Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang tinig ng Panginoon ay nasa malakas na hangin. Awit ni David.
29 Mangagbigay kayo sa Panginoon, (A)Oh kayong mga anak ng makapangyarihan,
Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
2 Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:
Inyong sambahin ang Panginoon sa (B)kagandahan ng kabanalan.
3 (C)Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig:
Ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog,
Sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng (D)maraming tubig.
4 Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan;
Ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan.
5 Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro;
Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano.
6 Kaniya namang (E)pinalulukso na gaya ng guya:
Ang Libano at (F)Sirion na gaya ng mailap na guyang baka.
7 Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon.
8 Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang:
Niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades.
9 Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa,
At hinuhubdan ang mga gubat:
At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: Kaluwalhatian.
10 Ang Panginoon ay (G)naupo sa Baha na parang Hari;
(H)Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man.
11 (I)Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan;
Pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.
Ang katigasan ng ulo ng bayan ng Panginoon.
1 (A)Ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz, na nakita tungkol sa Juda at Jerusalem, sa mga kaarawan ni (B)Uzias, ni (C)Jotham, ni (D)Ahaz, at ni (E)Ezechias, na mga hari sa Juda.
2 Dinggin mo, Oh langit, (F)at pakinggan mo, Oh lupa, sapagka't sinalita ng Panginoon: Ako'y nagalaga at nagpalaki ng mga bata, at sila'y nanganghimagsik laban sa akin.
3 (G)Nakikilala ng baka ang kaniyang panginoon, at ng asno ang pasabsaban ng kaniyang panginoon: nguni't ang Israel ay (H)hindi nakakakilala, ang bayan ko ay hindi gumugunita.
4 Ah bansang salarin, bayang napapasanan ng kasamaan, lahi ng mga manggagawa ng kasamaan, mga anak na nagsisigawa ng kalikuan: pinabayaan nila ang Panginoon, hinamak nila ang Banal ng Israel, sila'y nangapalayo na nagsiurong.
16 Mangaghugas kayo, mangaglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng aking mga mata; mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan:
17 Mangatuto kayong magsigawa ng mabuti; (A)inyong hanapin ang kahatulan, inyong saklolohan ang napipighati, inyong hatulan ang ulila, ipagsanggalang ninyo (B)ang babaing bao.
18 Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan, (C)sabi ng Panginoon: (D)bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng tupa,
19 Kung kayo'y magkusa at mangagmasunurin, kayo'y magsisikain ng buti ng lupain:
20 Nguni't kung kayo'y magsitanggi at manganghimagsik, kayo'y lilipulin ng tabak: sapagka't sinalita ng (E)bibig ng Panginoon.
8 Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus.
2 Sapagka't ang kautusan (A)ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay pinalaya (B)ako sa (C)kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.
3 Sapagka't (D)ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng (E)Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin (F)at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan:
4 Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.
5 Sapagka't ang mga ayon sa laman ay nangagsisitalima (G)sa mga bagay ng laman; datapuwa't ang mga ayon sa Espiritu ay sa (H)mga bagay ng Espiritu.
6 Sapagka't (I)ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan.
7 Sapagka't (J)ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari:
8 At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978