Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
12 (A)Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon;
Ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana.
13 Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit;
Kaniyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao;
14 Mula sa dakong kaniyang tahanan ay tumitingin siya
Sa lahat na nangananahan sa lupa;
15 Siyang naghuhugis ng mga puso nilang lahat,
Na nagmamasid sa lahat nilang mga gawa.
16 (B)Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo:
Ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan.
17 Ang kabayo ay (C)walang kabuluhang bagay sa pagliligtas:
Ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan;
18 (D)Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob;
19 Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan,
At (E)upang ingatan silang buháy sa kagutom.
20 Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon:
(F)Siya'y aming saklolo at aming kalasag.
21 Sapagka't ang aming puso ay magagalak (G)sa kaniya,
Sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan.
22 Sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
Ayon sa aming pagasa sa iyo.
Ipinakita ng Panginoon ang pagkawalang malay ni Job sa paglalalang at sa sumasangkap ng sanglibutan.
37 Oo, dahil din dito'y nanginginig ang aking puso,
At napapabago sa kaniyang kinaroroonang dako.
2 Dinggin ninyo oh dinggin ang hiyaw ng kaniyang tinig,
At ang sigaw na lumalabas sa kaniyang bibig.
3 Kaniyang ipinadadala sa silong ng buong langit,
At ang kidlat niya'y sa mga wakas ng lupa.
4 Sumunod nito'y isang hugong na dumadagundong;
(A)Siya'y kumukulog ng hugong ng kaniyang karilagan:
At hindi tumitigil doon kung naririnig ang kaniyang tinig.
5 Ang Dios ay kumukulog na kagilagilalas ng kaniyang tinig;
(B)Dakilang mga bagay ang ginawa niya, na hindi natin matalastas.
6 Sapagka't sinabi niya sa nieve, (C)Lumagpak ka sa lupa;
Gayon din sa ambon,
At sa bugso ng kaniyang malakas na ulan,
7 Tinatatakan niya ang kamay ng bawa't tao:
Upang maalaman ng lahat ng mga tao na kaniyang nilalang.
8 Kung gayo'y nagsisipasok (D)ang mga hayop sa mga lungga,
At namamalagi sa kanilang mga tahanan.
9 Mula sa timog nanggagaling ang bagyo:
At ang ginaw ay mula sa hilagaan.
10 (E)Sa pamamagitan ng hinga ng Dios ay nayayari ang hielo:
At ang kaluwangan ng tubig ay naiipit.
11 Oo, kaniyang nilalagyan ang masinsing ulap ng halomigmig;
Kaniyang pinangangalat ang alapaap ng kaniyang kidlat:
12 At pumipihit sa palibot sa pamamagitan ng kaniyang patnubay,
(F)Upang kanilang gawin ang anomang iutos niya sa kanila,
Sa ibabaw ng balat ng sanglibutang natatahanan:
13 Maging sa saway, o maging (G)sa kaniyang lupain,
O (H)maging sa kaawaan ay pinalilitaw niya.
50 Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na (A)ang laman at ang dugo ay (B)hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni (C)ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan.
51 Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi (D)tayong lahat ay mangatutulog, (E)nguni't tayong lahat ay babaguhin,
52 Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, (F)sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin.
53 Sapagka't kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at (G)itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.
54 Datapuwa't pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, (H)Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.
55 Saan naroon, (I)Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo?
56 Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan; at (J)ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan:
57 Datapuwa't salamat sa Dios, (K)na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978