Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 33:12-22

12 (A)Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon;
Ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana.
13 Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit;
Kaniyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao;
14 Mula sa dakong kaniyang tahanan ay tumitingin siya
Sa lahat na nangananahan sa lupa;
15 Siyang naghuhugis ng mga puso nilang lahat,
Na nagmamasid sa lahat nilang mga gawa.
16 (B)Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo:
Ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan.
17 Ang kabayo ay (C)walang kabuluhang bagay sa pagliligtas:
Ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan;
18 (D)Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob;
19 Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan,
At (E)upang ingatan silang buháy sa kagutom.
20 Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon:
(F)Siya'y aming saklolo at aming kalasag.
21 Sapagka't ang aming puso ay magagalak (G)sa kaniya,
Sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan.
22 Sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
Ayon sa aming pagasa sa iyo.

Genesis 2:4-7

(A)Ito ang pinangyarihan ng langit at ng lupa, nang likhain noong araw, na gawin ng Panginoong Dios ang lupa't langit.

At wala pa sa lupang (B)kahoy sa parang, at wala pang anomang pananim na tumutubo sa parang: (sapagka't hindi pa pinauulanan ng Panginoong Dios ang lupa) at wala pang taong (C)magbukid ng lupa,

Nguni't may isang ulap na napaitaas buhat sa lupa at dinilig ang buong ibabaw ng lupa.

Nilalang ang lalake at inilagay sa Eden.

At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa (D)alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng (E)hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.

1 Corinto 15:42-49

42 Gayon din naman ang pagkabuhay na maguli ng mga patay. Itinatanim na (A)may kasiraan; binubuhay na maguli na (B)walang kasiraan;

43 Itinatanim na (C)may pagkasiphayo; binubuhay na maguli na may kaluwalhatian: itinatanim na may kahinaan; binubuhay na maguli na may kapangyarihan:

44 Itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu. Kung may (D)katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman.

45 Gayon din naman nasusulat, Ang unang taong si (E)Adam ay naging kaluluwang buhay. (F)Ang huling Adam ay naging (G)espiritung nagbibigay buhay.

46 Bagaman ang ukol sa espiritu ay hindi siyang una, kundi ang ukol sa lupa: pagkatapos ang ukol sa espiritu.

47 Ang unang tao (H)ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang tao ay taga langit.

48 Kung ano ang ukol sa lupa, ay gayon din naman silang mga taga lupa: (I)at kung ano ang ukol sa langit ay gayon din naman silang taga langit.

49 At kung paanong tinaglay natin ang larawang ukol sa lupa, ay (J)tataglayin din naman natin ang larawang ukol sa langit.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978