Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 119:145-176

COPH.

145 Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon:
Iingatan ko ang iyong mga palatuntunan.
146 Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako,
At aking tutuparin ang mga patotoo mo.
147 (A)Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako:
Ako'y umasa sa iyong mga salita.
148 (B)Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi,
Upang aking magunita ang salita mo.
149 Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob:
(C)Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan.
150 Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit;
Sila'y malayo sa iyong kautusan.
151 (D)Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; At (E)lahat mong utos ay katotohanan.
152 Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo,
Na iyong (F)pinamalagi magpakailan man.

RESH.

153 (G)Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako;
Sapagka't hindi ko kinalilimutan (H)ang iyong kautusan.
154 (I)Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako:
Buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
155 Kaligtasan ay (J)malayo sa masama;
Sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo.
156 Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon:
(K)Buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan.
157 Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko;
Gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo.
158 Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at (L)ako'y namanglaw;
Sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo.
159 Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo:
Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob.
160 Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan;
At bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man.

SIN.

161 Inusig ako (M)ng mga pangulo ng walang kadahilanan;
Nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita.
162 Ako'y nagagalak sa iyong salita,
(N)Na parang nakakasumpong ng malaking samsam.
163 Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling;
Nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig.
164 Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo,
Dahil sa iyong matutuwid na kahatulan.
165 (O)Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan.
At sila'y walang kadahilanang ikatitisod.
166 Ako'y umasa sa (P)iyong pagliligtas, Oh Panginoon.
At ginawa ko ang mga utos mo.
167 Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo;
At iniibig kong mainam,
168 Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo;
(Q)Sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo.

TAU.

169 Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon:
Bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita.
170 Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik:
Iligtas mo ako ayon sa iyong salita.
171 Tulutang magbadya ng pagpuri ang (R)aking mga labi;
Sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
172 Awitin ng aking dila ang iyong salita;
Sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.
173 Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako;
Sapagka't aking pinili ang (S)iyong mga tuntunin.
174 Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon:
At ang (T)iyong kautusan ay aking kaaliwan.
175 Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo;
At tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan.
176 (U)Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod;
Sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.

Mga Awit 128-130

Ang kapalaran ng katakutan sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.

128 Mapalad ang (A)bawa't isa na natatakot sa Panginoon,
Na lumalakad sa kaniyang mga daan.
(B)Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay:
Magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.
Ang asawa mo'y magiging (C)parang mabungang puno ng ubas,
Sa mga pinaka-loob ng iyong bahay:
Ang mga anak mo'y (D)parang mga puno ng olibo, Sa palibot ng iyong dulang.
Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao,
Na natatakot sa Panginoon.
(E)Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion:
At iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay.
Oo, iyong (F)makikita ang mga (G)anak ng iyong mga anak.
Kapayapaan nawa'y suma Israel.

Panalangin upang malupig ang kaaway ng Sion. Awit sa mga Pagsampa.

129 Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa (H)aking kabataan,
(I)Sabihin ngayon ng Israel,
Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan:
(J)Gayon ma'y hindi sila nanganaig laban sa akin.
Ang mga mangaararo ay nagsiararo (K)sa aking likod;
Kanilang pinahaba ang kanilang bungkal.
Ang Panginoon ay matuwid:
Kaniyang pinutol ang mga (L)panali ng masama.
Mapahiya sila at magsitalikod,
Silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion.
Sila'y maging (M)parang damo sa mga bubungan,
Na natutuyo bago lumaki:
Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon,
Ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan.
Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan,
(N)Ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa;
Binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon.

Pagasa sa pagpapatawad ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.

130 Mula sa (O)mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
Panginoon, dinggin mo ang aking tinig:
Pakinggan ng iyong mga pakinig
Ang tinig ng aking mga pamanhik.
Kung ikaw, Panginoon, (P)magtatanda ng mga kasamaan,
Oh Panginoon, sinong (Q)tatayo?
Nguni't may (R)kapatawarang taglay ka,
(S)Upang ikaw ay katakutan.
(T)Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa,
At (U)sa kaniyang salita ay umaasa ako.
Hinihintay ng (V)aking kaluluwa ang Panginoon,
Ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga;
Oo, higit kay sa bantay sa umaga.
Oh Israel, (W)umasa ka sa Panginoon;
Sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.
(X)At kaniyang tutubusin ang Israel
Sa lahat niyang kasamaan.

2 Mga Hari 22:14-23:3

14 Sa gayo'y si Hilcias na saserdote, at si Ahicam, at si Achbor, at si Saphan, at si Asaia, ay nagsiparoon kay Hulda na propetisa, na asawa ni Sallum na anak ni Ticva na anak ni Araas, na katiwala sa mga kasuutan (siya nga'y tumatahan sa Jerusalem sa ikalawang bahagi;) at sila'y nakipagsanggunian sa kaniya.

15 At sinabi niya sa kanila, Ganito, ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel: Saysayin ninyo sa lalake na nagsugo sa inyo sa akin,

16 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa dakong ito, at sa mga tagarito, sa makatuwid baga'y lahat na salita ng aklat na nabasa ng hari sa Juda:

17 (A)Sapagka't kanilang pinabayaan ako, at nagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios, upang ipamungkahi nila ako sa galit sa lahat na gawa ng kanilang mga kamay, kaya't ang aking pagiinit ay magaalab sa dakong ito, at hindi mapapatay.

18 Nguni't sa hari sa Juda, na nagsugo sa inyo upang magusisa sa Panginoon, ganito ang sasabihin ninyo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel. Tungkol sa mga salita na inyong narinig.

19 Sapagka't ang iyong puso ay malumanay, at ikaw ay (B)nagpakababa sa harap ng Panginoon, nang iyong marinig ang aking sinalita laban sa dakong ito, at laban sa mga tagarito na sila'y magiging (C)kagibaan, at sumpa, at hinapak mo ang iyong kasuutan, at umiyak sa harap ko: ay dininig naman kita, sabi ng Panginoon.

20 Kaya't narito, ipipisan kita sa iyong mga magulang, at ikaw ay malalagay sa iyong libingan na (D)payapa, at hindi makikita ng iyong mga mata ang lahat ng kasamaan na aking dadalhin sa dakong ito. At sila'y nagbalik ng salita sa hari.

Si Josias ay gumawa ng pangkalahatang pagbabago sa pagsamba.

23 At (E)ang hari ay nagsugo, at pinisan nila sa kaniya ang lahat na matanda sa Juda, at sa Jerusalem.

At sumampa ang hari sa bahay ng Panginoon, at ang lahat na lalake ng Juda, at ang lahat na taga Jerusalem na kasama niya, at ang mga saserdote, at ang mga propeta, at ang buong bayan, maliit at gayon din ang malaki: at kanilang (F)binasa sa kanilang mga pakinig ang lahat na salita ng (G)aklat ng tipan na nasumpungan sa bahay ng Panginoon.

At ang hari ay tumayo sa tabi (H)ng haligi, at nakipagtipan sa harap ng Panginoon, upang lumakad ng (I)ayon sa Panginoon, at upang ingatan ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga patotoo, at ang kaniyang mga palatuntunan, ng buong puso at ng buong kaluluwa, upang tuparin ang mga salita ng tipang ito na nasusulat sa aklat na ito: at ang buong bayan ay nananayo sa tipan.

1 Corinto 11:23-34

23 Sapagka't (A)tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na (B)ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay;

24 At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.

25 At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.

26 Sapagka't sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon (C)hanggang sa dumating siya.

27 (D)Kaya't ang sinomang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.

28 Datapuwa't (E)siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro.

29 Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon.

30 Dahil dito'y marami sa inyo ang (F)mahihina at mga masasaktin, at hindi kakaunti ang (G)nangatutulog.

31 Datapuwa't kung ating kilalanin ang ating sarili, ay hindi tayo hahatulan.

32 Datapuwa't kung tayo'y hinahatulan, ay (H)pinarurusahan tayo ng Panginoon, upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanglibutan.

33 Dahil dito, mga kapatid ko, kung kayo'y mangagsasalosalo sa pagkain, ay mangaghintayan kayo.

34 (I)Kung ang sinoman ay magutom, kumain siya sa bahay; upang ang inyong pagsasalosalo ay huwag maging sa paghatol. At ang iba ay aking (J)aayusin (K)pagpariyan ko.

Mateo 9:9-17

(A)At pagdaraan doon ni Jesus, ay nakita niya ang isang tao, na kung tawagi'y Mateo, na nakaupo sa paningilan ng buwis: at sinabi niya sa kaniya, Sumunod ka sa akin. At siya'y nagtindig, at sumunod sa kaniya.

10 At nangyari, na nang nakaupo siya sa pagkain sa bahay, narito, ang (B)maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan ay nagsirating at nagsiupong kasalo ni Jesus at ng kaniyang mga alagad.

11 At nang makita ito ng mga Fariseo, ay sinabi nila sa kaniyang mga alagad, Bakit sumasalo ang inyong Guro sa mga (C)maniningil ng buwis at mga makasalanan?

12 Datapuwa't nang ito'y marinig niya, ay kaniyang sinabi, Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit.

13 Datapuwa't magsihayo kayo at inyong pagaralan kung ano ang kahulugan nito, (D)Habag ang ibig ko, at hindi hain: sapagka't hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan.

14 (E)Nang magkagayo'y nagsilapit sa kaniya ang mga alagad ni Juan, na nangagsabi, Bakit kami at ang mga Fariseo (F)ay nangagaayunong madalas, datapuwa't hindi nangagaayuno ang mga alagad mo?

15 At sinabi sa kanila ni Jesus, (G)Mangyayari bagang mangagluksa ang mga abay sa kasalan, samantalang ang kasintahang lalake ay kasama nila? datapuwa't darating ang mga araw, na ang kasintahang lalake ay aalisin sa kanila, at kung magkagayo'y mangagaayuno sila.

16 At sinoma'y hindi nagtatagpi ng bagong kayo sa damit na luma; sapagka't ang tagpi ay bumabatak sa damit, at lalong lumalala ang punit.

17 Hindi rin nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma: sa ibang paraan ay nangagpuputok (H)ang mga balat, at nangabububo ang alak, at nangasisira ang mga balat: kundi isinisilid ang bagong alak sa mga bagong balat, at kapuwa nagsisitagal.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978