Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
8 (A)Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon:
Sapagka't (B)siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga (C)banal:
Nguni't huwag silang manumbalik uli (D)sa kaululan.
9 Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya;
(E)Upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.
10 (F)Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong;
(G)Katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.
11 Katotohanan ay bumubukal sa lupa;
At ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.
12 Oo, ibibigay ng (H)Panginoon ang mabuti;
At ang ating (I)lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.
13 Katuwira'y mangunguna sa kaniya;
At gagawing daan ang kaniyang mga bakas.
Ang Ephraim at ang Juda ay napapanganib sa panghihimagsik ng Israel.
6 Magsiparito kayo, at tayo'y manumbalik sa Panginoon; sapagka't (A)siya'y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya'y nanakit, at kaniyang tatapalan tayo.
2 Pagkatapos ng dalawang araw ay muling (B)bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at tayo'y mangabubuhay sa harap niya.
3 At (C)ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang Panginoon: ang kaniyang paglabas ay tunay na (D)parang umaga; at siya'y paririto sa atin na parang ulan, na (E)parang huling ulan na dumidilig ng lupa.
4 Oh Ephraim, ano ang gagawin ko sa iyo? Oh Juda, (F)ano ang gagawin ko sa iyo? sapagka't ang inyong kabutihan ay parang ulap sa umaga, (G)at parang hamog na lumalabas na maaga.
5 Kaya't aking pinutol sila sa pamamagitan ng mga propeta; aking pinatay sila ng mga salita ng aking bibig; at ang iyong mga kahatulan ay parang liwanag na lumalabas.
6 Sapagka't ako'y nagnanasa ng kaawaan, (H)at hindi hain; at ng pagkakilala sa Dios higit kay sa mga handog na susunugin.
2 (A)Nangagpapasalamat kaming lagi sa Dios dahil sa inyong lahat, (B)na aming binabanggit kayo sa aming mga panalangin;
3 Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama, (C)ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpapagal sa pagibig at (D)pagtitiis sa pagasa sa ating (E)Panginoong Jesucristo;
4 Yamang aming nalalaman, mga kapatid na minamahal ng Dios, (F)ang pagkahirang sa inyo,
5 Kung paanong ang (G)aming evangelio ay hindi dumating sa inyo sa salita lamang, kundi sa kapangyarihan din naman, at sa Espiritu Santo, at (H)sa lubos na katiwasayan; na gaya ng (I)inyong nalalaman kung anong pagkatao namin ang aming ipinakita sa inyo dahil sa inyo.
6 At kayo'y nagsitulad sa amin, at sa Panginoon, (J)nang inyong tanggapin ang salita sa malaking kapighatian, (K)na may katuwaan sa Espiritu Santo;
7 Ano pa't kayo'y naging (L)uliran ng lahat ng nangananampalatayang nangasa (M)Macedonia at nangasa Acaya.
8 Sapagka't mula sa inyo'y nabansag ang salita ng Panginoon, hindi lamang sa Macedonia at Acaya, kundi (N)sa lahat ng mga dako ay natanyag ang inyong pananampalataya sa Dios; ano pa't kami ay wala nang kailangang magsabi pa ng anoman.
9 Sapagka't sila rin ang nangagbalita tungkol sa amin (O)kung paanong nangakapasok kami sa inyo; at (P)kung paanong nangagbalik kayo sa Dios mula sa mga (Q)diosdiosan, upang mangaglingkod sa (R)Dios na buhay at tunay,
10 (S)At upang hintayin ang kaniyang Anak na mula sa langit, na kaniyang ibinangon sa mga patay, si Jesus nga (T)na nagligtas (U)sa atin mula sa galit na darating.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978