Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Pangaliw na mga pangako. Ang di maulatang kadakilaan ng Panginoon.
40 Inyong aliwin, inyong aliwin ang aking bayan, sabi ng inyong Dios.
2 Mangagsalita kayong may pagaliw sa Jerusalem; at sigawan ninyo siya, na ang kaniyang pakikipagdigma ay naganap, (A)na ang kaniyang kasamaan ay ipinatawad, sapagka't siya'y tumanggap sa kamay ng Panginoon ng ibayong ukol sa kaniyang lahat na kasalanan.
3 (B)Ang tinig ng isang sumisigaw, (C)Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios.
4 (D)Bawa't libis ay mataas, at bawa't bundok at burol ay mabababa; at (E)ang mga bakobako ay matutuwid, at ang mga hindi pantay na dako ay mapapatag:
5 At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag, at makikitang magkakasama ng (F)lahat na tao, sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon,
6 Ang tinig ng isang nagsasabi, Ikaw ay dumaing. At sinabi ng isa, Ano ang aking idadaing? (G)Lahat ng laman ay damo, at ang buong kagandahan niyaon ay parang bulaklak ng parang.
7 Ang damo ay natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta, sapagka't (H)ang hinga ng Panginoon ay humihihip doon; tunay na ang bayan ay damo.
8 Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta; (I)nguni't ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man.
9 Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Sion, sumampa ka sa mataas na bundok; Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Jerusalem, ilakas mo ang iyong tinig na may kalakasan; ilakas mo, huwag kang matakot; sabihin mo sa mga bayan ng Juda, Tingnan ang inyong Dios!
10 Narito, ang Panginoong Dios ay darating na gaya ng makapangyarihan, at ang kaniyang kamay ay magpupuno sa ganang kaniya: Narito, (J)ang kaniyang ganting pala ay dala niya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya.
11 Kaniyang (K)papastulin ang kaniyang kawan, na gaya ng pastor, kaniyang pipisanin ang mga kordero sa kaniyang kamay, at dadalhin sila sa kaniyang sinapupunan, at papatnubayan na marahan yaong mga nagpapasuso.
8 (A)Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon:
Sapagka't (B)siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga (C)banal:
Nguni't huwag silang manumbalik uli (D)sa kaululan.
9 Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya;
(E)Upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.
10 (F)Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong;
(G)Katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.
11 Katotohanan ay bumubukal sa lupa;
At ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.
12 Oo, ibibigay ng (H)Panginoon ang mabuti;
At ang ating (I)lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.
13 Katuwira'y mangunguna sa kaniya;
At gagawing daan ang kaniyang mga bakas.
8 Datapuwa't huwag ninyong kalimutan, mga minamahal, ang isang bagay na ito, na ang (A)isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw.
9 Hindi mapagpaliban (B)ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi (C)mapagpahinuhod sa inyo, (D)na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, (E)kundi ang lahat ay magsipagsisi.
10 Datapuwa't darating (F)ang araw ng Panginoon na gaya ng (G)magnanakaw; na ang (H)sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at (I)ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at (J)ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.
11 Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito, (K)ano ngang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo (L)sa banal na pamumuhay at pagkamaawain,
12 (M)Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng (N)kaarawan ng Dios, na dahil dito'y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init?
13 Nguni't, ayon sa kaniyang pangako, ay (O)naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, (P)na tinatahanan ng katuwiran.
14 (Q)Kaya nga, mga minamahal, yamang kayo'y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito, ay pagsikapan ninyong (R)masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya.
15 At (S)inyong ariin na ang pagpapahinuhod ng ating Panginoon ay pagliligtas; na gaya rin naman ni Pablo, na ating minamahal na kapatid, na ayon sa karunungang ibinigay sa kaniya, ay sinulatan kayo;
1 Ang pasimula ng evangelio ni Jesucristo, ang Anak ng Dios.
2 (A)Ayon sa pagkasulat kay Isaias na propeta,
(B)Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha,
Na maghahanda ng iyong daan;
3 (C)Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas;
4 Dumating si Juan, na nagbabautismo sa ilang (D)at ipinangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
5 At nilalabas siya ng buong lupain ng Judea, at nilang lahat na mga taga Jerusalem; at sila'y binabautismuhan niya sa ilog ng Jordan, na nangagpapahayag ng kanilang mga kasalanan.
6 At si Juan ay nananamit ng balahibo ng kamelyo, at may isang pamigkis na katad sa palibot ng kaniyang baywang, at kumakain ng mga balang at pulot-pukyutan.
7 At siya'y nangangaral, na nagsasabi, Sumusunod sa hulihan ko ang lalong makapangyarihan kay sa akin; hindi ako karapatdapat yumukod at kumalag ng tali ng kaniyang mga pangyapak.
8 Binabautismuhan ko kayo sa tubig; datapuwa't kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978