Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang buong nilalang ay pinapagpupuri sa Panginoon.
148 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit:
Purihin ninyo siya sa mga kaitaasan.
2 (A)Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel:
Purihin ninyo siya, buo niyang hukbo.
3 Purihin ninyo siya, araw at buwan:
Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag.
4 Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit,
(B)At ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit.
5 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon:
Sapagka't (C)siya'y nagutos, at sila'y nangalikha.
6 (D)Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man:
Siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi.
7 Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa,
Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman:
8 Apoy at granizo, nieve at singaw;
Unos na hangin, na (E)gumaganap ng kaniyang salita:
9 (F)Mga bundok at lahat ng mga gulod;
Mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro:
10 Mga hayop at buong kawan;
Nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad:
11 Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan;
Mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa:
12 Mga binata at gayon din ng mga dalaga;
Mga matanda at mga bata:
13 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon;
Sapagka't ang kaniyang pangalang magisa ay nabunyi:
Ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit.
14 At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan,
Ang papuri ng lahat niyang mga banal;
Sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, (G)na bayang malapit sa kaniya.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Binigyan ng babala ang lahat ng bayan ng Juda.
26 Nang (A)pasimula ng paghahari ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, dumating ang salitang ito na mula sa Panginoon, na nagsasabi,
2 Ganito ang sabi ng Panginoon, (B)Tumayo ka sa looban ng bahay ng Panginoon at salitain mo sa lahat ng bayan ng Juda, na nagsisiparoon upang magsisamba sa bahay ng Panginoon, ang lahat na salita na iniutos ko sa iyo upang salitain sa kanila; (C)huwag kang magbawas ng kahit isang salita.
3 Marahil ay kanilang didinggin, at hihiwalay ang bawa't tao sa kanikaniyang masamang lakad; (D)upang aking mapagsisihan ang kasamaan na aking pinanukalang gawin sa kanila dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa.
4 At iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, (E)Kung hindi ninyo didinggin ako, na magsilakad sa aking kautusan, na aking inilagay sa harap ninyo,
5 Na makinig sa mga salita ng aking mga lingkod na mga propeta, (F)na aking sinusugo sa inyo, na bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila, nguni't hindi ninyo pinakinggan;
6 Ay akin ngang gagawin ang bahay na ito na gaya ng (G)Silo, at gagawin ko ang bayang ito na (H)sumpa (I)sa lahat ng mga bansa sa lupa.
7 At narinig (J)ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan si Jeremias na nagsasalita ng mga salitang ito sa bahay ng Panginoon.
Ang lalang laban kay Jeremias.
8 At nangyari, nang si Jeremias ay makatapos sa pagsasalita ng lahat na iniutos ng Panginoon sa kaniya na salitain sa buong bayan, na hinuli siya ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan, na sinasabi: Ikaw ay walang pagsalang mamamatay.
9 Bakit ka nanghula sa pangalan ng Panginoon, na iyong sinasabi, Ang bahay na ito ay magiging gaya ng Silo, at ang bayang ito ay magiging sira, na (K)mawawalan ng mananahan? At ang bayan ay nagpipisan kay Jeremias sa bahay ng Panginoon.
12 Nang magkagayo'y nagsalita si Jeremias sa lahat ng prinsipe at sa buong bayan, na sinasabi, Sinugo ako ng Panginoon upang manghula laban sa bahay na ito at laban sa bayang ito ng lahat na salita na inyong narinig.
13 Kaya't (A)ngayo'y pabutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa, at inyong talimahin ang tinig ng Panginoon ninyong Dios; at pagsisisihan ng Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinalita laban sa inyo.
14 Nguni't tungkol sa akin, narito, ako'y nasa inyong kamay: inyong gawin sa akin ang minamabuti at minamatuwid sa harap ng inyong mga mata.
15 Talastasin lamang ninyong mabuti na kung ako'y inyong ipapatay, kayo'y magdadala ng walang salang dugo sa inyo at sa bayang ito, at sa mga nananahan dito: sapagka't katotohanang sinugo ako ng Panginoon sa inyo upang magsalita ng lahat ng mga salitang ito sa inyong mga pakinig.
8 At si Esteban, na puspos ng biyaya at ng kapangyarihan, ay gumawa ng mga dakilang kababalaghan at mga tanda sa mga tao.
9 Datapuwa't nagsitindig ang ilan sa nangasa sinagoga, na tinatawag na sinagoga ng mga Libertino, at ng mga Cireneo, at ng mga Alejandrino, at ng mga taga Cilicia, at taga Asia, na nangakipagtalo kay Esteban.
10 At (A)hindi sila makalaban sa karunungan at sa Espiritu na kaniyang ipinangungusap.
11 Nang magkagayo'y nagsisuhol sila (B)sa mga lalake, na nangagsabi, Narinig naming siya'y nagsalita ng mga salitang kapusungan laban kay Moises at sa Dios.
12 At kanilang ginulo ang bayan, at ang mga matanda, at ang mga eskriba, at kanilang dinaluhong, at sinunggaban si Esteban, at dinala siya sa Sanedrin,
13 At nangagharap ng mga saksing sinungaling, na nangagsabi, Ang taong ito'y hindi naglilikat ng pagsasalita ng mga salitang laban dito sa dakong banal, at sa kautusan:
14 Sapagka't narinig naming kaniyang sinabi, na itong si Jesus na taga Nazaret ay (C)iwawasak ang dakong ito, at babaguhin ang mga kaugaliang ibinigay sa atin ni Moises.
15 At ang lahat ng nangakaupo sa Sanedrin, na nagsisititig sa kaniya, ay kanilang nakita ang kaniyang mukha na katulad ng mukha ng isang anghel.
51 (A)Kayong matitigas ang ulo, at di tuli ang puso't mga tainga, kayo'y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo: kung ano ang ginawa ng inyong mga magulang, ay gayon din naman ang ginagawa ninyo.
52 Alin sa mga propeta ang (B)hindi pinagusig ng inyong mga magulang? at kanilang pinatay ang nangagpahayag ng una ng pagdating (C)ng Matuwid na Ito; na sa kaniya'y kayo ngayon ay nangaging mga tagapagkanulo at mamamatay-tao;
53 Kayo na nagsitanggap ng kautusan ayon (D)sa pangangasiwa ng mga anghel, at hindi ninyo ginanap.
54 Nang marinig nga nila ang mga bagay na ito, ay nangasugatan sila sa puso, at siya'y pinagngalitan nila ng kanilang mga ngipin.
55 Datapuwa't siya, (E)palibhasa'y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig (F)sa kanan ng Dios,
56 At nagsabi, Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Dios.
57 Datapuwa't sila'y nagsigawan ng malakas na tinig, at nangagtakip ng kanilang mga tainga, at nangagkaisang siya'y dinaluhong;
58 At siya'y kanilang itinapon (G)sa labas ng bayan, (H)at binato: at inilagay (I)ng mga saksi ang kanilang mga damit sa mga paanan ng isang binata na nagngangalang Saulo.
59 At kanilang pinagbatuhanan si Esteban, na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi, Panginoong Jesus, (J)tanggapin mo ang aking espiritu.
60 At siya'y nanikluhod, at sumigaw ng malakas na tinig, (K)Panginoon, huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito. At pagkasabi niya nito, ay nakatulog siya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978