Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 45:6-17

(A)Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan-kailan man:
Cetro ng kaganapan ang cetro ng iyong kaharian.
(B)Iyong iniibig ang katuwiran, at pinagtataniman ang kasamaan:
Kaya't ang Dios, ang iyong Dios, ay nagpahid sa iyo (C)ng langis
Ng langis (D)ng kasayahan na higit kay sa iyong mga kasama.
Ang lahat ng iyong mga damit ay amoy mira, at aloe, at kasia:
Mula sa bahay-haring garing ay pinasasaya ka ng mga panugtog na kawad.
(E)Ang mga anak na babae ng hari ay nangasa gitna ng iyong mga marangal na babae:
(F)Sa iyong kanan ay nakatayo ang reyna na may (G)ginto sa Ophir.
10 Iyong dinggin, Oh anak na babae, at iyong pakundanganan, at ikiling mo ang iyong pakinig;
(H)Kalimutan mo naman ang iyong sariling bayan, at ang bahay ng iyong magulang;
11 Sa gayo'y nanasain ng hari ang iyong kagandahan;
Sapagka't siya'y iyong panginoon; at sumamba ka sa kaniya.
12 At ang anak na babae ng Tiro ay dodoon na (I)may kaloob;
Pati ng mayaman sa gitna ng iyong bayan ay (J)mamamanhik ng iyong lingap.
13 Ang anak na babae ng hari ay totoong maluwalhati sa bahay-hari.
Ang kaniyang suot ay yaring may ginto.
14 Siya'y ihahatid sa hari na (K)may suot na bordado:
Ang mga dalaga, na kaniyang mga kasama na nagsisisunod sa kaniya, ay
Dadalhin sa iyo.
15 May kasayahan at kagalakan na ihahatid sila:
Sila'y magsisipasok sa bahay-hari.
16 Sa halip ng iyong mga magulang ay ang iyong mga anak,
(L)Na siya mong gagawing mga pangulo sa buong lupa.
17 Aking ipaaalaala ang iyong pangalan sa lahat ng sali't saling lahi:
Kaya't ang mga bayan ay mangagpapasalamat sa iyo magpakailan-kailan man.

Oseas 14

Ang Israel ay sinamo upang magbalik sa Panginoon.

14 Oh Israel, manumbalik ka sa (A)Panginoon mong Dios; sapagka't ikaw ay nabuwal dahil sa iyong kasamaan.

Magpahayag kayo na may pagsisisi, at magsipanumbalik kayo sa Panginoon: sabihin ninyo sa kaniya, Alisin mo ang boong kasamaan, at tanggapin mo ang mabuti: sa gayo'y aming ilalagak na parang (B)mga toro ang handog ng aming mga labi.

Hindi (C)kami ililigtas ng Asiria; kami ay (D)hindi sasakay sa mga kabayo; ni magsasabi pa man kami sa gawa ng aming mga kamay, Kayo'y aming mga dios; (E)sapagka't dahil sa iyo'y nakakasumpong ng kaawaan ang ulila.

Aking gagamutin ang kanilang pagtalikod, (F)akin silang iibiging may kalayaan; sapagka't ang aking galit ay humiwalay sa kaniya.

Ako'y (G)magiging parang hamog sa Israel: siya'y bubukang parang lila, at kakalat ang kaniyang ugat na parang Libano.

Ang kaniyang mga sanga ay magsisiyabong, at ang kaniyang kagandahan ay magiging parang puno ng olibo, at ang kaniyang bango ay parang Libano.

(H)Silang nagsisitahan sa kaniyang lilim ay manunumbalik; sila'y mangabubuhay uling gaya ng trigo, at mangamumulaklak na gaya ng puno ng ubas: at ang amoy ay magiging gaya ng alak ng Libano.

Sasabihin ng Ephraim, Ano pa ang aking gagawin sa mga dios-diosan? Ako'y sasagot, at aking hahalatain siya: ako'y parang sariwang abeto; (I)mula sa akin ay nasusumpungan ang iyong bunga.

Sino (J)ang pantas, at siya'y makakaunawa ng mga bagay na ito? at mabait, at kaniyang mangalalaman? (K)sapagka't ang mga daan ng Panginoon ay matutuwid, at lalakaran ng mga ganap; nguni't kabubuwalan ng mga mananalangsang.

2 Corinto 11:1-15

11 Kahimanawari'y mapagtiisan ninyo (A)ako sa kaunting kamangmangan: nguni't tunay na ako'y inyong pinagtitiisan.

Sapagka't ako'y (B)naninibugho tungkol sa inyo ng panibughong ukol sa Dios: sapagka't kayo'y aking pinapagasawa sa isa, upang kayo'y maiharap ko kay Cristo na (C)tulad sa dalagang malinis.

Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, (D)kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain.

Sapagka't kung (E)yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o (F)ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo.

Sapagka't inaakala kong (G)sa anoman ay hindi ako huli sa lubhang mga dakilang apostol.

Datapuwa't bagaman (H)ako ay magaspang sa pananalita, gayon ma'y hindi ako (I)sa kaalaman; hindi, kundi (J)sa lahat ng paraan ay ipinahayag namin ito sa inyo.

Ako nga baga'y nagkasala (K)sa pagpapakababa ko sa aking sarili, upang kayo'y mangataas dahil sa ipinangaral ko (L)sa inyo na walang bayad ang evangelio ng Dios?

Aking sinamsaman ang ibang mga iglesia, sa pagtanggap ko ng upa sa kanila, upang ipangasiwa ko sa inyo;

At pagka ako'y kaharap ninyo at ako'y nagkukulang ng ikabubuhay, ako'y hindi naging pasan (M)sa kanino man; sapagka't mga kapatid nang sila'y manggaling sa Macedonia (N)ay tumakip ng aming pangangailangan; at sa lahat ng mga bagay ay pinagingatan kong huwag maging pasanin ninyo, at magiingat nga ako.

10 Kung paanong nasa akin ang katotohanan ni Cristo, sinoman ay hindi makapipigil sa akin sa pagmamapuring ito sa mga dako ng Acaya.

11 Bakit? (O)sapagka't hindi ko baga kayo iniibig? Nalalaman ng Dios.

12 Datapuwa't ang aking ginagawa ay siya kong gagawin, (P)upang maputol ko ang kadahilanan sa mga nagnanasa ng kadahilanan; upang sa anomang ipinagmamapuri nila ay mangasumpungan sila na gaya namin.

13 Sapagka't ang mga gayong tao (Q)ay mga bulaang apostol, mga magdarayang (R)manggagawa, na nangagpapakunwaring mga apostol ni Cristo.

14 At hindi katakataka: sapagka't si Satanas (S)man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.

15 Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring (T)ministro ng katuwiran; (U)na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978