Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 18

Ang Panginoon ay pinuri dahil sa pagbibigay ng tagumpay at kapangyarihan. Sa Pangulong Manunugtog. Awit (A)ni David na lingkod ng Panginoon, na siyang nagsalita sa Panginoon ng mga salita ng awit na ito sa kaarawan na iniligtas siya ng (B)Panginoon sa kamay ng lahat niyang kaaway, at sa kamay ni Saul; at kaniyang sinabi,

18 (C)Iniibig kita, Oh Panginoon, na aking (D)kalakasan.
Ang Panginoon ay aking (E)malaking bato, at aking kuta, at aking tagapagligtas;
Aking Dios, aking malaking bato na sa kaniya'y manganganlong ako;
Aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog.
Ako'y tatawag sa Panginoon, na marapat na purihin:
Sa gayo'y maliligtas ako sa aking mga kaaway.
Pinamuluputan ako ng mga tali ng kamatayan,
At tinakot ako ng mga baha ng kasamaan.
Ang mga tali ng Sheol ay nasa buong palibot ko:
Ang mga silo ng kamatayan ay dumating sa akin.
Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon,
At dumaing ako sa aking Dios:
Dininig niya ang aking tinig mula sa kaniyang templo,
At ang aking daing sa harap niya ay dumating sa loob ng kaniyang mga pakinig.
Nang magkagayo'y nauga at nayanig ang lupa,
Ang mga patibayan naman (F)ng mga bundok ay nakilos,
At nauga, sapagka't siya'y napoot.
Napailanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong,
At (G)apoy na mula sa kaniyang bibig ay sumupok:
Mga baga ay nangagalab sa pamamagitan niyaon.
Kaniya namang iniyuko ang mga langit, at ibinaba;
At salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa.
10 At siya'y sumakay sa isang querubin, at lumipad:
(H)Oo, siya'y lumipad na maliksi sa mga pakpak ng hangin.
11 Ginawa niya ang kadiliman na kaniyang kublihang dako, (I)ang kaniyang kulandong sa buong palibot niya;
Mga kadiliman ng tubig, masinsing mga alapaap sa langit.
12 Sa kakinangan sa harap niya ay dumaan ang kaniyang mga masinsing alapaap,
(J)Mga granizo at mga bagang apoy.
13 Ang Panginoon naman ay kumulog sa mga langit,
(K)At pinatunog ng Kataastaasan ang kaniyang tinig;
Mga granizo, at mga bagang apoy.
14 (L)At kaniyang inihilagpos ang kaniyang mga pana, at pinapangalat sila;
Oo, mga kidlat na di masayod at ginulo sila.
15 (M)Nang magkagayo'y nagsilitaw ang mga lagusan ng tubig,
At ang mga patibayan ng sanglibutan ay nangahubdan,
Sa iyong pagsaway, Oh Panginoon,
Sa hihip ng hinga ng iyong mga butas ng ilong.
16 Siya'y nagsugo mula sa itaas, kinuha niya ako;
Sinagip niya ako sa maraming tubig.
17 Iniligtas niya ako sa aking malakas na kaaway,
At sa mga nangagtatanim sa akin, sapagka't sila'y totoong makapangyarihan sa ganang akin.
18 Sila'y nagsidating sa akin sa kaarawan ng aking kasakunaan,
Nguni't ang Panginoon ay siyang aking gabay.
19 (N)Inilabas naman niya ako sa maluwag na dako;
Iniligtas niya ako, sapagka't siya'y nalulugod sa akin.
20 (O)Ginanting-pala ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran;
Ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay ginanting-pala niya ako.
21 Sapagka't aking iningatan ang mga daan ng Panginoon,
At hindi ako humiwalay ng masama sa aking Dios.
22 Sapagka't lahat niyang mga kahatulan ay nangasa harap ko,
At (P)hindi ko inihiwalay ang kaniyang mga palatuntunan sa akin.
23 Ako rin nama'y sakdal sa kaniya,
At ako'y nagingat ng aking sarili sa aking kasamaan.
24 (Q)Kaya't ginanting-pala ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran,
Ayon sa kalinisan ng aking mga kamay sa kaniyang paningin.
25 (R)Sa mahabagin ay pakikilala kang mahabagin;
Sa sakdal na tao ay pakikilala kang sakdal;
26 Sa dalisay ay pakikilala kang dalisay;
At sa matigas na loob ay pakikilala kang (S)mapagmatigas.
27 Sapagka't iyong ililigtas ang napipighating bayan:
Nguni't ang mga (T)mapagmataas na mata ay iyong ibababa.
28 (U)Sapagka't iyong papagniningasin ang aking ilawan;
Liliwanagan ng Panginoon kong Dios ang aking kadiliman.
29 Sapagka't sa pamamagitan mo ay dadaluhungin ko ang isang hukbo;
At sa pamamagitan ng aking Dios ay lulukso ako sa kuta.
30 Tungkol sa Dios ang kaniyang lakad ay sakdal:
(V)Ang salita ng Panginoon ay subok;
Siya'y kalasag ng lahat na nanganganlong sa kaniya,
31 (W)Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon?
At sino ang malaking bato maliban sa ating Dios?
32 Ang Dios na nagbibigkis sa akin ng kalakasan,
At nagpapasakdal sa aking lakad.
33 (X)Kaniyang ginagawa ang aking mga paa na gaya ng mga paa ng mga usa:
At (Y)inilalagay niya ako sa aking mga mataas na dako.
34 (Z)Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay na makipagdigma,
Na anopa't ang aking mga kamay ay bumabali ng busog na tanso.
35 Iyo namang ibinigay sa akin ang kalasag na iyong pangligtas:
At inalalayan ako ng iyong kanan,
At pinadakila ako ng iyong kahinahunan.
36 Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa ilalim ko,
At ang aking mga paa ay hindi nangadulas.
37 Aking hahabulin ang aking mga kaaway, at aabutan ko sila:
Hindi man ako babalik hanggang sa sila'y malipol.
38 Aking sasaktan sila, na anopa't sila'y huwag makatayo:
Sila'y mangalulugmok sa ilalim ng aking mga paa.
39 Sapagka't iyong binigkisan ako ng kalakasan sa pagbabaka:
Iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin.
40 Iyo rin namang pinatatalikod sa akin ang aking mga kaaway,
Upang aking maihiwalay silang nangagtatanim sa akin.
41 Sila'y nagsihiyaw, nguni't walang magligtas:
(AA)Pati sa Panginoon, nguni't hindi niya sinagot sila.
42 Nang magkagayo'y aking dinurog sila na gaya ng alabok sa harap ng hangin:
(AB)Aking inihagis sila na gaya ng putik sa mga lansangan.
43 (AC)Iniligtas mo ako sa mga pakikipagtalo sa bayan;
(AD)Iyong ginawa ako na pangulo ng mga bansa:
(AE)Isang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin.
44 (AF)Pagkarinig nila sa akin ay tatalimahin nila ako;
Ang mga taga ibang lupa ay magsisisuko sa akin.
45 Ang mga taga ibang lupa ay manganghihiluka,
At sila'y magsisilabas na nanganginginig mula sa kanilang mga taguang dako.
46 Mabuhay nawa ang Panginoon at maging mapalad nawa ang aking malaking bato;
At dakilain ang Dios ng aking kaligtasan:
47 Sa makatuwid baga'y ang Dios na ipinanghihiganti ako,
At (AG)nagpapasuko ng mga bayan sa akin.
48 Kaniyang inililigtas ako sa aking mga kaaway:
Oo, itinataas mo ako sa nagsisibangon laban sa akin:
Iyong inililigtas ako sa mangdadahas na tao.
49 (AH)Kaya't ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bansa,
At aawit ako ng mga pagpupuri sa iyong pangalan.
50 (AI)Dakilang kaligtasan ay ibinibigay niya sa kaniyang hari;
At nagpapakita ng kagandahang-loob sa (AJ)kaniyang pinahiran ng langis.
Kay David at sa kaniyang binhi (AK)magpakailan man.

Amos 4:6-13

At binigyan ko naman kayo ng kalinisan ng mga ngipin sa lahat ninyong mga bayan, at kakulangan ng tinapay sa lahat ninyong mga dako; (A)gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

At (B)akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo.

Sa gayo'y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

Aking sinalot kayo ng pagkalanta at ng amag: ang karamihan ng inyong mga halaman, at ng inyong mga ubasan, at ng inyong mga igusan, at ng inyong mga olibohan ay (C)nilipol ng tipaklong: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

10 Aking pinarating sa gitna ninyo ang salot (D)na gaya ng sa Egipto: ang inyong mga binata ay pinatay ko ng tabak, (E)at dinala ko ang inyong mga kabayo; at aking pinaalingasaw ang baho ng inyong kampamento hanggang sa inyong mga butas ng ilong; gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

11 Aking ibinuwal ang iba sa inyo, (F)gaya nang ibuwal ng Dios ang Sodoma at Gomorra, at kayo'y naging gaya ng (G)dupong na naagaw sa apoy: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

12 Kaya't ganito ang gagawin ko sa iyo, Oh Israel; at yamang aking gagawin ito sa iyo, humanda kang salubungin mo ang iyong Dios, Oh Israel.

13 Sapagka't, narito, siyang nagaanyo ng mga bundok, at lumilikha ng hangin, (H)at nagpapahayag sa tao kung ano ang kaniyang pagiisip; na (I)nagpapadilim ng umaga, at yumayapak sa mga mataas na dako ng lupa—ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay siya niyang pangalan.

2 Pedro 3:11-18

11 Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito, (A)ano ngang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo (B)sa banal na pamumuhay at pagkamaawain,

12 (C)Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng (D)kaarawan ng Dios, na dahil dito'y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init?

13 Nguni't, ayon sa kaniyang pangako, ay (E)naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, (F)na tinatahanan ng katuwiran.

14 (G)Kaya nga, mga minamahal, yamang kayo'y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito, ay pagsikapan ninyong (H)masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya.

15 At (I)inyong ariin na ang pagpapahinuhod ng ating Panginoon ay pagliligtas; na gaya rin naman ni Pablo, na ating minamahal na kapatid, na ayon sa karunungang ibinigay sa kaniya, ay sinulatan kayo;

16 Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat, (J)na doo'y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo'y may ilang bagay na mahirap unawain, na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga, na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan, sa ikapapahamak din nila.

17 Kaya nga, mga minamahal, yamang (K)nalalaman na ninyo nang una ang mga bagay na ito, ay magsipagingat kayo, baka kung mangaligaw kayo (L)sa pamamagitan ng kamalian ng masasama, ay mangahulog kayo sa inyong sariling katiyagaan.

18 Datapuwa't magsilago kayo (M)sa biyaya at sa pagkakilala (N)sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. (O)Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian ngayon at magpakailan man. Siya nawa.

Mateo 21:33-46

33 Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga: (A)May isang tao, na puno ng sangbahayan, na nagtanim ng isang ubasan, at binakuran niya ng mga buhay na punong kahoy sa palibot, at (B)humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain.

34 At nang malapit na ang panahon ng pamumunga, ay sinugo ang kaniyang mga alipin sa mga magsasaka, upang tanggapin ang kaniyang bunga.

35 At pinaghawakan ng mga magsasaka ang kaniyang mga alipin, at hinampas nila (C)ang isa, at (D)ang isa'y pinatay, at (E)ang isa'y binato.

36 Muling sinugo niya ang ibang mga alipin, na mahigit pa sa nangauna; at ginawa rin sa kanila ang gayon ding paraan.

37 Datapuwa't pagkatapos ay sinugo niya sa kanila ang kaniyang anak na lalake, na nagsasabi, Igagalang nila ang aking anak.

38 Datapuwa't nang makita ng mga magsasaka ang anak, ay nangagusapan sila, Ito (F)ang tagapagmana; (G)halikayo, siya'y ating patayin, at kunin natin ang kaniyang mana.

39 At siya'y hinawakan nila, at (H)itinaboy (I)siya sa ubasan, at pinatay siya.

40 Pagdating nga ng panginoon ng ubasan, ano kaya ang gagawin sa mga magsasakang yaon?

41 Sinabi nila sa kaniya, Pupuksaing walang awa ang mga tampalasang yaon, (J)at ibibigay ang ubasan sa mga ibang magsasaka, na sa kaniya'y mangagbibigay ng mga bunga sa kanilang kapanahunan.

42 Sinabi sa kanila ni Jesus, Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan,

(K)Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali,
Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok;
Ito'y mula sa Panginoon,
At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata?

43 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, (L)Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios, at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga.

44 At ang (M)mahulog sa ibabaw ng batong ito ay madudurog: datapuwa't sinomang kaniyang malagpakan, ay pangangalating gaya ng alabok.

45 At nang marinig ng mga pangulong saserdote at ng mga Fariseo ang kaniyang mga talinghaga, ay kanilang napaghalata na sila ang kaniyang pinagsasalitaan.

46 (N)At nang sila'y nagsisihanap ng paraang siya'y mahuli, ay (O)nangatakot sila sa karamihan, sapagka't ipinalalagay nito (P)na siya'y propeta.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978