Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 104:24-34

24 (A)Oh Panginoon, pagka sarisari ng iyong mga gawa!
Sa karunungan ay ginawa mo silang lahat:
Ang lupa ay puno ng iyong kayamanan.
25 Nandoon ang dagat, na malaki at maluwang,
Na ginagalawan ng di mabilang na mga bagay,
Ng mga munti at ng mga malaking hayop din naman.
26 Doo'y nagsisiyaon ang mga sasakyan:
Nandoon (B)ang buwaya na iyong nilikha upang maglibang doon.
27 (C)Lahat ng ito ay nangaghihintay sa iyo,
Upang iyong mabigyan sila ng kanilang pagkain sa ukol na kapanahunan.
28 Ang iyong ibinibigay sa kanila ay pinipisan nila;
Iyong ibinubukas ang iyong kamay, sila'y nangabubusog ng kabutihan.
29 (D)Iyong ikinukubli ang iyong mukha, sila'y nangababagabag;
(E)Iyong inaalis ang kanilang hininga, sila'y nangamamatay,
(F)At nagsisibalik sa kanilang pagkaalabok.
30 Iyong sinusugo ang iyong Espiritu, sila'y nangalalalang;
At iyong binabago ang balat ng lupa.
31 Manatili nawa ang kaluwalhatian ng Panginoon kailan man;
(G)Magalak nawa ang Panginoon sa kaniyang mga gawa:
32 Na siyang tumitingin sa lupa at nayayanig:
(H)Kaniyang hinihipo ang mga bundok at nagsisiusok.
33 (I)Aawit ako sa Panginoon habang ako'y nabubuhay:
Ako'y aawit ng pagpuri sa aking Dios, samantalang mayroon akong kabuhayan.
34 Matamisin nawa niya ang aking pagbubulay:
Ako'y magagalak sa Panginoon.

Mga Awit 104:35

35 (A)Malipol nawa ang mga makasalanan sa lupa,
At mawala nawa ang masama.
Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Joel 2:18-29

Ang Panginoon ay nagpakita ng habag at pagtulong.

18 Noong ang Panginoon ay naging masikap sa kanilang lupain, at nahabag sa kaniyang bayan.

19 At ang Panginoon ay sumagot, at nagsabi sa kaniyang bayan, Narito, ako'y magdadala sa inyo ng trigo, at (A)alak, at langis, at inyong kabubusugan; at hindi ko na gagawin pa kayo na kakutyaan sa gitna ng mga bansa;

20 Kundi aking ihihiwalay na malayo sa inyo (B)ang hukbo sa hilagaan, at aking itataboy siya sa isang lupaing basal at sira, ang kaniyang unaha'y (C)sa dagat silanganan, (D)at ang kaniyang pinakahuling bahagi ay sa dagat kanluran; at ang kaniyang baho ay aalingasaw, at ang masamang amoy ay iilanglang, sapagka't siya'y gumawa ng mga malaking bagay.

21 Huwag kang matakot, Oh lupain, ikaw ay matuwa at magalak; sapagka't ang Panginoon ay gumawa ng dakilang mga bagay.

22 Huwag kayong mangatakot, kayong mga hayop sa parang; sapagka't (E)ang mga pastulan sa ilang ay lumalago, sapagka't ang punong kahoy ay nagbubunga, ang puno ng higos at ang puno ng ubas ay nagbubunga.

23 Kayo nga'y mangatuwa, kayong mga anak ng Sion, at mangagalak sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't kaniyang ibinibigay sa inyo ang maagang ulan sa tapat na sukat, (F)at kaniyang pinalalagpak ang ulan dahil sa inyo, ang maagang ulan at ang huling ulan, sa unang buwan.

24 At ang mga lapag ay mangapupuno ng trigo, at (G)ang mga kamalig ay aapawan ng alak at langis.

25 At aking isasauli sa inyo ang mga taon (H)na kinain ng balang, ng uod, at ng kuliglig, at ng tipaklong na siyang aking malaking hukbo, na aking sinugo sa gitna ninyo.

26 At kayo'y magsisikaing sagana, at mangabubusog, at inyong pupurihin ang pangalan ng Panginoon ninyong Dios, na gumawa ng kababalaghan sa inyo; at (I)ang aking bayan ay hindi mapapahiya kailan man.

27 At inyong malalaman na ako'y (J)nasa (K)gitna ng Israel, at ako ang Panginoon ninyong Dios, at wala nang iba; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya magpakailan man.

Ipinangako ang pagbubuhos ng Espiritu ng Panginoon.

28 At mangyayari pagkatapos, na (L)ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at (M)ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain:

29 At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu.

1 Corinto 12:4-11

Ngayo'y (A)may iba't ibang mga kaloob, datapuwa't (B)iisang Espiritu.

At may (C)iba't ibang mga pangangasiwa, datapuwa't iisang Panginoon.

At may iba't ibang paggawa, datapuwa't iisang (D)Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat.

Datapuwa't sa bawa't isa (E)ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman.

Sapagka't sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng (F)karunungan; at sa iba'y ang salita ng (G)kaalaman ayon din sa Espiritu:

Sa iba'y ang (H)pananampalataya, sa gayon ding Espiritu; at sa iba'y ang (I)mga kaloob na pagpapagaling, sa iisang Espiritu.

10 At sa iba'y ang mga paggawa ng mga himala; at sa iba'y hula; at sa iba'y ang (J)pagkilala sa mga espiritu; at sa iba'y ang (K)iba't ibang wika; at sa iba'y ang (L)pagpapaliwanag ng mga wika.

11 Datapuwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang ibig.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978