Book of Common Prayer
Panalangin sa pagiingat. Pagbabantay, at patawad. Awit ni David.
25 Sa iyo, (A)Oh Panginoon, iginagawad ko ang aking kaluluwa.
2 Oh Dios ko (B)sa iyo'y tumiwala ako,
(C)Huwag nawa akong mapahiya;
Huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway.
3 Oo, (D)walang naghihintay sa iyo na mapapahiya;
Sila'y mangapapahiya na nagsisigawa ng karayaan ng walang kadahilanan,
4 (E)Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon;
Ituro mo sa akin ang iyong mga landas.
5 Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin;
Sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan;
Sa iyo'y naghihintay ako buong araw.
6 Iyong alalahanin, Oh Panginoon, ang iyong malumanay na mga kaawaan, at ang iyong mga kagandahang-loob;
(F)Sapagka't magpakailan man mula ng una.
7 (G)Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsalangsang:
Ayon sa iyong kagandahangloob ay alalahanin mo ako, Dahil sa iyong kabutihan, Oh Panginoon.
8 Mabuti at matuwid ang Panginoon:
Kaya't tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan.
9 Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan:
At ituturo niya sa maamo ang daan niya.
10 Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan
Sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo.
11 (H)Dahil sa iyong pangalan, Oh Panginoon,
Iyong ipatawad ang aking kasamaan, (I)sapagka't malaki.
12 Anong tao siya na natatakot sa Panginoon?
Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin.
13 Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan;
At mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain.
14 (J)Ang pakikipagibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa kaniya;
At ipakikilala niya sa kanila ang kaniyang tipan.
15 (K)Ang aking mga mata ay palaging na sa Panginoon;
Sapagka't (L)huhugutin niya ang aking mga paa (M)sa silo.
16 (N)Panumbalikan mo ako, at maawa ka sa akin;
Sapagka't ako'y nag-iisa at nagdadalamhati.
17 Ang kabagabagan ng aking puso ay lumaki:
Oh hanguin mo ako sa aking kapanglawan.
18 (O)Gunitain mo ang aking pagkapighati at aking damdam;
At ipatawad mo ang lahat kong mga kasalanan.
19 Masdan mo ang aking mga kaaway, sapagka't sila'y marami;
At pinagtataniman nila ako ng mabagsik na pagkagalit.
20 Oh ingatan mo ang aking kaluluwa, at iyong iligtas ako:
(P)Huwag nawa akong mapahiya, (Q)sapagka't nanganganlong ako sa iyo.
21 Magingat sa akin ang pagtatapat at katuwiran,
Sapagka't hinihintay kita.
22 (R)Tubusin mo ang Israel, Oh Dios, mula sa lahat na kaniyang kabagabagan.
Awit ng pagpapasalamat sa katarungan ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Muth-labben. Awit ni David.
9 Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso;
Aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa.
2 Ako'y magpapakasaya at (A)magpapakagalak sa iyo:
Ako'y aawit ng pagpuri sa (B)iyong pangalan, Oh ikaw na kataastaasan.
3 Pagka ang aking mga kaaway ay magsisibalik,
Sila'y matitisod at malilipol sa iyong harapan.
4 Sapagka't iyong inalalayan ang aking matuwid at ang aking usap;
Ikaw ay nauupo sa luklukan na humahatol na may katuwiran.
5 Iyong sinaway ang mga bansa, iyong nilipol ang masama,
(C)Iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man.
6 Ang kaaway ay dumating sa wakas, sila'y lipol magpakailan man;
At ang mga siyudad na iyong dinaig,
Ang tanging alaala sa kanila ay napawi.
7 Nguni't ang (D)Panginoon ay nauupong hari magpakailan man:
Inihanda niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan.
8 At (E)hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan,
Siya'y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao.
9 Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati,
Matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan;
10 At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay (F)maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo;
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo.
11 Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon, na nagsisitahan sa Sion:
(G)Ipahayag ninyo sa gitna ng bayan ang kaniyang mga gawa.
12 Sapagka't siyang (H)nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila:
Hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha.
13 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon;
Masdan mo ang kadalamhatian na aking tinitiis sa kanila na mangagtatanim sa akin,
Ikaw na nagtataas sa akin mula sa mga (I)pintuan ng kamatayan;
14 Upang aking maipakilala ang iyong buong kapurihan:
Sa mga pintuang-bayan ng anak na babae ng Sion,
(J)Ako'y magagalak sa iyong pagliligtas.
15 Ang mga bansa ay (K)nangahulog sa balon na kanilang ginawa:
Sa silo na kanilang ikinubli ay kanilang sariling paa ang nahuli.
16 Ang Panginoon (L)ay napakilala, siya'y naglapat ng kahatulan:
Ang masama ay nasilo sa mga gawa ng kaniyang sariling mga kamay. (Higgaion. Selah)
17 Ang masama ay mauuwi sa Sheol,
Pati ng lahat ng mga bansa na (M)nagsisilimot sa Dios.
18 Sapagka't ang mapagkailangan ay hindi laging malilimutan,
(N)Ni ang pagasa (O)ng dukha ay mapapawi magpakailan man.
19 Bumangon ka, Oh Panginoon; huwag manaig ang tao:
Mahatulan ang mga bansa sa iyong paningin.
20 Ilagay mo sila sa katakutan Oh, Panginoon:
Ipakilala mo sa mga bansa na sila'y mga tao lamang. (Selah)
Ang mamamayan sa banal na Bundok. Awit ni David.
15 Panginoon, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo?
(A)Sinong tatahan sa iyong banal na (B)bundok?
2 Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran,
At (C)nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.
3 (D)Siyang hindi naninirang puri ng kaniyang dila,
Ni gumagawa man ng kasamaan sa kaniyang kaibigan,
Ni dumudusta man sa kaniyang kapuwa.
4 Na sa mga mata niya ay nasisiphayo ang masama;
Kundi siyang nagbibigay puri sa mga natatakot sa Panginoon,
(E)Siyang sumusumpa sa kaniyang sariling ikasasama at hindi nagbabago,
5 (F)Siyang hindi naglalabas ng kaniyang salapi sa patubo, (G)Ni kumukuha man ng suhol laban sa walang sala.
Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi makikilos kailan man.
Ibinala ni Jeremias ang kagibaan sa mga Judio na nasa Egipto.
44 Ang salita na dumating kay Jeremias tungkol sa lahat na Judio na nagsitahan sa lupain ng Egipto sa (A)Migdol, at sa (B)Taphnes, at sa (C)Memphis, at sa lupain ng Patros, na nagsasabi,
2 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel: Inyong nakita ang buong kasamaan na aking dinala sa Jerusalem, at sa lahat ng mga bayan ng Juda; at, narito, sa araw na ito, sila'y kagibaan, at walang taong tumatahan doon,
3 Dahil sa kanilang kasamaan na kanilang ginawa upang mungkahiin ako sa galit, sa kanilang pagsusunog ng kamangyan, at sa paglilingkod sa ibang mga dios, na hindi nila nakilala, kahit nila, o ninyo man, o ng inyong mga magulang man.
4 Gayon ma'y (D)sinugo ko sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta, na bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila, na nagsasabi, Oh huwag ninyong gawin ang kasuklamsuklam na bagay na ito na aking kinapopootan.
5 Nguni't hindi sila nakinig, o ikiniling man nila ang kanilang pakinig na magsihiwalay sa kanilang kasamaan, na huwag mangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios.
6 Kaya't ang aking kapusukan at ang aking galit ay nabuhos, at nagalab sa mga bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem; at mga sira at giba, gaya sa araw na ito.
7 Kaya't ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Bakit kayo'y nagsigawa nitong malaking kasamaan (E)laban sa inyong sariling mga kaluluwa, upang maghiwalay sa inyo ng lalake at babae, ng sanggol at pasusuhin, sa gitna ng Juda, upang huwag maiwanan kayo ng anomang labi;
8 Sa inyong pagkamungkahi sa akin sa galit sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay, na nangagsusunog kayo ng kamangyan sa ibang mga dios sa lupain ng Egipto, na inyong kinaparoonan na mangibang bayan; upang kayo'y maging kasumpaan at kadustaan sa gitna ng lahat na bansa sa lupa?
9 Inyo bagang kinalimutan ang kasamaan ng inyong mga magulang, at ang kasamaan ng mga hari sa Juda, at ang kasamaan ng (F)kanilang mga asawa, at ang inyong sariling kasamaan, at ang kasamaan ng inyong mga asawa, na kanilang ginawa sa lupain ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem?
10 Sila'y hindi nagpakababa hanggang sa araw na ito, o nangatakot man sila, o nagsilakad man sila ng ayon sa aking kautusan, o sa aking mga palatuntunan man, na aking inilagay sa harap ninyo at sa harap ng inyong mga magulang.
11 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking itititig ang aking mukha laban sa inyo sa ikasasama, sa makatuwid baga'y upang ihiwalay ang buong Juda.
12 At aking kukunin ang nalabi sa Juda na nagtitig ng kanilang mga mukha na pumasok sa lupain ng Egipto upang mangibang bayan doon, at silang lahat ay mangalipol; (G)sa lupain ng Egipto ay mangabubuwal sila; sila'y lilipulin ng tabak, at ng kagutom; sila'y mangamamatay mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom; (H)at sila'y magiging katungayawan, at katigilan, at kasumpaan, at kadustaan.
13 Sapagka't aking parurusahan (I)silang nagsisitahan sa lupain ng Egipto, gaya ng aking pagkaparusa sa Jerusalem sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot;
14 Na anopa't wala sa nalabi sa Juda na pumasok sa lupain ng Egipto na nangibang bayan doon, ay makatatanan o maiiwan man, upang makabalik sa lupain ng Juda na kanilang pinagnanasaang pagbalikan upang tahanan: sapagka't walang magsisibalik liban sa mga makatatanan.
30 Bakit baga naman tayo'y nanganganib bawa't oras?
31 (A)Ipinahahayag ko alangalang sa ikaluluwalhati ninyo, mga kapatid, na taglay ko kay Cristo Jesus na Panginoon natin na (B)araw-araw ay nasa panganib ng kamatayan ako.
32 Kung ako'y (C)nakipagbaka sa (D)Efeso laban sa mga ganid, (E)ayon sa kaugalian ng tao, ano ang pakikinabangin ko? Kung ang mga patay ay hindi muling binubuhay, (F)magsikain at magsiinom tayo yamang bukas tayo'y mangamamatay.
33 Huwag kayong padaya: (G)Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali.
34 Gumising kayo ng ayon sa katuwiran, (H)at huwag mangagkasala; (I)sapagka't may mga ibang walang pagkakilala sa Dios: sinasabi ko ito upang kayo'y kilusin (J)sa kahihiyan.
35 Datapuwa't sasabihin ng iba, Paanong muling bubuhayin ang mga patay? at anong anyo ng katawan ang iparirito nila?
36 Ikaw na mangmang, (K)ang inyong inihahasik ay hindi binubuhay maliban na kung mamatay:
37 At ang iyong inihahasik ay hindi mo inihahasik ang katawang lilitaw, kundi ang butil lamang, na marahil ay trigo, o ibang bagay;
38 Datapuwa't ang Dios ay nagbibigay ng katawan dito ayon sa kaniyang minagaling, at sa bawa't binhi ay ang sariling katawan.
39 Hindi ang lahat ng laman ay magkasing-isang laman: kundi may laman sa mga tao, at ibang laman sa mga hayop, at ibang laman sa mga ibon, at ibang laman sa mga isda.
40 Mayroon namang mga katawang ukol sa langit, at mga katawang ukol sa lupa: datapuwa't iba ang kaluwalhatian ng ukol sa langit, at iba ang ukol sa lupa.
41 Iba ang kaluwalhatian ng araw, at iba ang kaluwalhatian ng buwan, at iba ang kaluwalhatian ng mga bituin; sapagka't ang isang bituin ay naiiba sa ibang bituin sa kaluwalhatian.
16 Datapuwa't sa ano ko itutulad ang lahing ito? Tulad sa mga batang nangakaupo sa mga pamilihan, na sinisigawan ang kanilang mga kasama.
17 At sinasabi, Tinutugtugan namin kayo ng plauta, at hindi kayo nagsisisayaw; nagsipanambitan kami, at hindi kayo nangahapis.
18 Sapagka't naparito si Juan na (A)hindi kumakain o umiinom (B)man, at sinasabi nila, Siya'y mayroong demonio.
19 Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom, at sinasabi nila, Narito, ang isang matakaw na tao at isang manginginom ng alak, isang (C)kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan! (D)At ang karunungan ay inaaring-ganap ng kaniyang mga gawa.
20 Nang magkagayo'y (E)kaniyang pinasimulang sumbatan ang mga bayan na pinaggagawan niya ng lalong marami sa kaniyang mga gawang makapangyarihan, sapagka't hindi sila nangagsisi.
21 Sa aba mo, Corazin! sa aba mo, (F)Bethsaida! sapagka't kung sa (G)Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihan na ginawa sa inyo, malaon na dising nangagsisi na may mga damit na magaspang at abo.
22 Nguni't sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan (H)ang Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom, kay sa inyo.
23 At ikaw, Capernaum, (I)magpapakataas ka baga hanggang sa langit? ibababa ka hanggang sa Hades: sapagka't kung sa Sodoma sana ginawa ang mga makapangyarihang gawang sa iyo'y ginawa, ay nanatili sana siya hanggang sa araw na ito.
24 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan ang lupa ng Sodoma sa araw ng paghuhukom, kay sa iyo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978