Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 47

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.

47 Oh (A)ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan;
Magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay.
Sapagka't ang Panginoong kataastaasan (B)ay kakilakilabot;
(C)Siya'y dakilang Hari sa buong lupa.
(D)Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin,
At ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa.
Kaniyang ipipili tayo (E)ng ating mana,
(F)Ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal. (Selah)
(G)Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan,
Ang Panginoon na may tunog ng pakakak.
Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri:
Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri.
Sapagka't ang Dios (H)ay Hari ng buong lupa:
(I)Magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa.
(J)Ang Dios ay naghahari sa mga bansa:
Ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan.
Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan
Upang maging bayan ng Dios ni Abraham;
Sapagka't ang mga (K)kalasag ng lupa ay ukol sa Dios;
Siya'y totoong bunyi.

Deuteronomio 34:1-7

Ang kamatayan ni Moises.

34 At sumampa si Moises mula sa mga kapatagan ng Moab (A)sa bundok ng Nebo, sa taluktok ng Pisga, na nasa tapat ng Jerico. At itinuro ng Panginoon ang buong lupain ng Galaad (B)hanggang sa Dan,

At ang buong Nephtali at ang lupain ng Ephraim at ng Manases, at ang buong lupain ng Juda (C)hanggang sa dagat kalunuran,

At ang Timugan at ang (D)Kapatagan ng libis ng Jerico na (E)bayan ng mga puno ng palma hanggang sa (F)Soar.

At sinabi ng Panginoon sa kaniya, (G)Ito ang lupain na aking isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na sinasabi, Aking ibibigay sa iyong binhi: (H)aking pinatingnan sa iyo ng iyong mga mata, nguni't hindi ka daraan doon.

Sa gayo'y si Moises na lingkod ng Panginoon ay namatay roon sa lupain ng Moab ayon sa salita ng Panginoon.

At kaniyang inilibing siya sa libis sa lupain ng Moab na nasa tapat ng Beth-peor; nguni't (I)sinomang tao ay hindi nakaaalam ng libingan niya hanggang sa araw na ito.

(J)At si Moises ay may isang daan at dalawang pung taong gulang nang siya'y mamatay: (K)ang kaniyang mata'y hindi lumabo, ni ang kaniyang talagang lakas ay humina.

Juan 16:4-11

Datapuwa't ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, upang kung dumating ang kanilang oras, ay inyong mangaalaala, kung paanong sinabi ko sa inyo. At ang mga bagay na ito'y hindi ko sinabi sa inyo buhat pa nang una, sapagka't ako'y sumasa inyo.

Datapuwa't ngayong (A)ako'y paroroon sa nagsugo sa akin; at (B)sinoman sa inyo ay walang nagtatanong sa akin, Saan ka paroroon?

Nguni't sapagka't sinalita ko ang mga bagay na ito sa inyo, ay napuno (C)ng kalumbayan ang inyong puso.

Gayon ma'y sinasalita ko sa inyo ang katotohanan: Nararapat sa inyo na ako'y yumaon; sapagka't kung hindi ako yayaon, (D)ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni't kung ako'y yumaon, siya'y susuguin ko sa inyo.

At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol:

(E)Tungkol sa kasalanan, sapagka't hindi sila nagsisampalataya sa akin;

10 (F)Tungkol sa katuwiran, sapagka't ako'y paroroon sa Ama, at hindi na ninyo ako makikita;

11 Tungkol sa paghatol, (G)sapagka't ang prinsipe ng sanglibutang ito ay hinatulan na.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978