Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 119:1-24

Pagbubulaybulay at panalangin tungkol sa kautusan ng Dios.

ALEPH.

119 Mapalad silang (A)sakdal sa lakad,
Na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon.
Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo,
Na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso.
(B)Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan;
Sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan.
Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo,
Upang aming sunding masikap.
Oh matatag nawa ang aking mga daan,
Upang sundin ang mga palatuntunan mo!
(C)Hindi nga ako mapapahiya,
Pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.
Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso,
Pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.
Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo:
Oh huwag mo akong pabayaang lubos.

BETH.

Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan?
Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.
10 Hinanap kita ng aking buong puso:
Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.
11 Ang salita mo'y aking iningatan (D)sa aking puso:
Upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
12 Mapalad ka, Oh Panginoon:
(E)Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
13 Aking ipinahayag ng aking mga labi
Ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.
14 (F)Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo,
Na gaya ng lahat na kayamanan.
15 Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin,
At gagalang sa iyong mga daan.
16 (G)Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan:
Hindi ko kalilimutan ang iyong salita.

GIMEL.

17 (H)Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay;
Sa gayo'y aking susundin ang iyong salita.
18 Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita
Ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan.
19 (I)Ako'y nakikipamayan sa lupa:
Huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin.
20 (J)Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik.
Na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon.
21 Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa,
Na nagsisihiwalay sa iyong mga utos.
22 Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan;
(K)Sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo.
23 Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin;
Nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan.
24 (L)Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran.
At aking mga tagapayo.

Mga Awit 12-14

Ang Panginoon ay tulong laban sa masama. Sa Pangulong manunugtog; itinugma sa Seminith. Awit ni David.

12 Tumulong ka, Panginoon, sapagka't ang banal na tao ay (A)nalilipol;
Sapagka't nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao.
Sila'y nangagsasalitaan bawa't isa ng kabulaanan, sa kanikaniyang kapuwa:
(B)Na may mapanuyang labi, at may giring pulang puso na nangagsasalita.
Ihihiwalay ng Panginoon, ang lahat na mapanuyang labi,
Ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay:
Na nagsipagsabi, Sa pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami;
Ang aming mga labi ay aming sarili: sino ang panginoon sa amin?
Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan,
(C)Titindig nga ako, sabi ng Panginoon;
Ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian.
(D)Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita;
Na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa,
Na makapitong dinalisay.
Iyong iingatan sila, Oh Panginoon,
Iyong pakaingatan sila mula sa lahing ito magpakailan man.
Ang masama ay naggala saa't saan man.
Pagka ang kapariwaraan ay natataas sa gitna ng mga anak ng mga tao.

Panalangin ng pagdaing sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

13 Hanggang kailan, Oh Panginoon? iyong kalilimutan ako magpakailan man?
(E)Hanggang kailan ikukubli mo ang iyong mukha sa akin?
Hanggang kailan kukuhang payo ako sa aking kaluluwa,
Na may kalumbayan sa aking puso buong araw?
Hanggang kailan magpapakataan ang aking kaaway sa akin?
Iyong bulayin, at sagutin mo ako, Oh Panginoon kong Dios:
(F)Liwanagan mo ang aking mga mata, baka ako'y matulog ng tulog na kamatayan;
(G)Baka sabihin ng aking kaaway,
Ako'y nanaig laban sa kaniya;
Baka ang aking mga kaaway ay mangagalak (H)pagka ako'y nakilos.
Nguni't ako'y tumiwala sa iyong kagandahang-loob.
Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas:
Ako'y aawit sa Panginoon,
(I)Sapagka't ginawan niya ako ng sagana.

Ang kamangmangan at kasamaan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

14 (J)Ang (K)mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, Walang Dios:
(L)Sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa;
Walang gumagawa ng mabuti,
Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
(M)Upang tingnan, kung may sinomang nakakaunawa,
Na hinahanap ng Dios.
Silang lahat ay nagsihiwalay; sila'y magkakasama na naging kahalayhalay;
Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
(N)Wala bang kaalaman ang lahat na manggagawa ng kasamaan?
(O)Na siyang nagsisikain sa aking bayan na tila nagsisikain ng tinapay,
(P)At hindi nagsisitawag sa Panginoon.
Doo'y nangapasa malaking katakutan sila:
Sapagka't ang Dios ay nasa lahi ng matuwid.
Inyong inilalagay sa kahihiyan ang payo ng dukha,
Sapagka't ang Panginoon ang kaniyang (Q)kanlungan.
Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay nanggagaling (R)sa Sion!
Kung (S)ibabalik ng Panginoon ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob, at masasayahan ang Israel.

Jeremias 37:3-21

At sinugo ni Sedechias na hari si (A)Jucal na anak ni Selemias, at si (B)Sephanias na anak ni Maasias na saserdote, sa propeta Jeremias, na sinabi, Idalangin mo kami ngayon sa Panginoon nating Dios.

Si Jeremias nga (C)ay naglalabas pumasok sa gitna ng bayan: (D)sapagka't hindi nila inilagay siya sa bilangguan.

At (E)ang hukbo ni Faraon ay lumabas sa Egipto: (F)at nang mabalitaan sila ng mga Caldeo na nagsisikubkob ng Jerusalem, ay nagsialis sa Jerusalem.

Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon sa propeta Jeremias, na nagsasabi,

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Ganito ang inyong sasabihin sa hari sa Juda, (G)na nagsugo sa inyo sa akin upang magsiyasat sa akin: Narito, ang hukbo ni Faraon, na lumabas upang tulungan kayo, ay babalik sa Egipto sa kanilang sariling lupain.

At ang mga Caldeo ay magsisiparito uli, (H)at magsisilaban sa bayang ito; at kanilang sasakupin, at susunugin ng apoy.

Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag ninyong dayain ang inyong sarili, na magsabi, Tunay na magsisialis sa atin ang mga Caldeo: sapagka't hindi magsisialis.

10 Sapagka't bagaman inyong sasaktan ang buong hukbo ng mga Caldeo na lumalaban sa inyo, at ang naiwan lamang doon ay mga lalaking sugatan sa gitna nila, gayon ma'y babangon sila, ang bawa't isa sa kaniyang tolda, at susunugin ng apoy ang bayang ito.

Si Jeremias ay ibinilanggo.

11 At nangyari, na nang umurong sa Jerusalem ang hukbo ng mga Caldeo dahil sa takot sa hukbo ni Faraon,

12 Lumabas nga si Jeremias sa Jerusalem upang pumasok sa lupain ng Benjamin, upang tumanggap ng kaniyang bahagi roon, sa gitna ng bayan.

13 At nang siya'y (I)nasa pintuang-bayan ng Benjamin, isang kapitan ng bantay ay nandoon na ang pangalan ay Irias, na anak ni Selemias, na anak ni Hananias; at kaniyang dinakip si Jeremias, na propeta, na sinasabi, (J)Ikaw ay kumakampi sa mga Caldeo.

14 Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias; Kasinungalingan, hindi ako kumakampi sa mga Caldeo. Nguni't hindi niya dininig siya: sa gayo'y dinakip ni Irias si Jeremias, at dinala sa (K)mga prinsipe.

15 At ang mga prinsipe ay napoot kay Jeremias at sinaktan nila siya, at isinilid sa bilangguan sa bahay ni Jonathan na kalihim: sapagka't kanilang ginawang bilangguan yaon.

Si Jeremias ay dinalaw ni Sedechias.

16 Nang si Jeremias ay makapasok sa bilangguang nasa ilalim ng lupa, at sa loob ng mga silid, at nang mabilanggo si Jeremias doon na maraming araw;

17 Nagsugo nga si Sedechias na hari at ipinasundo siya: at tinanong siyang (L)lihim ng hari sa kaniyang bahay, at nagsabi, May anoman bagang salitang mula sa Panginoon? At sinabi ni Jeremias: Mayroon. Sinabi rin niya, Ikaw ay mabibigay sa kamay ng hari sa Babilonia.

18 Bukod dito'y sinabi ni Jeremias sa haring Sedechias, Sa ano ako nagkasala laban sa iyo, o laban sa iyong mga lingkod, o laban sa bayang ito upang ilagay ninyo ako sa bilangguan?

19 Saan nandoon ngayon ang inyong mga propeta na nanganghula sa inyo, na nangagsasabi, Ang hari sa Babilonia ay hindi paririto laban sa inyo, o laban man sa lupaing ito?

20 At ngayo'y dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, Oh panginoon ko na hari: isinasamo ko sa iyo na tanggapin ang aking pamanhik sa harap mo, (M)na huwag mo akong pabalikin sa bahay ni Jonathan na kalihim, baka mamatay ako roon.

21 Nang magkagayo'y nagutos si Sedechias na hari, at kanilang ibinilanggo si Jeremias (N)sa looban ng bantay; at kanilang binigyan siya araw-araw ng isang putol na tinapay na mula sa lansangan ng mga magtitinapay, (O)hanggang sa maubos ang lahat na tinapay sa bayan. Ganito nabilanggo si Jeremias sa looban ng bantay.

1 Corinto 14:13-25

13 Kaya't ang nagsasalita ng wika ay manalangin na siya'y makapagpaliwanag.

14 Sapagka't kung ako'y nananalangin sa wika, ay nananalangin ang aking espiritu, datapuwa't ang aking pagiisip ay hindi namumunga.

15 Ano nga ito? Mananalangin ako sa espiritu, at mananalangin din naman ako sa pagiisip: (A)aawit ako sa espiritu, at (B)aawit din naman ako sa pagiisip.

16 Sa ibang paraan, kung ikaw ay nagpupuri sa espiritu, ang nasa kalagayan ng (C)di marunong, paanong siya'y makapagsasabi ng (D)Siya nawa, (E)sa iyong pagpapasalamat, palibhasa'y hindi nalalaman ang inyong sinasabi?

17 Sapagka't ikaw sa katotohanan ay nagpapasalamat kang mabuti, datapuwa't ang iba'y hindi napapagtibay.

18 Nagpapasalamat ako sa Dios, na ako'y nagsasalita ng mga wika na higit kay sa inyong lahat:

19 Nguni't sa iglesia ibig ko pang magsalita ng limang salita ng aking pagiisip, upang makapagturo ako naman sa iba, kay sa magsalita ng sangpung libong salita sa wika.

20 Mga kapatid, (F)huwag kayong mangagpakabata sa pagiisip; gayon ma'y sa kahalayan ay mangagpakasanggol kayo, datapuwa't sa pagiisip kayo'y (G)mangagpakatao.

21 (H)Sa kautusan ay nasusulat, (I)sa pamamagitan ng mga taong may iba't ibang wika, at sa pamamagitan ng mga labi ng mga taga ibang lupa ay magsasalita ako, sa bayang ito: at gayon ma'y hindi ako pakikinggan nila, ang sabi ng Panginoon.

22 Kaya nga ang mga wika ay pinaka tanda, hindi sa mga nagsisisampalataya; kundi sa mga hindi nagsisisampalataya; nguni't (J)ang panghuhula ay hindi sa mga hindi nagsisisampalataya, kundi sa mga nagsisisampalataya.

23 Kung ang buong iglesia nga'y magkatipon sa isang dako at lahat ay mangagsalita ng mga wika, at mangagsipasok ang mga hindi marurunong o hindi mga nagsisisampalataya, (K)hindi baga nila sasabihing kayo'y mga ulol?

24 Datapuwa't kung ang lahat ay nagsisipanghula, at may pumasok na isang hindi sumasampalataya, o hindi marunong, mahihikayat siya ng lahat, masisiyasat siya (L)ng lahat;

25 Ang mga lihim ng kaniyang puso ay nahahayag; at sa gayo'y magpapatirapa siya at sasamba sa Dios, na sasabihing (M)tunay ngang ang Dios ay nasa gitna ninyo.

Mateo 10:24-33

24 (A)Hindi mataas ang alagad sa kaniyang guro, ni hindi rin mataas ang alila sa kaniyang panginoon.

25 Sukat na sa alagad ang maging katulad ng kaniyang guro, at sa alila ang maging katulad ng kaniyang panginoon. Kung pinanganlan nilang Beelzebub (B)ang panginoon ng sangbahayan, gaano pa kaya ang mga kasangbahay niya!

26 Huwag nga ninyo silang katakutan: (C)sapagka't walang bagay na natatakpan, na hindi mahahayag; at natatago na hindi malalaman.

27 Ang sinasabi ko sa inyo sa kadiliman, ay sabihin ninyo sa kaliwanagan; at ang narinig ninyo sa bulong, ay inyong ipagsigawan sa mga bubungan.

28 At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa (D)impierno.

29 Hindi baga ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya? at kahit isa sa kanila'y hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot ng inyong Ama:

30 Datapuwa't maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat.

31 Huwag nga kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya.

32 Kaya't ang bawa't kumikilala (E)sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin ko naman (F)siya sa harap ng aking Ama na nasa langit.

33 Datapuwa't (G)sinomang sa aki'y magkaila sa harap ng mga tao, ay ikakaila ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978