Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang karangalan ng Panginoon.
93 Ang Panginoon ay (A)naghahari; (B)siya'y nananamit ng karilagan;
Ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan; (C)siya'y nagbigkis niyaon:
Ang sanglibutan naman ay (D)natatag, na hindi mababago.
2 (E)Ang luklukan mo'y natatag ng una:
Ikaw ay mula sa walang pasimula.
3 Ang mga baha ay nagtaas, Oh Panginoon,
Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang hugong;
Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang mga alon.
4 Ng higit sa mga hugong ng maraming tubig,
Malalakas na hampas ng alon sa dagat,
(F)Ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan.
5 Ang iyong mga patotoo ay totoong tunay:
Ang kabanalan ay nararapat sa iyong bahay,
Oh Panginoon, magpakailan man.
Ipinayo ang pagaaral ng kautusan.
18 Kaya't (A)inyong ilalagak itong aking mga salita sa inyong puso, at sa inyong kaluluwa; at (B)inyong itatali na pinakatanda sa inyong kamay at magiging pinakatali sa inyong noo.
19 (C)At inyong ituturo sa inyong mga anak, na inyong sasalitain sa kanila, pagka ikaw ay nauupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumalakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga, at pagka ikaw ay bumabangon.
20 (D)At iyong isusulat sa itaas ng pintuan ng iyong bahay, at sa iyong mga pintuang-daan:
21 (E)Upang ang inyong mga araw ay dumami at ang mga araw ng inyong mga anak, sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang na ibibigay sa kanila, (F)gaya ng mga araw ng langit sa ibabaw ng lupa.
19 Ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na sila'y mangakausap niya, ay (A)tinanggap sa itaas ng langit, at (B)lumuklok sa kanan ng Dios.
20 At nagsialis sila, at nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang salita sa pamamagitan ng mga (C)tandang kalakip. Siya nawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978