Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 93

Ang karangalan ng Panginoon.

93 Ang Panginoon ay (A)naghahari; (B)siya'y nananamit ng karilagan;
Ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan; (C)siya'y nagbigkis niyaon:
Ang sanglibutan naman ay (D)natatag, na hindi mababago.
(E)Ang luklukan mo'y natatag ng una:
Ikaw ay mula sa walang pasimula.
Ang mga baha ay nagtaas, Oh Panginoon,
Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang hugong;
Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang mga alon.
Ng higit sa mga hugong ng maraming tubig,
Malalakas na hampas ng alon sa dagat,
(F)Ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan.
Ang iyong mga patotoo ay totoong tunay:
Ang kabanalan ay nararapat sa iyong bahay,
Oh Panginoon, magpakailan man.

Mga Awit 96

Ang tawag upang sumamba sa Panginoon, ang matuwid na tagahatol.

96 (A)Oh magsiawit kayo (B)sa Panginoon ng bagong awit:
Magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa.
Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya;
Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.
Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa
Ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan
Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihin:
Siya'y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios.
Sapagka't lahat ng mga dios sa mga bayan ay mga diosdiosan.
(C)Nguni't nilikha ng Panginoon ang langit.
Karangalan at kamahalan ay nasa harap niya:
(D)Kalakasan at kagandahan ay nasa kaniyang santuario.
Magbigay kayo sa Panginoon, (E)kayong mga angkan ng mga bayan,
Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kaniyang pangalan;
(F)Kayo'y mangagdala ng handog, at magsipasok kayo sa kaniyang mga (G)looban.
Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan:
Manginig kayo sa harap niya, buong lupa.
10 Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa, Ang Panginoon ay naghahari:
Ang sanglibutan naman ay natatatag na hindi makikilos:
Kaniyang hahatulan ng karapatan ang mga bayan.
11 Matuwa ang langit at magalak ang lupa;
Humugong ang dagat, at ang buong naroon;
12 (H)Sumaya ang bukiran at lahat na nasa kaniya;
Kung magkagayo'y aawit dahil sa kagalakan, ang lahat na punong kahoy sa gubat;
13 Sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y dumarating:
Sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa:
(I)Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan,
At ng kaniyang katotohanan ang mga bayan.

Mga Awit 148

Ang buong nilalang ay pinapagpupuri sa Panginoon.

148 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit:
Purihin ninyo siya sa mga kaitaasan.
(A)Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel:
Purihin ninyo siya, buo niyang hukbo.
Purihin ninyo siya, araw at buwan:
Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag.
Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit,
(B)At ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit.
Purihin nila ang pangalan ng Panginoon:
Sapagka't (C)siya'y nagutos, at sila'y nangalikha.
(D)Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man:
Siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi.
Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa,
Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman:
Apoy at granizo, nieve at singaw;
Unos na hangin, na (E)gumaganap ng kaniyang salita:
(F)Mga bundok at lahat ng mga gulod;
Mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro:
10 Mga hayop at buong kawan;
Nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad:
11 Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan;
Mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa:
12 Mga binata at gayon din ng mga dalaga;
Mga matanda at mga bata:
13 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon;
Sapagka't ang kaniyang pangalang magisa ay nabunyi:
Ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit.
14 At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan,
Ang papuri ng lahat niyang mga banal;
Sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, (G)na bayang malapit sa kaniya.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Mga Awit 150

Tawag upang purihin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga panugtog.

150 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Dios (A)sa kaniyang santuario:
Purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan.
Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa:
Purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.
Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak:
(B)Purihin ninyo siya ng salterio at alpa.
Purihin ninyo siya (C)ng pandereta at sayaw:
Purihin ninyo siya (D)ng mga panugtog na kawad at ng (E)flauta.
Purihin ninyo siya ng mga (F)matunog na simbalo.
Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo.
(G)Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Error: 'Baruc 4:21-29' not found for the version: Ang Biblia (1978)
Galacia 3:15-22

15 Mga kapatid, nagsasalita ako (A)ayon sa kaugalian ng mga tao: Bagama't ang (B)pakikipagtipan ay gawa lamang ng tao, gayon ma'y pagka pinagtibay, sinoman ay hindi makapagpapawalang kabuluhan, o makapagdaragdag man.

16 Ngayon (C)kay Abraham nga (D)sinabi ang mga pangako, at sa kaniyang binhi. Hindi sinasabi ng Dios, At sa mga binhi, na gaya baga sa marami; kundi gaya sa iisa lamang, (E)At sa iyong binhi, na si Cristo.

17 Ito nga ang aking sinasabi: Ang isang pakikipagtipang pinagtibay na nang una ng Dios, ay hindi mapawawalang kabuluhan (F)ng kautusan, na sumipot nang makaraan ang apat na raan at tatlongpung taon, ano pa't (G)upang pawalang kabuluhan ang pangako

18 Sapagka't kung ang mana ay sa pamamagitan ng kautusan, ay hindi na sa pamamagitan ng pangako: datapuwa't ipinagkaloob ng Dios kay Abraham sa pamamagitan ng pangako.

19 Ano nga ang kabuluhan ng kautusan? (H)Idinagdag dahil sa mga pagsalangsang, (I)hanggang sa pumarito ang binhi na siyang pinangakuan; at ito'y (J)iniutos sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay (K)ng isang tagapamagitan.

20 Ngayon (L)ang isang tagapamagitan ay hindi tagapamagitan ng iisa; datapuwa't ang Dios ay iisa.

21 Ang kautusan nga baga ay laban sa mga pangako ng Dios? Huwag nawang mangyari: sapagka't kung ibinigay sana ang isang kautusang may kapangyarihang magbigay buhay, tunay ngang ang katuwiran sana ay naging dahil sa kautusan.

22 (M)Datapuwa't kinulong ng kasulatan ang (N)lahat ng mga bagay sa ilalim ng kasalanan, upang ang pangako sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo ay maibigay sa mga nagsisisampalataya.

Lucas 1:67-80

67 At si Zacarias na kaniyang ama ay (A)napuspos ng Espiritu Santo, at nanghula, na nagsasabi,

68 Purihin ang (B)Panginoon, ang Dios ng Israel;
Sapagka't (C)kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan,
69 At nagtaas sa atin (D)ng isang sungay ng kaligtasan
Sa bahay ni David na kaniyang alipin
70 (Gaya ng sinabi niya (E)sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw (F)buhat nang unang panahon),
71 Kaligtasang mula sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng nangapopoot sa atin;
72 (G)Upang magkaawang-gawa sa ating mga magulang,
At (H)alalahanin ang kaniyang banal na tipan;
73 Ang sumpa (I)na isinumpa niya kay Abraham na ating ama,
74 Na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway,
Ay paglingkuran natin siya ng walang takot,
75 Sa kabanalan (J)at katuwiran sa harapan niya, lahat ng ating mga araw.
76 Oo at ikaw, sanggol, tatawagin kang (K)propeta ng (L)kataastaasan;
Sapagka't (M)magpapauna ka sa unahan ng mukha ng Panginoon, upang ihanda ang kaniyang mga daan;
77 Upang (N)maipakilala ang kaligtasan sa kaniyang bayan,
Sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan,
78 Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios,
Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin,
79 (O)Upang liwanagan (P)ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan;
Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng (Q)kapayapaan.

80 At lumaki (R)ang sanggol, at lumakas sa espiritu, at (S)nasa mga ilang hanggang sa araw ng kaniyang pagpapakita sa Israel.

Mateo 1:1-17

Ang aklat ng (A)lahi ni Jesucristo, na (B)anak ni David, na (C)anak ni Abraham.

Naging anak ni (D)Abraham si Isaac; at naging anak ni Isaac si Jacob; at naging anak ni Jacob si Juda at ang kaniyang mga kapatid;

At naging anak ni Juda kay Tamar si Fares at si Zara; at naging anak ni Fares si Esrom; at naging anak ni Esrom si Aram;

At naging anak ni Aram si Aminadab; at naging anak ni Aminadab si Naason; at naging anak ni Naason si Salmon;

At naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz; at naging anak ni Booz kay Rut si Obed; at naging anak ni Obed si Jesse.

At naging anak ni (E)Jesse ang (F)haring si David; at naging anak ni David si Salomon, doon sa naging asawa ni Urias;

At naging anak ni (G)Salomon si Reboam; at naging anak ni Reboam si Abias; at naging anak ni Abias si Asa;

At naging anak ni Asa si Josafat; at naging anak ni Josafat si Joram; at naging anak ni Joram si Ozias;

At naging anak ni Ozias si Joatam; at naging anak ni Joatam si Acaz; at naging anak ni Acaz si Ezequias;

10 At naging anak ni Ezequias si Manases; at naging anak ni Manases si Amon; at naging anak ni Amon si Josias;

11 At naging anak ni Josias si Jeconias at ang kaniyang mga kapatid, nang panahon ng (H)pagkadalang-bihag sa Babilonia.

12 At pagkatapos nang pagkadalangbihag sa Babilonia, ay naging anak ni (I)Jeconias si Salatiel; at naging anak ni Salatiel si Zorobabel;

13 At naging anak ni Zorobabel si Abiud; at naging anak ni Abiud si Eliaquim; at naging anak ni Eliaquim si Azor;

14 At naging anak ni Azor si Sadoc; at naging anak ni Sadoc si Aquim; at naging anak ni Aquim si Eliud;

15 At naging anak ni Eliud si Eleazar; at naging anak ni Eleazar si Matan; at naging anak ni Matan si Jacob;

16 At naging anak ni Jacob si Jose asawa ni Maria, na siyang nanganak kay Jesus, na siyang tinatawag na Cristo.

17 Sa makatuwid ang lahat ng mga salit-saling lahi buhat kay Abraham hanggang kay David ay labingapat na salit-saling lahi; at buhat kay David hanggang sa pagdalang-bihag sa Babilonia ay labingapat na sali't-saling lahi; at buhat sa pagkadalang-bihag sa Babilonia hanggang kay Cristo ay labingapat na sali't-saling lahi.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978