Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 80

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim Eduth. Awit ni Asaph.

80 Dinggin mo, Oh Pastor ng Israel,
Ikaw na pumapatnubay (A)sa Jose na (B)parang kawan;
(C)Ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang ka.
Sa harap ng Ephraim, ng Benjamin at ng Manases, ay (D)mapukaw nawa ang kapangyarihan mo,
At parito kang iligtas mo kami.
Papanumbalikin mo kami, (E)Oh Dios;
At pasilangin mo ang iyong mukha, at maliligtas kami.
(F)Oh Panginoong Dios ng mga hukbo,
Hanggang kailan magagalit ka laban sa dalangin ng iyong bayan?
(G)Iyong pinakain sila ng tinapay na mga luha,
At binigyan mo sila ng mga luha upang inumin ng sagana.
(H)Iyong ginawa kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa:
At ang mga kaaway namin ay nagtatawanan.
Ibalik mo kami, Oh Dios ng mga hukbo;
At pasilangin mo ang iyong mukha at kami ay maliligtas.
Ikaw ay nagdala ng (I)isang puno ng ubas mula sa Egipto;
(J)Iyong pinalayas ang mga bansa, at itinanim mo yaon.
Ikaw ay naghanda ng dako sa harap niya,
At napailalim ang ugat, at pinuno ang lupain.
10 Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyaon,
At ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng Dios.
11 Kaniyang pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat,
At ang kaniyang mga suwi hanggang (K)sa ilog.
12 (L)Bakit mo ibinagsak ang kaniyang mga bakod,
Na anopa't siya'y binubunot nilang lahat na nangagdadaan?
13 Sinisira ng baboy-ramo.
At sinasabsab ng mailap na hayop sa parang.
14 Bumalik ka uli, isinasamo ko sa iyo, Oh Dios ng mga hukbo:
Tumungo ka mula sa langit, at iyong masdan, at dalawin mo ang puno ng ubas na ito,
15 At ang ubasan na itinanim ng iyong kanan,
At ang (M)suwi na iyong pinalakas para sa iyong sarili.
16 (N)Nasunog ng apoy, at naputol:
Sila'y nalipol sa saway ng iyong mukha.
17 (O)Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan.
(P)Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.
18 Sa gayo'y hindi kami magsisitalikod sa iyo:
Buhayin mo kami, at tatawagan namin ang iyong pangalan.
19 (Q)Papanumbalikin mo kami, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo;
Pasilangin mo ang iyong mukha at maliligtas kami.

Mga Awit 146-147

Papuri sa Panginoon, na masaganang tagatulong.

146 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin mo ang Panginoon, (A)Oh kaluluwa ko.
Samantalang ako'y nabubuhay ay (B)pupurihin ko ang Panginoon:
Ako'y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako'y may buhay.
(C)Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo,
Ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo.
(D)Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa;
Sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.
(E)Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob,
Na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios:
(F)Na gumawa ng langit at lupa,
Ng dagat, at ng lahat na nandoon;
Na nagiingat ng katotohanan magpakailan man:
(G)Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati;
(H)Na nagbibigay ng pagkain sa gutom:
(I)Pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo;
(J)Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag;
(K)Ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob;
Iniibig ng Panginoon ang matuwid;
(L)Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa;
Kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao;
Nguni't (M)ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad.
10 (N)Maghahari ang Panginoon magpakailan man.
Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Pagpupuri dahil sa muling pagkakatayo ng Jerusalem at kasaganaan.

147 Purihin ninyo ang Panginoon; Sapagka't (O)mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios;
(P)Sapagka't maligaya, at ang pagpuri (Q)ay nakalulugod.
(R)Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem;
Kaniyang pinipisan ang mga (S)natapon na Israel.
(T)Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso,
At tinatalian niya ang kanilang mga sugat.
(U)Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin;
Siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.
Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan;
Ang kaniyang unawa ay walang hanggan,
(V)Inaalalayan ng Panginoon ang maamo:
Kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.
Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat;
Magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:
(W)Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap.
Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa,
na nagpapatubo ng damo sa mga bundok.
(X)Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain.
At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing.
10 (Y)Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo:
Siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao.
11 Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob.
12 Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem;
Purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion.
13 Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan;
Kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo.
14 (Z)Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan;
(AA)Kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
15 Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa;
Ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.
16 (AB)Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa;
Siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo.
17 Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo:
Sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon?
18 (AC)Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw:
Kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos.
19 (AD)Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob,
(AE)Ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel.
20 (AF)Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa:
At tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman.
Purihin ninyo ang Panginoon.

2 Samuel 7:18-29

Panalangin at pagpapasalamat ni David.

18 Nang magkagayo'y ang haring si David ay pumasok, at umupo sa harap ng Panginoon: at kaniyang sinabi, (A)Sino ako, Oh Panginoong Dios, at ano ang aking sangbahayan na ako'y iyong dinala sa ganiyang kalayo?

19 At ito'y munting bagay pa sa iyong paningin, Oh Panginoong Dios; nguni't ikaw ay nagsalita naman ng tungkol sa sangbahayan ng iyong lingkod nang hanggang sa malaong panahong darating; (B)at ito ay ayon sa paraan ng tao, Oh Panginoong Dios!

20 At ano pa ang masasabi ni David sa iyo? (C)sapagka't iyong kilala ang iyong lingkod, Oh Panginoong Dios.

21 Dahil sa iyong salita, at ayon sa iyong sariling puso, iyong ginawa ang buong kadakilaang ito, upang iyong ipakilala sa iyong lingkod.

22 Kaya't (D)ikaw ay dakila, Oh Panginoong Dios: sapagka't (E)walang gaya mo, o may ibang Dios pa bukod sa iyo, ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga pakinig.

23 At (F)anong bansa sa lupa ang gaya ng iyong bayan, gaya ng Israel, na tinubos ng Dios sa kaniyang sarili na pinakabayan, at upang gawin niya sa kaniyang isang pangalan, at upang igawa kayo ng mga (G)dakilang bagay, at ng mga kakilakilabot na mga bagay ang iyong lupain, sa harap ng iyong bayan na iyong tinubos para sa iyo mula sa Egipto, mula sa mga bansa at sa kanilang mga dios?

24 At iyong (H)itinatag sa iyong sarili ang iyong bayang Israel upang maging bayan sa iyo magpakailan man; at ikaw, Panginoon, ay naging kanilang Dios.

25 At ngayon, Oh Panginoong Dios, ang salita na iyong sinalita tungkol sa iyong lingkod, at tungkol sa kaniyang sangbahayan, iyong pagtibayin nawa magpakailan man, at iyong gawin gaya ng iyong sinalita.

26 At dumakila ang iyong pangalan magpakailan man, sa pagsasabi: Ang Panginoon ng mga hukbo ay Dios sa Israel: at ang sangbahayan ng iyong lingkod na si David ay matatag sa harap mo.

27 Sapagka't ikaw, Oh Panginoon ng mga hukbo, ang Dios ng Israel ay (I)napakita ka sa iyong lingkod na iyong sinasabi, Aking ipagtatayo ka ng isang bahay; kaya't nasumpungan ng iyong lingkod sa kaniyang puso na idalangin ang panalanging ito sa iyo.

28 At ngayon, Oh Panginoong Dios, ikaw ay Dios (J)at ang iyong mga salita ay katotohanan, at iyong ipinangako ang mabuting bagay na ito sa iyong lingkod:

29 Ngayon nga'y kalugdan mong pagpalain ang sangbahayan ng iyong lingkod, upang mamalagi magpakailan man sa harap mo: sapagka't ikaw, Oh Panginoong Dios ay nagsalita: at sa pamamagitan ng iyong pagpapala ay maging mapalad nawa ang sangbahayan ng iyong lingkod (K)magpakailan man.

Galacia 3:1-14

Oh mga mangmang na taga Galacia, (A)sino ang mga nagsigayuma sa inyo, na sa harapan ng inyong mga mata'y si Jesucristo, na napako sa krus, ay maliwanag na inihayag?

Ito lamang ang ibig kong maalaman sa inyo, Tinanggap baga ninyo (B)ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, (C)o sa pamamagitan ng pakikinig ng tungkol sa pananampalataya?

Napakamangmang na baga kayo? (D)kayong nagpasimula sa Espiritu, ngayo'y nangagpapakasakdal kayo sa laman?

Tiniis baga ninyong (E)walang kabuluhan ang lubhang maraming mga bagay? kung tunay na walang kabuluhan.

Siya na nagbibigay nga sa inyo ng Espiritu, at gumagawa ng mga himala sa gitna ninyo, ginagawa baga sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, o sa pakikinig ng tungkol sa pananampalataya?

Gaya nga ni (F)Abraham na sumampalataya sa Dios, at ito'y ibinilang sa kaniya na katuwiran.

Talastasin nga ninyo na (G)ang mga sa pananampalataya, ang mga yaon ay mga anak ni Abraham.

At sapagka't ipinakita na (H)ng kasulatan, na (I)aariing-ganap ng Dios ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya, ay ipinangaral na nang una ang evangelio kay Abraham, na sinasabi, Sa iyo ay pagpapalain ang (J)lahat ng mga bansa.

Kaya't ang mga sa pananampalataya ay pinagpapala kay Abraham na may pananampalataya.

10 Sapagka't ang lahat na sa mga gawang ayon sa kautusan (K)ay nasa ilalim ng sumpa: sapagka't nasusulat, (L)Sinusumpa ang bawa't hindi nananatili sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan, upang gawin nila.

11 Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaring-ganap (M)sa kautusan sa harapan ng Dios; sapagka't, (N)Ang ganap ay mabubuhay sa pananampalataya.

12 At ang kautusan ay hindi sa pananampalataya; kundi, (O)Ang gumaganap ng mga yaon ay mabubuhay sa mga yaon.

13 Sa sumpa ng kautusan ay (P)tinubos tayo ni (Q)Cristo, na naging sumpa sa ganang atin; sapagka't nasusulat, (R)Sinusumpa ang bawa't (S)binibitay sa punong kahoy:

14 Upang sa mga Gentil ay dumating ang pagpapala ni Abraham na kay Cristo Jesus; upang sa pamamagitan ng pananampalataya ay tanggapin natin (T)ang pangako ng Espiritu.

Lucas 1:57-66

57 Naganap nga kay Elisabet ang panahon ng panganganak; at siya'y nanganak ng isang lalake.

58 At nabalitaan ng kaniyang mga kapitbahay at (A)mga kamaganak, na dinakila ng Panginoon ang kaniyang awa sa kaniya; at (B)sila'y nangakigalak sa kaniya.

59 At nangyari, na (C)nang ikawalong araw ay nagsiparoon sila upang tuliin ang sanggol; at siya'y tatawagin sana nila na Zacarias, ayon sa pangalan ng kaniyang ama.

60 At sumagot ang kaniyang ina at nagsabi, (D)Hindi gayon; kundi ang itatawag sa kaniya'y Juan.

61 At sinabi nila sa kaniya, Wala sa iyong kamaganak na tinatawag sa pangalang ito.

62 At hinudyatan nila ang kaniyang ama, kung ano ang ibig niyang itawag.

63 At humingi siya ng isang sulatan at sumulat, na sinasabi, Ang kaniyang pangalan ay Juan. At nagsipanggilalas silang lahat.

64 At pagdaka'y (E)nabuka ang kaniyang bibig, at ang kaniyang dila'y nakalag, at siya'y nagsalita, na pinupuri ang Dios.

65 At sinidlan ng (F)takot ang lahat ng nagsisipanahan sa palibot nila; at nabansag ang lahat ng mga bagay na ito sa lahat (G)ng lupaing maburol ng Judea.

66 At lahat ng mga nangakarinig nito ay pawang iningatan sa kanilang puso, na sinasabi, Magiging ano nga kaya ang batang ito? Sapagka't (H)ang kamay ng Panginoon ay sumasa kaniya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978