Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 45

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim. Awit ng mga anak ni Core. Masquil. Awit tungkol sa pagibig.

45 Ang aking puso ay nananagana sa isang mainam na bagay:
Aking sinasalita ang mga bagay na aking ginawa tungkol sa hari:
Ang aking dila ay panulat (A)ng bihasang manunulat.
Ikaw ay maganda kay sa mga anak ng mga tao;
(B)Biyaya ay nabubuhos sa iyong mga labi:
Kaya't pinagpala ka ng Dios magpakailan man.
Ibigkis mo ang iyong (C)tabak sa iyong hita, Oh makapangyarihan,
Kalakip ang iyong (D)kaluwalhatian at ang iyong kamahalan.
At sa iyong kamahalan ay sumakay kang may kaginhawahan, Dahil sa katotohanan, at sa kaamuan, at sa katuwiran:
At ang iyong kanan ay magtuturo sa iyo ng (E)kakilakilabot na mga bagay.
Ang iyong mga (F)palaso ay matulis;
Ang mga bayan ay nangabubuwal sa ilalim mo:
Sila'y nangasa puso ng mga kaaway ng hari.
(G)Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan-kailan man:
Cetro ng kaganapan ang cetro ng iyong kaharian.
(H)Iyong iniibig ang katuwiran, at pinagtataniman ang kasamaan:
Kaya't ang Dios, ang iyong Dios, ay nagpahid sa iyo (I)ng langis
Ng langis (J)ng kasayahan na higit kay sa iyong mga kasama.
Ang lahat ng iyong mga damit ay amoy mira, at aloe, at kasia:
Mula sa bahay-haring garing ay pinasasaya ka ng mga panugtog na kawad.
(K)Ang mga anak na babae ng hari ay nangasa gitna ng iyong mga marangal na babae:
(L)Sa iyong kanan ay nakatayo ang reyna na may (M)ginto sa Ophir.
10 Iyong dinggin, Oh anak na babae, at iyong pakundanganan, at ikiling mo ang iyong pakinig;
(N)Kalimutan mo naman ang iyong sariling bayan, at ang bahay ng iyong magulang;
11 Sa gayo'y nanasain ng hari ang iyong kagandahan;
Sapagka't siya'y iyong panginoon; at sumamba ka sa kaniya.
12 At ang anak na babae ng Tiro ay dodoon na (O)may kaloob;
Pati ng mayaman sa gitna ng iyong bayan ay (P)mamamanhik ng iyong lingap.
13 Ang anak na babae ng hari ay totoong maluwalhati sa bahay-hari.
Ang kaniyang suot ay yaring may ginto.
14 Siya'y ihahatid sa hari na (Q)may suot na bordado:
Ang mga dalaga, na kaniyang mga kasama na nagsisisunod sa kaniya, ay
Dadalhin sa iyo.
15 May kasayahan at kagalakan na ihahatid sila:
Sila'y magsisipasok sa bahay-hari.
16 Sa halip ng iyong mga magulang ay ang iyong mga anak,
(R)Na siya mong gagawing mga pangulo sa buong lupa.
17 Aking ipaaalaala ang iyong pangalan sa lahat ng sali't saling lahi:
Kaya't ang mga bayan ay mangagpapasalamat sa iyo magpakailan-kailan man.

Mga Awit 47-48

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.

47 Oh (A)ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan;
Magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay.
Sapagka't ang Panginoong kataastaasan (B)ay kakilakilabot;
(C)Siya'y dakilang Hari sa buong lupa.
(D)Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin,
At ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa.
Kaniyang ipipili tayo (E)ng ating mana,
(F)Ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal. (Selah)
(G)Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan,
Ang Panginoon na may tunog ng pakakak.
Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri:
Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri.
Sapagka't ang Dios (H)ay Hari ng buong lupa:
(I)Magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa.
(J)Ang Dios ay naghahari sa mga bansa:
Ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan.
Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan
Upang maging bayan ng Dios ni Abraham;
Sapagka't ang mga (K)kalasag ng lupa ay ukol sa Dios;
Siya'y totoong bunyi.

Awit; Salmo ng mga anak ni Core.

48 Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin,
(L)Sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang (M)banal na bundok.
(N)Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong (O)lupa,
Siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan,
(P)Na bayan ng dakilang Hari.
Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan.
Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong,
Sila'y nagsidaang magkakasama.
Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila;
Sila'y nanganglupaypay, sila'y (Q)nangagmadaling tumakas.
(R)Panginginig ay humawak sa kanila roon;
Sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.
(S)Sa pamamagitan ng hanging silanganan
Iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis.
Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita
Sa (T)bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios:
(U)Itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah)
Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios,
Sa gitna ng iyong templo.
10 Kung ano ang (V)iyong pangalan, Oh Dios,
Gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa;
Ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran.
11 Matuwa ka bundok ng Sion,
Magalak ang mga (W)anak na babae ng Juda,
Dahil sa iyong mga kahatulan.
12 Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya:
Inyong saysayin ang mga moog niyaon.
13 Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta,
Inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari;
Upang inyong maisaysay ito sa (X)susunod na lahi.
14 Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man:
Siya'y magiging ating (Y)patnubay hanggang sa kamatayan.

Zacarias 2

Ang habag na pangako sa Sion.

At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, ang (A)isang lalake na may panukat na pisi sa kaniyang kamay.

Nang magkagayo'y sinabi ko, Saan ka paroroon? At sinabi niya sa akin, (B)Upang sukatin ang Jerusalem, upang tingnan kung gaano ang luwang, at kung gaano ang haba.

At, narito, (C)ang anghel na nakikipagusap sa akin ay umalis, at ibang anghel ay lumabas na sumalubong sa kaniya,

At sinabi sa kaniya, Tumakbo ka, iyong salitain sa binatang ito, na sabihin, Ang Jerusalem ay tatahanan na parang mga nayon na (D)walang mga kuta, (E)dahil sa karamihan ng mga tao at hayop doon.

Sapagka't ako, sabi ng Panginoon, ay magiging sa kaniya'y isang kutang apoy sa palibot, (F)at ako'y magiging kaluwalhatian sa gitna niya.

Oy, oy, (G)magsitakas kayo (H)mula sa lupain ng hilagaan, sabi ng Panginoon; sapagka't kayo'y aking pinangalat na parang apat na hangin sa himpapawid, sabi ng Panginoon.

Oy Sion, tumanan ka, ikaw na tumatahan na kasama ng anak na babae ng Babilonia.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Dahil sa kaluwalhatian ay sinugo niya ako sa mga bansa na nanamsam sa inyo; (I)sapagka't ang humihipo sa inyo, ay humihipo sa itim ng kaniyang mata.

Sapagka't narito, aking (J)ikukumpas ang aking kamay sa kanila, at sila'y magiging samsam niyaong nangaglilingkod sa kanila; at (K)inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ang nagsugo sa akin.

10 (L)Ikaw ay umawit at magalak, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't (M)narito, ako'y naparirito, at (N)ako'y tatahan sa gitna mo, sabi ng Panginoon.

11 At maraming bansa ay (O)magpipisan sa Panginoon (P)sa araw na yaon, at magiging aking bayan; at ako'y tatahan sa gitna mo, at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa iyo.

12 At mamanahin ng Panginoon ang Juda na pinaka bahagi niya sa banal na lupain (Q)at pipiliin pa ang Jerusalem.

13 Tumahimik ang lahat na tao, (R)sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y gumising na sa kaniyang banal na tahanan.

Apocalipsis 3:14-22

14 At sa anghel ng iglesia sa (A)Laodicea ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng (B)Siya (C)Nawa, ng saksing tapat at totoo, (D)ng pasimula ng paglalang ng Dios:

15 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay hindi malamig o mainit man: ibig ko sanang ikaw ay malamig o mainit.

16 Kaya sapagka't ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita sa aking bibig.

17 Sapagka't sinasabi mo, Ako'y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad:

18 Ipinapayo ko sa iyo (E)na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng apoy, upang ikaw ay yumaman: at ng (F)mapuputing damit, upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata, na ipahid sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita.

19 Ang lahat kong iniibig, ay aking sinasaway (G)at pinarurusahan: ikaw nga'y magsikap, at (H)magsisi.

20 Narito ako'y nakatayo sa pintuan at (I)tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, (J)ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko.

21 Ang magtagumpay, (K)ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan, gaya ko naman na (L)nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan.

22 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

Mateo 24:32-44

32 Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw;

33 Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.

34 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, (A)Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.

35 (B)Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.

36 Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon (C)walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, (D)kundi ang Ama lamang.

37 (E)At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.

38 Sapagka't gaya ng mga araw (F)bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong,

39 At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.

40 Kung magkagayo'y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan:

41 Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.

42 (G)Mangagpuyat nga kayo: (H)sapagka't hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.

43 Datapuwa't (I)ito'y talastasin ninyo, na kung nalalaman ng puno ng sangbahayan kung anong panahon darating (J)ang magnanakaw, ay siya'y magpupuyat, at hindi niya pababayaang tibagin ang kaniyang bahay.

44 Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978