng kagandahang-loob ng Panginoon.
(F)Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit;
At lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig.
(G)Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton:
Inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan.
Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon:
Magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya.
Sapagka't (H)siya'y nagsalita, at nangyari;
Siya'y nagutos, at tumayong matatag.
10 (I)Dinadala ng Panginoon sa wala ang payo ng mga bansa:
Kaniyang niwawalang halaga ang mga pagiisip ng mga bayan.
11 Ang payo ng Panginoon ay nanganayong matibay magpakailan man,
Ang mga pagiisip ng kaniyang puso sa lahat ng sali't saling lahi.
12 (J)Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon;
Ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana.
13 Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit;
Kaniyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao;
14 Mula sa dakong kaniyang tahanan ay tumitingin siya
Sa lahat na nangananahan sa lupa;
15 Siyang naghuhugis ng mga puso nilang lahat,
Na nagmamasid sa lahat nilang mga gawa.
16 (K)Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo:
Ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan.
17 Ang kabayo ay (L)walang kabuluhang bagay sa pagliligtas:
Ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan;
18 (M)Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob;
19 Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan,
At (N)upang ingatan silang buháy sa kagutom.
20 Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon:
(O)Siya'y aming saklolo at aming kalasag.
21 Sapagka't ang aming puso ay magagalak (P)sa kaniya,
Sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan.
22 Sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
Ayon sa aming pagasa sa iyo.

2 Mga Hari 19:21-36

21 Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa kaniya. Niwalang kabuluhan ka ng (A)anak na dalaga ng Sion at tinatawanan ka, ang anak na babae ng Jerusalem ay iginalaw ang kaniyang ulo sa iyo.

22 Sino ang iyong pinulaan at tinungayaw? at laban kanino itinaas mo ang iyong tinig at ipinandilat mo ang iyong mga mata ng mataas? sa makatuwid baga'y laban (B)sa Isang Banal ng Israel.

23 (C)Sa pamamagitan ng iyong mga sugo ay iyong pinulaan ang Panginoon, at sinabi mo, Sa karamihan ng aking mga karo ako'y nakaahon sa kataasan ng mga bundok, sa mga kaloobloobang bahagi ng Libano; at aking ibubuwal ang mga matayog na sedro niyaon, at ang mga piling puno ng abeto niyaon: at ako'y papasok sa kaniyang pinaka malayong tuluyan, sa gubat ng kaniyang mabungang bukid.

24 Ako'y humukay at uminom ng tubig ng iba, at aking tutuyuin ang lahat na ilog (D)ng Egipto ng talampakan ng aking mga paa.

Ang hula ni Isaias sa paglaya.

25 Hindi mo ba nabalitaan kung paanong aking ginawa na malaon na, at aking iniakma ng una? ngayo'y aking pinapangyari, upang iyong sirain ang mga bayang nakukutaan na magiging mga guho na bunton.

26 Kaya't ang kanilang mga mananahan ay may munting kapangyarihan, sila'y nanganglupaypay at nangatulig; sila'y gaya ng (E)damo sa bukid, at ng sariwang gugulayin, na gaya ng damo sa mga bubungan, at gaya ng trigo na lanta bago nakalaki.

27 (F)Nguni't talastas ko ang iyong pagupo, at ang iyong paglabas, at ang iyong pagpasok, at ang iyong pagiinit laban sa akin.

28 Dahil sa iyong galit laban sa akin, at dahil sa iyong kagilasan ay dumating sa aking mga pakinig, kaya't (G)aking ikakawit ang aking taga sa iyong ilong, at ang aking paningkaw sa iyong mga labi, at ibabalik kita sa daan na iyong pinanggalingan.

29 At ito ang magiging tanda sa iyo: ikaw ay kakain sa taong ito (H)ng tumutubo sa sarili, at sa ikalawang taon ay ang tumubo roon; at sa ikatlong taon ay maghasik kayo, at umani, at mag-ubasan, at kanin ninyo ang bunga niyaon.

30 At ang nalabi na nakatanan sa mga anak ni Juda ay maguugat uli sa ilalim, at magbubunga sa itaas,

31 Sapagka't sa Jerusalem ay lalabas ang isang nalabi, at sa bundok ng Sion ay silang magtatanan: gaganapin ito ng (I)sikap ng Panginoon.

32 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, tungkol sa hari sa Asiria. Siya'y hindi paririto sa bayang ito, o magpapahilagpos man ng pana riyan, ni haharap man siya riyan na may kalasag, o maghahagis man ng (J)bunton laban doon.

33 Sa daang kaniyang pinanggalingan, doon din siya babalik, at hindi siya darating sa bayang ito, sabi ng Panginoon.

34 (K)Sapagka't aking ipagsasanggalang ang bayang ito upang iligtas, (L)dahil sa akin at dahil sa aking lingkod na si David.

35 At (M)nangyari, nang gabing yaon, na ang (N)anghel ng Panginoon ay lumabas, at nanakit sa kampamento ng mga taga Asiria ng isang daan at walong pu't limang libo: at nang ang mga tao ay magsibangong maaga sa kinaumagahan, narito, silang lahat ay mga bangkay.

36 Sa gayo'y umalis si Sennacherib na hari sa Asiria, at yumaon, at bumalik, at tumahan sa Ninive.

1 Corinto 10:1-13

10 Sapagka't hindi ko ibig mga kapatid, na di ninyo maalaman, (A)na ang ating mga magulang ay nangapasa ilalim ng alapaap, (B)at ang lahat ay nagsitawid sa dagat;

At lahat ay nangabautismuhan kay Moises sa alapaap at sa dagat;

At (C)lahat ay nagsikain ng isang pagkain ding ayon sa espiritu;

At (D)lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagka't nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila: at ang batong yaon ay si Cristo.

Bagaman ang karamihan sa kanila ay hindi nakalugod sa Dios; (E)sapagka't sila'y ibinuwal sa ilang.

Ang mga bagay na ito nga'y pawang naging mga halimbawa sa atin, upang huwag tayong magsipagnasa ng mga bagay na masama na (F)gaya naman nila na nagsipagnasa.

Ni huwag din naman kayong mapagsamba sa mga diosdiosan, gaya niyaong ilan sa kanila; ayon sa nasusulat, (G)Naupo ang bayan upang magsikain at magsiinom, at nagsitindig upang magsipagsayaw.

Ni huwag din naman tayong (H)makiapid, na gaya ng ilan sa kanila na nangakiapid, at ang (I)nangabuwal sa isang araw ay dalawangpu at tatlong libo.

Ni huwag din naman nating tuksuhin ang Panginoon, na gaya ng pagkatukso ng ilan sa kanila, at (J)nangapahamak sa pamamagitan ng mga ahas.

10 Ni huwag din kayong mangagbulongbulungan, na gaya ng ilan sa kanila na nangagbulungan, at (K)nangapahamak sa pamamagitan ng mga mangwawasak.

11 Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at (L)pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon.

12 Kaya't (M)ang may akalang siya'y nakatayo, magingat na baka mabuwal.

13 Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa't (N)tapat ang Dios, (O)na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito'y inyong matiis.

Mateo 8:18-27

18 Nang makita nga ni Jesus ang lubhang maraming tao sa palibot niya, ay ipinagutos niyang tumawid sa kabilang ibayo.

19 At lumapit ang isang eskriba, at (A)sa kaniya'y nagsabi, Guro, susunod ako sa iyo saan ka man pumaroon.

20 At sinabi sa kaniya ni Jesus, May mga lungga ang mga zorra, at may mga pugad ang mga ibon sa langit; datapuwa't ang Anak ng tao ay walang kahiligan ang kaniyang ulo.

21 At ang isa naman sa kaniyang mga alagad ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, tulutan mo muna akong makauwi at mailibing ko ang aking ama.

22 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Jesus, Sumunod ka sa akin; at pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay.

23 (B)At pagkalulan niya sa isang daong, ay sinundan siya ng kaniyang mga alagad.

24 At narito, bumangon ang isang malakas na bagyo sa dagat, na ano pa't inaapawan ang daong ng mga alon: datapuwa't siya'y natutulog.

25 At nagsilapit sila sa kaniya, at siya'y ginising, na sinasabi, Panginoon, iligtas mo kami; kami'y mangamamatay.

26 At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangatatakot, Oh (C)kayong kakaunti ang pananampalataya? Nang magkagayo'y nagbangon siya, at sinaway ang mga hangin at ang dagat; at humusay na totoo ang panahon.

27 At ang mga tao ay nangagtaka, na sinasabi, Anong tao ito, na maging ang mga hangin at ang mga dagat ay nagsisitalima sa kaniya?

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978