Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 93

Ang karangalan ng Panginoon.

93 Ang Panginoon ay (A)naghahari; (B)siya'y nananamit ng karilagan;
Ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan; (C)siya'y nagbigkis niyaon:
Ang sanglibutan naman ay (D)natatag, na hindi mababago.
(E)Ang luklukan mo'y natatag ng una:
Ikaw ay mula sa walang pasimula.
Ang mga baha ay nagtaas, Oh Panginoon,
Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang hugong;
Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang mga alon.
Ng higit sa mga hugong ng maraming tubig,
Malalakas na hampas ng alon sa dagat,
(F)Ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan.
Ang iyong mga patotoo ay totoong tunay:
Ang kabanalan ay nararapat sa iyong bahay,
Oh Panginoon, magpakailan man.

Deuteronomio 11:1-17

Inilahad ang dahilan kung bakit dapat maging masunurin.

11 (A)Kaya't iyong iibigin ang Panginoon mong Dios, at (B)iyong susundin ang kaniyang bilin, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, at ang kaniyang mga utos kailan man.

At talastasin ninyo sa araw na ito: sapagka't hindi ko sinasalita sa inyong mga anak na hindi nangakakilala, at hindi nangakakita (C)ng parusa ng Panginoon ninyong Dios (D)ng kaniyang kadakilaan, (E)ng kaniyang makapangyarihang kamay at ng kaniyang unat na bisig,

At ng kaniyang mga tanda, at ng kaniyang mga gawa, na kaniyang ginawa sa gitna ng Egipto kay Faraon na hari sa Egipto, at sa kaniyang buong lupain;

At ang kaniyang ginawa sa hukbo ng Egipto, sa kanilang mga kabayo, at sa kanilang mga karo; kung paanong (F)tinakpan niya sila ng tubig ng Dagat na Mapula nang kanilang habulin kayo, at kung paanong nilipol sila ng Panginoon sa araw na ito;

At kung ano ang kaniyang ginawa sa inyo sa ilang hanggang sa dumating kayo sa dakong ito;

At (G)kung ano ang kaniyang ginawa kay Dathan at kay Abiram, na mga anak ni Eliab, na anak ni Ruben; kung paanong ibinuka ng lupa ang kaniyang bibig, at nilamon sila, at ang kanilang mga sangbahayan, at ang kanilang mga tolda, at bawa't bagay na may buhay na sa kanila'y sumusunod sa gitna ng buong Israel:

Nguni't nakita ng inyong mga mata ang lahat ng dakilang gawa ng Panginoon na kaniyang ginawa.

Kaya't inyong susundin ang buong utos na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, (H)upang kayo'y lumakas at kayo'y pumasok at ariin ninyo ang lupain, na inyong tatawirin upang ariin;

At (I)upang inyong maparami ang inyong mga araw sa ibabaw ng lupain (J)na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang na ibibigay sa kanila at sa kanilang binhi (K)na lupaing binubukalan ng gatas at pulot.

10 Sapagka't ang lupain na iyong pinaroroonan upang ariin, ay hindi gaya ng lupain ng Egipto, na inyong pinanggalingan, na doo'y nagtatanim ka ng iyong binhi, at iyong dinidilig ng iyong paa, na parang taniman ng mga gulay;

11 (L)Kundi ang lupain, na inyong tatawirin upang ariin, ay lupaing maburol at malibis, at dinidilig ng tubig ng ulan sa langit:

12 Lupaing inaalagaan ng Panginoon mong Dios, (M)at ang mga mata ng Panginoon mong Dios ay nandoong lagi, mula sa pasimula ng taon hanggang sa katapusan ng taon.

13 At mangyayari, na kung inyong didingging maigi ang aking mga utos na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, na (N)ibigin ang Panginoon ninyong Dios at siya'y paglingkuran ng buo ninyong puso, at ang buo ninyong kaluluwa,

14 Ay (O)ibibigay ko ang ulan ng inyong lupain sa kaniyang kapanahunan, (P)ang una at huling ulan upang iyong makamalig ang iyong trigo, at ang iyong alak, at ang iyong langis.

15 (Q)At aking bibigyan ng damo ang iyong mga hayop sa iyong mga bukid, at ikaw ay kakain at mabubusog.

16 Mangagingat kayo, (R)baka ang inyong puso ay madaya, at kayo'y maligaw, at maglingkod sa ibang mga dios, at sumamba sa kanila;

17 At ang galit ng Panginoon ay magalab laban sa inyo, at (S)kaniyang sarhan ang langit, upang huwag magkaroon ng ulan, at ang lupa'y huwag magbigay ng kaniyang bunga; at (T)kayo'y malipol na madali sa mabuting lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon.

1 Timoteo 6:13-16

13 (A)Ipinagbibilin ko sa iyo (B)sa paningin ng Dios (C)na bumubuhay sa lahat ng mga bagay, at ni Cristo Jesus, (D)na sa harapan ni Poncio Pilato ay sumaksi ng mabuting pagpapahayag;

14 Na tuparin mo ang utos, na walang dungis, walang kapintasan (E)hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesucristo:

15 Na (F)sa kaniyang kapanahunan ay ipahahayag siya, (G)na mapalad at tanging Makapangyarihan (H)Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon;

16 (I)Na siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng (J)sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan. Siya nawa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978