Book of Common Prayer
Sa Pangulong Manunugtog. Awit, Salmo.
66 Magkaingay kayong may kagalakan (A)sa Dios, buong lupa.
2 Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan:
Paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya.
3 Inyong sabihin sa Dios, (B)Napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa!
Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo.
4 Buong lupa ay sasamba sa iyo,
At aawit sa iyo;
Sila'y magsisiawit sa iyong pangalan. (Selah)
5 (C)Kayo ay magsiparito, at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios;
Siya'y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao.
6 (D)Kaniyang pinagiging tuyong lupa ang dagat:
Sila'y nagsidaan ng paa sa ilog:
Doo'y nangagalak kami sa kaniya.
7 Siya'y nagpupuno ng kaniyang kapangyarihan magpakailan man:
Papansinin (E)ng kaniyang mga mata ang mga bansa:
Huwag mangagpakabunyi (F)ang mga manghihimagsik. (Selah)
8 Oh purihin ninyo ang ating Dios, ninyong mga bayan,
At iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan:
9 Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay,
At hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa.
10 Sapagka't (G)ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami:
(H)Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak.
11 Iyong isinuot kami sa silo;
Ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang.
12 Iyong pinasakay (I)ang mga tao sa aming mga ulo;
(J)Kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig;
Nguni't dinala mo kami sa saganang dako.
13 (K)Ako'y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin,
Aking babayaran sa iyo ang mga panata ko,
14 Na sinambit ng aking mga labi,
At sinalita ng aking bibig, (L)nang ako'y nasa kadalamhatian.
15 Ako'y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin,
Na may haing mga tupa;
Ako'y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing. (Selah)
16 (M)Kayo'y magsiparito at dinggin ninyo, ninyong lahat na nangatatakot sa Dios,
At ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa.
17 Ako'y dumaing sa kaniya ng aking bibig,
At siya'y ibinunyi ng aking dila.
18 (N)Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso,
Hindi ako didinggin ng Panginoon:
19 Nguni't katotohanang dininig ako ng Dios;
Kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin.
20 Purihin ang Dios,
Na hindi iniwaksi ang aking dalangin,
Ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin.
9 Kanino siya magtuturo ng kaalaman? (A)at kanino niya ipatatalastas ang balita? silang nangalayo sa gatas, at nangahiwalay sa suso?
10 Sapagka't utos at utos: utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito'y kaunti, doo'y kaunti.
11 Hindi, kundi (B)sa pamamagitan ng mga taong may ibang pangungusap at may iba't ibang wika ay sasalitain niya sa bayang ito.
12 Na kaniyang pinagsabihan, Ito ang kapahingahan, papagpahingahin ninyo siya na pagod; at ito ang kaginhawahan: gayon ma'y hindi nila pinakinggan.
13 Kaya't ang salita ng Panginoon ay magiging sa kanila'y utos at utos, utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito'y kaunti, doo'y kaunti; upang sila'y mangakayaon, at mangapahinga, at mangabalian, at mangasilo, at mangahuli.
14 Kaya't iyong dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong mga (C)mangduduwahaging tao, na nangagpupuno sa bayang ito na nasa Jerusalem:
15 Sapagka't inyong sinabi, Tayo'y nakipagtipan sa kamatayan, at sa Sheol ay nakipagkasundo tayo; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay dumaan, hindi darating sa atin; sapagka't ating ginawang pinakakanlungan natin ang mga kabulaanan, at sa ilalim ng kasinungalingan ay nangagkubli tayo,
16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (D)Narito, aking inilalagay sa Sion na pinakapatibayan ang (E)isang bato, isang batong subok, isang mahalagang batong panulok na may matibay (F)na patibayan: (G)ang naniniwala ay hindi magmamadali.
4 Namamanhik nga (A)sa inyo akong (B)bilanggo sa Panginoon, na kayo'y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag,
2 Ng buong kapakumbabaan (C)at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig;
3 Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu (D)sa tali ng kapayapaan.
4 May (E)isang katawan, at (F)isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang (G)pagasa ng pagtawag sa inyo;
5 Isang (H)Panginoon, (I)isang pananampalataya, isang bautismo,
6 (J)Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang (K)sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.
7 Datapuwa't (L)ang bawa't isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Cristo.
8 Kaya't sinasabi niya,
(M)Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag,
At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.
9 (Ngayon ito, Umakyat Siya, ano ito, kundi siya'y bumaba rin naman sa (N)mga dakong kalaliman ng lupa?
10 Ang bumaba ay siya rin namang (O)umakyat (P)sa kaitaasan ng buong sangkalangitan, (Q)upang kaniyang mapuspos ang lahat ng mga bagay.)
11 At pinagkalooban niya ang mga iba na maging (R)mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y (S)evangelista; at ang mga iba'y (T)pastor at (U)mga guro;
12 Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay (V)ng katawan ni Cristo:
13 Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng (W)kapuspusan ni Cristo:
14 Upang tayo'y huwag nang maging (X)mga bata pa, (Y)na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian;
15 Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, (Z)ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo;
16 Na dahil sa kaniya'y ang buong katawan (AA)na nakalapat na mabuti at nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong ng bawa't kasukasuan, ayon sa paggawang nauukol sa bawa't iba't ibang sangkap, ay nagpapalaki sa katawan sa ikatitibay ng kaniyang sarili sa pagibig.
Pagpapasalamat sa pagliligtas mula sa kamatayan.
116 Aking iniibig (A)ang Panginoon, sapagka't (B)kaniyang dininig
Ang aking tinig at aking mga hiling.
2 Sapagka't kaniyang (C)ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin,
Kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay.
3 Ang tali ng kamatayan ay (D)pumulupot sa akin,
At ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin:
Aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.
4 (E)Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon;
Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.
5 (F)Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid;
Oo, ang Dios namin ay maawain.
6 Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob:
(G)Ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako.
7 Bumalik ka sa iyong kapahingahan, (H)Oh kaluluwa ko;
Sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon.
8 (I)Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan,
At ang mga mata ko sa mga luha,
At ang mga paa ko sa pagkabuwal.
9 Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon,
(J)Sa lupain ng mga buháy.
10 (K)Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita:
Ako'y lubhang nagdalamhati:
11 (L)Aking sinabi sa aking pagmamadali,
Lahat ng tao ay bulaan.
12 Ano ang aking ibabayad sa Panginoon
Dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?
13 Aking kukunin ang (M)saro ng kaligtasan,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
14 (N)Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.
15 (O)Mahalaga sa paningin ng Panginoon
Ang kamatayan ng kaniyang mga banal.
16 Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod;
Ako'y iyong lingkod, na (P)anak ng iyong lingkod na babae;
Iyong kinalag ang aking mga tali.
17 Aking ihahandog sa iyo ang (Q)hain na pasalamat,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
18 Aking babayaran ang mga panata ko (R)sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;
19 Sa mga looban ng bahay ng Panginoon,
Sa gitna mo, Oh Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Awit ng Pagpapasalamat.
15 Kung ako'y inyong iniibig, (A)ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
16 At ako'y dadalangin sa Ama, at (B)kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,
17 Sa makatuwid baga'y ang Espiritu (C)ng katotohanan: (D)na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.
18 Hindi ko kayo iiwang (E)magisa: ako'y paririto sa inyo.
19 Kaunti pang panahon, at hindi na ako makikita ng sanglibutan; nguni't (F)inyong makikita ako: (G)sapagka't ako'y nabubuhay, ay mangabubuhay rin naman kayo.
20 (H)Sa araw na yao'y makikilala ninyong ako'y nasa aking Ama, at kayo'y nasa akin, at ako'y nasa inyo.
21 Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya.
22 Si (I)Judas (hindi ang Iscariote) ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, ano't mangyayari na sa amin ka magpapakahayag, at hindi sa sanglibutan?
23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, (J)at kami'y pasasa ka niya, at siya'y gagawin naming aming tahanan.
24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.
25 Ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, samantalang ako'y tumatahang kasama pa ninyo.
26 Datapuwa't (K)ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y (L)ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, (M)siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.
27 (N)Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; (O)ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.
28 Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa (P)ako'y pasasa Ama: sapagka't (Q)ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.
29 At ngayon ay sinabi ko sa inyo bago mangyari, upang, kung ito'y mangyari, ay magsisampalataya kayo.
30 Hindi na ako magsasalita pa ng marami sa inyo, (R)sapagka't dumarating ang prinsipe ng sanglibutan: at siya'y walang anoman sa akin;
31 Datapuwa't upang maalaman ng sanglibutan na ako'y umiibig sa Ama, at (S)ayon sa kautusang ibinigay sa akin ng Ama, ay gayon din ang aking ginagawa. Magsitindig kayo, at magsialis tayo rito.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978