Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang pangitain ni Isaias, at pagkasugo.
6 (A)Noong taong mamatay ang haring (B)Uzzias ay (C)nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang luklukan, matayog at mataas; at pinuno ang templo ng kaniyang kaluwalhatian.
2 Sa itaas niya ay nangakatayo ang mga serapin: bawa't isa'y may (D)anim na pakpak: na may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mukha, at (E)may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mga paa, at may dalawa na naglilipad sa kaniya.
3 At nagsisigawang isa't isa, at nagsasabi, (F)Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga hukbo: ang buong lupa ay napuno ng kaniyang kaluwalhatian.
4 At ang mga patibayan ng mga pintuan ay nakilos sa tinig ng sumisigaw, at (G)ang bahay ay napuno ng usok.
5 (H)Nang magkagayo'y sinabi ko, Sa aba ko! sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi, at ako'y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka't (I)nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo.
6 Nang magkagayo'y nilipad ako ng isa sa mga serapin, na may baga sa kaniyang kamay, na kaniyang kinuha ng mga pangipit (J)mula sa dambana:
7 At hinipo niya niyaon ang aking bibig, at nagsabi, Narito, hinipo nito ang iyong mga labi; at ang iyong kasamaan ay naalis, at ang iyong kasalanan ay naalis.
8 At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito ako; suguin mo ako.
Ang tinig ng Panginoon ay nasa malakas na hangin. Awit ni David.
29 Mangagbigay kayo sa Panginoon, (A)Oh kayong mga anak ng makapangyarihan,
Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
2 Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:
Inyong sambahin ang Panginoon sa (B)kagandahan ng kabanalan.
3 (C)Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig:
Ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog,
Sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng (D)maraming tubig.
4 Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan;
Ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan.
5 Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro;
Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano.
6 Kaniya namang (E)pinalulukso na gaya ng guya:
Ang Libano at (F)Sirion na gaya ng mailap na guyang baka.
7 Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon.
8 Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang:
Niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades.
9 Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa,
At hinuhubdan ang mga gubat:
At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: Kaluwalhatian.
10 Ang Panginoon ay (G)naupo sa Baha na parang Hari;
(H)Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man.
11 (I)Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan;
Pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.
12 Kaya nga, mga kapatid, mga may utang tayo, hindi sa laman, upang mabuhay ayon sa laman:
13 Sapagka't kung mangabuhay kayo ng ayon sa laman, ay mangamamatay kayo; datapuwa't kung sa pamamagitan ng Espiritu ay (A)pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, ay mangabubuhay kayo.
14 Sapagka't ang lahat (B)ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga anak ng Dios.
15 Sapagka't (C)hindi ninyo muling tinanggap (D)ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa't tinanggap ninyo ang (E)espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito'y sumisigaw tayo, (F)Abba, Ama.
16 Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Dios:
17 At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; (G)mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; (H)kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo'y lumuwalhati namang kasama niya.
3 May isang lalake nga sa mga Fariseo, na nagngangalang (A)Nicodemo, isang (B)pinuno ng mga Judio:
2 Ito rin ay naparoon sa kaniya nang gabi, at sa kaniya'y nagsabi, Rabi, nalalaman naming ikaw ay isang guro na nagbuhat sa Dios; sapagka't (C)walang makagagawa ng mga tanda na iyong ginagawa, maliban na kung sumasa kaniya ang Dios.
3 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, (D)Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.
4 Sinabi sa kaniya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siya'y matanda na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak?
5 Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak (E)ng tubig at ng (F)Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.
6 (G)Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga.
7 Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli.
8 Humihihip ang hangin kung saan niya ibig, at naririnig mo ang kaniyang ugong, nguni't hindi mo nalalaman kung saan nanggagaling, at kung saan naparoroon: gayon ang bawa't ipinanganak ng Espiritu.
9 Sumagot si Nicodemo at sa kaniya'y sinabi, (H)Paanong pangyayari ng mga bagay na ito?
10 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Ikaw ang guro sa Israel, at hindi mo nauunawa ang mga bagay na ito?
11 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ang nalalaman namin ay sinasalita namin, at ang aming nakita ay pinatototohanan namin; at (I)hindi ninyo tinanggap ang aming patotoo.
12 Kung sinabi ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa lupa at hindi ninyo pinaniniwalaan, paanong paniniwalaan ninyo kung sabihin ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa langit?
13 At (J)walang umakyat sa langit, kundi (K)ang nanggaling sa langit, sa makatuwid baga'y ang Anak ng tao, na nasa langit.
14 At (L)kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, ay gayon kinakailangang (M)itaas ang Anak ng tao;
15 Upang ang sinomang sumampalataya ay (N)magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan.
16 Sapagka't gayon na lamang (O)ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na (P)ibinigay niya ang kaniyang (Q)bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
17 Sapagka't hindi sinugo ng Dios (R)ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; (S)kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978