Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Panalangin upang magtagumpay sa kaaway. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
20 Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan;
(A)Itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob;
2 Saklolohan ka mula sa (B)santuario,
At palakasin ka mula sa (C)Sion;
3 Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog,
At tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog; (Selah)
4 (D)Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso,
At tuparin ang lahat ng iyong payo.
5 Kami ay (E)magtatagumpay sa iyong pagliligtas,
At (F)sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat:
Ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi.
6 Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang (G)kaniyang pinahiran ng langis;
Sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit
Ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.
7 (H)Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo:
(I)Nguni't babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios.
8 Sila'y nangakasubsob at buwal:
Nguni't kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid.
9 Magligtas ka, Panginoon:
Sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag.
Basbas ng saserdote sa mga anak ni Israel.
22 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
23 Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na sasabihin, (A)Sa ganitong paraan babasbasan ninyo ang mga anak ni Israel; inyong sasabihin sa kanila:
24 Pagpalain ka nawa ng Panginoon at ingatan (B)ka:
25 (C)Paliwanagin nawa ng Panginoon ang kaniyang mukha sa iyo, (D)at mahabag sa iyo:
26 Ilingap nawa ng Panginoon ang kaniyang mukha sa iyo, at bigyan ka ng kapayapaan.
27 (E)Gayon nila ilalagay ang aking pangalan sa mga anak ni Israel; at aking pagpapalain sila.
21 At sinabi niya sa kanila, (A)Dinadala baga ang ilaw upang ilagay sa ilalim ng takalan, o sa ilalim ng higaan, at hindi baga upang ilagay sa talagang lalagayan ng ilaw?
22 Sapagka't walang (B)anomang bagay na natatago, kundi upang mahayag; ni nalilihim, kundi yao'y upang mapasa liwanag.
23 Kung ang sinoman ay may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig.
24 At sinabi niya sa kanila, (C)Ingatan ninyo kung ano ang inyong pinakikinggan: (D)sa panukat na inyong isinusukat ay kayo'y susukatin; at higit pa ang sa inyo'y ibibigay.
25 Sapagka't ang mayroon, ay (E)bibigyan pa; at ang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin pa sa kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978