Book of Common Prayer
Dalangin ng nagdadalamhati, nang nanglulupaypay, at ibinubugso ang kaniyang daing sa harap ng Panginoon.
102 Dinggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon,
At dumating nawa ang daing ko sa iyo.
2 (A)Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan:
(B)Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin;
Sa araw na ako'y tumawag, ay sagutin mo akong madali.
3 (C)Sapagka't ang mga kaarawan ko'y nangapapawi na parang usok,
At (D)ang mga buto ko'y nangasusunog na parang panggatong.
4 Ang puso ko'y nasaktan na parang damo, at (E)natuyo;
Sapagka't (F)nalimutan kong kanin ang aking tinapay.
5 Dahil sa tinig ng aking daing
Ang mga buto ko'y nagsisidikit sa aking laman.
6 Ako'y parang pelikano sa ilang;
Ako'y naging parang kuwago sa kaparangan.
7 Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya
Na nagiisa sa bubungan.
8 Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw;
Silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin.
9 Sapagka't kinain ko ang mga abo na parang tinapay,
At hinaluan ko ang (G)aking inumin ng iyak.
10 Dahil sa iyong galit at iyong poot:
Sapagka't ako'y iyong itinaas, at inihagis.
11 (H)Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling;
At ako'y natuyo na parang damo.
12 Nguni't (I)ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man;
At (J)ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali't saling lahi.
13 Ikaw ay babangon at (K)maaawa sa Sion:
Sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya,
Oo, (L)ang takdang panahon ay dumating.
14 Sapagka't nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato,
At nanghihinayang sa kaniyang alabok.
15 Sa gayo'y katatakutan ng mga bansa ang (M)pangalan ng Panginoon.
At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian;
16 Sapagka't itinayo ng Panginoon ang Sion,
Siya'y napakita (N)sa kaniyang kaluwalhatian;
17 (O)Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon,
At hindi hinamak ang kanilang dalangin.
18 Ito'y (P)isusulat na ukol sa lahing susunod:
At (Q)ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon.
19 Sapagka't siya'y tumungo (R)mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario;
Tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit;
20 (S)Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo:
Upang kalagan yaong nangaitakdang patayin;
21 (T)Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion,
At ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem;
22 Nang ang mga bayan ay mapisan,
At ang mga kaharian, upang maglingkod sa Panginoon.
23 Kaniyang pinahina ang aking kalakasan sa daan;
(U)Kaniyang pinaikli ang mga kaarawan ko.
24 (V)Aking sinabi, Oh Dios ko, huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga kaarawan;
Ang mga taon mo'y (W)lampas sa mga sali't saling lahi.
25 Nang una ay (X)inilagay mo ang patibayan ng lupa;
At ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay.
26 (Y)Sila'y uuwi sa wala, nguni't (Z)ikaw ay mananatili:
Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan;
Parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at sila'y mga mapapalitan:
27 Nguni't (AA)ikaw rin,
At ang mga taon mo'y hindi magkakawakas.
28 (AB)Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay mangamamalagi,
(AC)At ang kanilang binhi ay matatatag sa harap mo.
IKALIMANG AKLAT
Ang Panginoon ay nagliligtas ng tao sa maraming mga sakuna.
107 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; (A)sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 (B)Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon,
(C)Na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway;
3 At (D)mga pinisan mula sa mga lupain,
Mula sa silanganan, at mula sa kalunuran,
Mula sa hilagaan at mula sa timugan.
4 Sila'y nagsilaboy (E)sa ilang, sa ulilang landas;
Sila'y hindi nakasumpong ng bayang tahanan.
5 Gutom at uhaw,
Ang kanilang kaluluwa'y nanglupaypay sa kanila.
6 (F)Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
7 Pinatnubayan naman niya sila sa (G)matuwid na daan,
Upang sila'y magsiyaon sa bayang tahanan.
8 (H)Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
9 Sapagka't (I)kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa,
At ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan.
10 Ang gayong (J)tumatahan sa kadiliman, at sa lilim ng kamatayan,
Na natatali sa dalamhati at pangaw;
11 Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios,
At hinamak ang (K)payo ng Kataastaasan:
12 Kaya't kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap;
Sila'y nangabuwal, at (L)walang sumaklolo.
13 (M)Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
14 (N)Inilabas niya sila sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan,
At (O)pinatid ang kanilang mga tali.
15 (P)Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
16 Sapagka't (Q)kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso,
At pinutol ang mga halang na bakal.
17 (R)Mga mangmang dahil sa kanilang mga pagsalangsang,
At dahil sa kanilang mga kasamaan ay nadadalamhati.
18 Kinayayamutan ng kanilang kaluluwa ang sarisaring pagkain;
At sila'y nagsisilapit sa (S)mga pintuan ng kamatayan,
19 (T)Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
20 (U)Sinugo niya ang kaniyang salita, at (V)pinagaling sila,
At (W)iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak.
21 (X)Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
22 At (Y)mangaghandog sila ng mga hain na pasalamat,
At ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan.
23 (Z)Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyan,
Na nangangalakal sa (AA)mga malawak na tubig;
24 Ang mga ito'y nangakakakita ng mga gawa ng Panginoon,
At ng kaniyang mga kababalaghan sa kalaliman.
25 Sapagka't siya'y naguutos, at (AB)nagpapaunos,
Na nagbabangon ng mga alon niyaon.
26 Nagsisitaas sa mga langit, nagsisibaba uli sa mga kalaliman:
(AC)Ang kanilang kaluluwa ay natutunaw dahil sa kabagabagan.
27 Sila'y hahampashampas na paroo't parito, at (AD)gigiraygiray na parang lasing,
At ang kanilang karunungan ay nawala.
28 (AE)Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At inilabas niya sila sa kanilang kahirapan.
29 (AF)Kaniyang pinahihimpil ang bagyo,
Na anopa't ang mga alon niyaon ay nagsisitahimik.
30 Nang magkagayo'y natutuwa sila, dahil sa sila'y tiwasay.
Sa gayo'y kaniyang dinadala sila sa daongang kanilang ibigin.
31 (AG)Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
32 Ibunyi rin naman nila siya (AH)sa kapulungan ng bayan,
At purihin siya sa upuan ng mga matanda.
6 At sinabi niya sa akin, (A)Ang mga salitang ito'y tapat at tunay, at ang Panginoon, ang Dios ng mga espiritu ng mga propeta, ay (B)nagsugo ng kaniyang anghel upang ipakita sa kaniyang mga alipin ang mga bagay na kinakailangang mangyari madali.
7 (C)At narito, ako'y madaling pumaparito. (D)Mapalad ang tumutupad ng mga salita ng hula ng aklat na ito.
8 At akong si (E)Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, (F)ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.
9 At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios.
10 At sinasabi niya sa akin, (G)Huwag mong tatakan ang mga salita ng hula ng aklat na ito; (H)sapagka't malapit na ang panahon.
11 Ang liko, ay (I)magpakaliko pa: at ang marumi, ay magpakarumi pa: at ang matuwid, ay magpakatuwid pa: at ang banal, ay magpakabanal pa.
12 Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang (J)aking ganting-pala ay nasa akin, (K)upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa.
13 (L)Ako ang Alpha at ang Omega, at ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas.
10 Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na (A)ito: sapagka't sinasabi ko sa inyo, na ang (B)kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng (C)mukha ng aking Ama na nasa langit.[a](D)(E)
12 Ano ang akala ninyo? (F)kung ang isang tao ay may isang daang tupa, at maligaw ang isa sa mga yaon, hindi baga iiwan niya ang siyam na pu't siyam, at pasasa kabundukan, at hahanapin ang naligaw?
13 At kung mangyaring masumpungan niya, ay katotohanang sinasabi ko sa inyo, na magagalak ng higit dahil dito kay sa siyam na pu't siyam na hindi nangaligaw.
14 Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.
15 At (G)kung magkasala laban sa iyo ang kapatid mo, pumaroon ka, at ipakilala mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na ikaw at siyang magisa: kung ikaw ay pakinggan niya, ay (H)nagwagi ka sa iyong kapatid.
16 Datapuwa't kung hindi ka niya pakinggan, ay magsama ka pa ng isa o dalawa, upang (I)sa bibig ng dalawang saksi o tatlo ay mapagtibay ang bawa't salita.
17 At kung ayaw niyang pakinggan sila, ay sabihin mo sa (J)iglesia: at kung ayaw rin niyang pakinggan ang iglesia, ay (K)ipalagay mo siyang tulad sa Gentil at (L)maniningil ng buwis.
18 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na (M)ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.
19 Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin (N)sa kanila ng aking Ama na nasa langit.
20 Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978